Chapter 6

882 30 4
                                    


"kaibigan ko lang siya....don't worry"

Habang naglalakad kami ay nakasalubong nanaman namin si Avery, naka swimsuit na siya. Nakatingin ako kay Donny para makita ang reaksyon niya.

Tumingin siya kay Avery, inalis niya ang shades niya. Sumama ang tingin ko sa kanya nang makita kong tiningnan niya si Avery.

Yellow swimsuit, ganon din yung dala ko eh. Nakahinto lang kami don habang nakatayo sa harap namin si Avery.

"a-alis na tayo" sabi ko habang nakatingin ng masaya kay Avery. Inaakit niya ba si Dons?, m-may gusto ba siya sa boyfriend.....I mean fake boyfriend ko?

Inaaya ko na siya pero parang mag gusto niyang mag stay with Avery. Mukang tuwang-tuwa naman si Avery dito. Kung pwede ko lang siguro sabihin kung gaano ako ka inis, baka sumabog na ako

I was mad at her, even before. She's my bestfriend but not anymore.

"wait....ayaw pa atang umalis ni Dons oh" mapang akit na sabi niya. Hinawakan niya ang balikat ni Donny.

Kaagad inalis ni Donny ang kamay ni Avery sa balikat niya. "you are blocking our way" he said with no emotion

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Nang marinig 'yon ni Avery ay kaagad itong umalis sa dadaanan namin.

"good babe" I laughed a bit

Naglakad na kaming papalayo. Nakatingin lang samin si Avery at nang makita 'yon ni Donny ay mas humigpit ang hawak niya sa baywang ko.

"you like it?" I teased him, I barely laughed

"I would never like someone when it wasn’t you" he looks serious, d-does he l-like me?

Bigla akong napalunok, may gusto ba siya sa akin?. Tumibok ng mabilis ang puso ko, parang gusto nitong kumawala. Hindi ko makalma ang sarili ko, pero parang tuwang-tuwa siya don.

"tsk...wag kang ma fall sa'kin" biro ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at dahil don ay bahagya akong kumalma. Isinuot niya uli ang shades niya at tumingin siya sa malayo.

"pag nakita mo yung abs ko mamaya...wag ka ring ma fafall ha" he boasted.

Bumalik ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Ayokong ma fall....ayoko ng masaktan uli.

"I will never" umiling ako sa kanya habang nakangiti

Naglakad na kami papalayo, hindi niya binitawan ang kamay ko. Pumunta na kami sa isang cottage at dun na kami nagpahinga

Nang dumating na ang iba pa naming kasama ay lumabas na kami sa cottage. Naka swimsuit ang mga babae don habang naka t-shirt at short lang ako. Sinubukan ko namang mag swimsuit pero ayaw ni Donny.

"tingnan mo...lahat sila naka swimsuit, ako den please" pa cute na sabi ko

Nakaupo kami sa white sand sa ilalim ng puno ng buko. Naka short siya at sando habang naka short at t-shirt naman ako.

"bahala ka" mahinang sabi niya, walang emosyon

Parang galit siya kaya hindi ko na ginawa,
pero susubukan ko pa rin. Umiinom siya ng buko. Naka shades at cap siya......parang wala siya sa beach.

"okay sabi mo 'yan" pang iinis ko sa kanya

Tumayo na ako para magbihis, pumunta ako sa cr...iniwan ko siyang nakaupo don.

Donny's POV

Nang umalis si Belle sa tabi ko ay lumapit sa akin si Avery. Naka swimsuit siya....pilit kong inaalis ang tingin ko sa kanya pero pumupunta siya sa lugar kung saan ako nakatingin.

"isa pa.....matatanggalan ka ng trabaho" galit na sabi ko.

Ngumiti siya sa akin, hinawakan niya ang hita ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"hindi mo kayang gawin 'yan, kailangan ako ng kumpanya" kampanteng sagot niya

Yes kailangan siya ng kumpanya pero hindi ko siya kailangan..kaya isang utos ko lang tanggal siya.

"you can go" mahinang sabi ko "I will never love you....again"

Tumingin ako sa malayo, napunta ang tingin ko sa cr nang makita kong lumalabas si Belle don. Naka swimsuit siya, color white at ang ganda nito sa kanya....pero hindi siya pwedeng mag suot non, ang daming lalaki dito.

Belle's POV

Paglabas ko ng cr ay bumaling ang tingin ng marami sa akin. Isa na don si Felix, parang nagniningning ang mga mata niya nung lumabas ako. Parang bumagal ang kilos ko sa mata niya.

"Hi-i" kumaway ako sa kanila

Dali-daling lumapit si Donny sa akin, may dala sing bathrobe, tinakip niya ito sa katawan ko.
Nakayakap siya sa akin habang naglalakad kami. Sinisigurado niya na walang makikita ang mga tao.

"ang kulit mo" bulong niya sa akin habang pekeng ngumingiti

"sabi mo bahala ako" bulong ko sa kanya

"tara na" bulong niya habang kaunting ginalaw ang balikat ko

Habang nakayakap sa akin ay naglalakad kami papunta sa cr. Nang makarating na kami sa cr ay inalis niya na ang bathrobe sa akin at pinapasok na ako sa loob.

Bago niya isara ang pinto ay binulungan niya ako "don't do this again or else" mahinang sabi niya bago isara ang pinto.

"or else what?" Nakatapat ang bibig ko sa pinto para marinig niya ang sinabi ko

"I'll kiss you.....again" sabi niya mula sa labas ng cr.

Nasa labas lang siya ng cr, nakaabang siya sa pinto. Hinihintay niyan magbihis ako. Nang makalabas na ako ay bumalik na kami sa kinauupuan namin kanina.

"then kiss me" I teased him, naglakad na ako papalayo sa kanya.

Mabilis niya ako nasundan, umakbay siya sa akin. Hinila niya ako papalapit sa kanya.

"wag mo akong subukan"

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon