Chapter 16

790 32 7
                                    

"the real you"

Dagdag ko pa. Hindi niya naman kailangang baguhin yung sarili niya para mahalin ko siya. Minahal ko siya dahil 'yon ang nararamdaman ko. Kahit nagloko siya, kahit pinagpalit niya ako, siya pa rin ang gusto ko, siya  pa rin ang hinahanap ko, siya pa rin ang mahal ko.

Yung totoong siya

"paano?" he faked a laugh "paano mo magagawang mahalin kung nanakit sa'yo"

"tinatanong pa ba iyan?"

"I-I want to know...."

"walang dahilan Donny" ngumiti ako sa kanya "pag mahal mo, mahal mo"

Ang tapang ko sa totoo lang. Sinabi ko 'yon sa harapan niya. Siguro ngayon na ri realize na niya yung mga ginawa niya. Siya yung nagsabi sa akin non eh. Siya yung nagsabing walang dahilan ang pagmamahal. Siya yung nagsabing pag mahal mo, mahal mo. Tapos ngayon ako na yung nagpapa alala no'n sa kanya, ako na sinaktan niya.

Flashback

Donny's POV

Busy ako sa paggawa ng report na ipre present mamaya sa meeting. Mag-isa ako sa opisina, tirik na tirik ang araw sa lahat. Ni kahit ang sinag nito ay naka tutok sa papel na ginagawa ko. Nakatingin ako sa laptop ko dahil nandoon ang inspirasyon ko....si Belle 'yon. She's my wallpaper,..sa phone, ipad at laptop. Maraming litrato din ni Belle ang naka display sa opisina ko. Nandito ang litrato niya nung pumunta siya sa France (our favorite place).

"pinaka magandang tao po" boses ni Belle, kumakatok ito sa pinto.

Dali-dali kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang maganda niyang mukha, may dala rin siyang paper bag ng mcdo. Tila nagtatago ang mga mata niya dahil sa laki ng ngiti niya.

"for you baby" inabot niya sa akin ang paperbag

Napangiti nalang ako sa mga binitawan niyang salita.

"come here" hinila ko siya papasok ng office

Umupo ito sa table ko "stress?"

"hindi naman.." sinara ko ang laptop "busy lang" ngumiti ako sa kanya.

"well, I have to go"

"dito ka lang"

"baka na iistorbo kita" tumayo na ito

"hindi, ano ka ba" lumapit ako papunta sa kanya

"busy ka,..mag focus ka nalang d'yan" itinuro niya ang mga papel na nasa table ko gamit ang nguso niya.

"love,...stay here" mahinahong saad ko

"bakit ba gan'yan ka" tumawa siya

"because I love you"

"why do you love me?"

"Walang dahilan Belle....pag mahal mo, mahal mo"

——

Belle's POV

"B-Belle-" hinawakan niya ang kamay ko, nanginginig ang boses niya.

"Alam mo, tama na 'to.." tumayo na ako "..let's sleep"

Tumingin ito sa akin at ngumiti "okay" bulong niya

Hindi ko na dapat pinaalala 'yon eh. Okay na kami, masaya, maayos, tapos biglang ito nanaman ako. Pilit kong sinasaktan ang sarili ko. At kung may paraan para gumaan ang pakiramdam niya, gagawin ko.

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon