Belle's POV
H-he's your father.
Tama ba yung ginawa ko. Tama ba na sinabi ko kaagad sa kanila yung totoo. Sa mahigit limang taon, hindi ko man lang naaninag ang mukha niya. Nung mga panahong tinatawag ko yung pangalan niya dahil sa hirap at sakit na nararamdaman, wala siya. Wala siya sa tabi ko nung mga panahong hindi ko na kaya. Wala siya sa tabi ko nung mga panahong nilalabas ko na ang bunga ng pagmamahalan namin. Pero pagmamahalan nga ba ang tawag do'n?
"D-da..daddy?" kita sa mukha ni Ria ang pag kagulat. Tumulo ang luha ni Donny at umupo upang mayakap ang bata. Tumakbo naman patungo sa kaniya si Ria at niyakap siya pabalik.
"Finally.." bulong ni Donny habang nakapikit ang mga mata.
Napagtanto mo na ba na mali ka?
Ni minsan ba inisip mo kung okay lang ako?
From Aiden:
Sorry, love, can't go home, may meeting kasi kami then after no'n pupuntahan ko sila mommy. Baka mamayang 1 or 12 pa ako makauwi. :(To Aiden:
It's okay, loveTo Aiden:
Ah, love..From Aiden:
Po?To Aiden:
Nandito si DonnyFrom Aiden:
Okay lang, deserve naman ni Ria na malaman yung totoo."Busy, mommy?" Yumakap si Ria sa hita ko at paulit ulit na pumikit.
"So if you are my mommy" tinuro niya ako "and you are my daddy" tinuro niya si Donny "that means y-you're mag asawa, just like, Lola and Lolo"
"N-" sabay kami ni Donny ngunit nagsalita na si Ria.
"Yehey.., complete family na tayo" tumalon talon ang bata.
Gusto niya. Gustong-gusto niyang mabuo kami. Pero paano mangyayari 'yon kung yung Daddy niya mismo ang sumira sa akin, ang sumira sa amin.
"H-hayaan mo na kaya?" Nag aalalang tanong ni Donny sa akin, bulong lang ito upang hindi marinig ng bata.
Binuhat ni Donny si Ria at umupo sila sa sofa. Aba, wala pang permission yun ah. Pero sa nakikita ko, okay na rin siguro ito. Ngayon lang sumaya ng ganiyan yung anak ko, yung anak namin.
"Ria.." tawag ko sa kaniya.
"Mommy, po?" Sagot niya, hindi pa talaga siya ganoon ka fluent sa tagalog.
"Dinner na" inalis ko ang apron sa akin.
"Tara, Daddy, po" hinila niya si Donny papunta sa dining table.
"Okay lang?" Walang boses na tanong ni Donny at tumango ako
May dalawang upuan sa pagitan namin ni Donny kaya nag taka ang bata. Tumayo ito at pumagitna sa amin.
"Daddy, sit here po oh" tinuro niya ang upuan sa tabi ko.
"Ask your Mom if it's okay" tumayo ito sa kinauupuan niya.
"Why?, you are couple naman po so what's the matter?" ani Ria at hinila pa si Donny palapit sa akin.
"Sige na, dito ka na sa tabi ko"
Umupo ito sa tabi ko at kumain na kami. Habang kumakain ay binabagsak naman ni Ria ang mga tanong niya sa ama. Gaya ng, bakit wala siya dito nung first, second, third and fourth birthday niya. Bakit hindi niya kami tinatawagan. Namamangha nga ako sa pag iisip ng batang 'to e, kasi sa ganoong gulang pa lang ay malawak na ang pang intindi niya. Pero ayoko namang umabot sa puntong, dahil sa pagiging maintindihin niya ay maloloko na namin siya. Maraming nag lalaro sa isip ko. Marami akong tanong na gustong sambitin. Marami akong gustong sabihin kay Ria. Marami akong kailangang ipaalam sa kaniya. Pero ayoko namang maguluhan pa siya, masyado pa siyang bata para pumasok sa magulong mundo.
BINABASA MO ANG
Nights of December
FanfictionBroken hearts, Loving nights. Is it bad if we stay inlove that night?