Chapter 31

667 30 8
                                    

Donny's POV

"Nights of December?"

Kumunot ang noo ni Kyler matapos makita ang title ng sinulat kong istorya.

"Hindi pa 'yan sure, na bored lang ako kaya sinulat ko 'yan" pag papaliwanag ko naman.

"May potential ka pala, ang galing pero ang sakit ah" sabat naman ni Gio.

"Oo nga, lalo na sa part nung boy na kailangan niyang magpalaya kasi iniwan na siya" dagdag naman ni Gian.

"Bakit hindi sila nagkatuluyan sa dulo?" tanong naman ni Nico dahil sa hindi ko naipaliwanag ng mabuti ang totoong nangyari.

"Nights" ani Ciro "and December"

"Sa dulo ma rerealize nila na mas kailangan pala nila ang umaga, o liwanag" sagot ko naman sa kanila.

"E bakit may December?" Tanong pa ni Kyler.

"Natatapos din ang Desyembre, sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung paano ipapaliwag yung December e" amin ko "masyado kasing gugulo"

"Bakit nila kailangan ng liwanag?" Tanong ni Gian dahil sa sagot ko kanina.

"Kasi masyado nang madilim, hindi na nila kaya" tugon ko

"Ang ganda" saad ni Nico na nakapagpangiti sa akin.

"Pero babaguhin ko rin 'yan, parang hindi magandang hindi sila nagkatuluyan" kinuha ko ang laptop sa kanila.

"Ipipilit natin, kung kaya"

Umuwi na ako dahil pare-pareho silang may trabaho. Nag day off muna ako, syempre kailangan ko din 'yon

Pag uwi ko ay sumalubong si Lulu sa akin. Nanghihina ito, kinuskos nito ang ulo niya sa paa ko. Sa paraang ito ay naramdaman ko na, na mayroong mali sa kanya.

"May problema ba?" Malambing na sabi ko habang umuupo para kunin siya. Nang makuha ay ipinatong niya ang ulo niya sa braso ko "na miss kita" hinalikan ko ang ulo niya.

Binaba ko ito at pinakain. Iniwan ko lang siya do'n at pumunta na ako sa sala para manood ng tv.

Makalipas lamang ang minuto ay tahol na ito ng tahol. Nung una ay hindi ko siya pinapansin dahil sa tingin ko ay may kung ano lanh siyang nakita.

Sa mga susunod ay masyado na itong maingay kaya hindi ko na napigilang bawalin siya.

"Lulu.." tawag ko sa kanya. Nagpatuloy lang ito sa pagtahol.

"Lulu, stop" kalmado kong saad, hindi pa rin niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pag tahol.

"Lulu, I said stop" nasigawan ko ito kaya tumahimik, dumapa ito at itinago ang mukha sa akin.

"Lulu, I'm sorry but I am not as patient as your Mom" lumapit ito sa akin.

"Are you still waiting for her?" Bumaba ako at tumabi sa kanya, malumbay itong tumango sa akin.

"Iniwan niya na tayo. Hindi na siya babalik. She broke her promise.. she left us" para bang unti unting nawawasak ang puso ko. Yung tipong wasak na nga pero nawawasak ulit, na dodoble yung sakit.

"Hindi kita na alagaan kagaya ng pag alaga niya sa'yo. Ibang iba kasi siya e, hindi ko siya kayang pantayan" nabasag ang tingin ko sa kanya "But don't be mad at her, okay?" Marahan kong hinaplos ang ulo niya kaya mas natahimik ito.

"She needs to rest. She had to stay away from me kasi sobrang g*go ko"

Nang tumingin sa kanya ay may nakita akong isang sticky note sa belt niya kaya kinuha ko ito. Alam kong galing ito kay Belle dahil Lu ang madalas nitong itawag kay Lulu. Pagkakuha ay tinaas ni Lulu ang ulo niya para bang gusto nitong basahin ko ito sa kanya.

"Lu, I love you, just understand your dad, okay?. Take care of each other, we'll see each other again.."

Pagkatapos itong basahin sa kanya ay tuluyan nang bumagsak ang ulo niya. Dahan-dahan ding pumikit ang mga mata niya. Nawalan na siya ng hininga. Wala na siya, iniwan niya na rin ako.

"Lu.." sinubukan kong galaw-galawin siya ngunit wala talaga.

"Baby.." nang hindi ito sumagot ay do'n na tumulo ang luha ko. Sumandal ako sa sofa at tumingala, nakatakip ang kanan kong braso sa aking mukha.

"I love you" yumuko ako at hinalikan siya sa ulo "you can sleep now, peacefully"

"Can you visit your Mom?" I sobbed louder

"Paki sabi nalang na hihintayin ko siya, hihintayin kong bumalik siya sa akin"

"Sorry" I said in a whisper "I'm so sorry"

Tumawag ako kay Nico para magpatulong na ilibing si Lulu. Balak ko siyang ilibing sa bakuran ng bahay ko, do'n kasi sila laging naglalaro ni Belle. Doon niya din kinain yung cake na dapat ibibigay ko kay Belle nung araw na tatanungin ko na siya kung pwede ko ba siyang maging girlfriend.

"Rest in peace Lulu" Nico said, he tapped my shoulder repeatedly. Pinalagyan ko rin ng tanda kung saan siya nakalibing, para kung babalik man si Belle, matuturo ko sa kanya kung saan eksaktong nakalibing si Lulu.

"Sige na, Nico. I know na busy ka, thank you sa oras" nakipagkamay ako sa kanya bilang paalam.

"Ingat"

——

[Are you okay?]

"I am"

[that's good]

"Avery.."

[Yes, babe?]

"Hindi ko na kaya"

[Sorry, babe, anong ibig mong sabihin?] humina ang boses niya.

"Tapusin na natin 'to"

[Si Belle pa rin ba?]

"Hindi ko alam"

[Ipaalala ko lang ha, ilang taon nang wala si Belle, m-mag s-si-six years na siyang wala sa'yo] rinig ko ang pag iyak niya.

Mag iisang taon na kami ni Avery. Mag iisang taon ko na ring nakikita si Belle sa kanya. Kapag nagluluto siya. Kapag sumasakay siya sa sasakyan ko. Hindi ko alam kung bakit, alam ko namang marami silang pinagkaiba. Alam kong magka iba sila. Pero sa tuwing inaayos niya yung buhok ko, naiisip ko si Belle sa kanya, parang deja vu.

"Sorry Ave, I'm sorry pero hindi ko kaya"

[Minahal mo ba ako?] Her voice broke.

"Oo" sagot ko

[Salamat] she ended the call.

Thank you, for everything Averia Kate. I'm always here for you no matter what. Salamat.

——

[Kamusta naman?]

"Okay lang" huminga ako ng malalim.

[Pa'no yung hinga] biro nito at tumawa [joke lang] natahimik ito

"Gio.." tawag ko nang tumahimik siya, sa pag aalala ay balak ko na siyang puntahan.

"Gio..?" Tawag kong muli. Nahimasmasan ako nang marinig siyang huminga ng malalim.

"Are you okay?" Tanong ko "ano bang nangyari?"

"S-si, si Belle.." he whispered

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon