Chapter 35

604 26 4
                                    

Belle's POV

Kitang-kita ang tuwa sa mga mata niya nang banggitin ko ang pangalan ni Chandria. Ayoko naman talagang ilagay yung Adiel do'n. Chandria Isabelle dapat pero Adiel ang paulit-ulit kong naririnig nung sinusulat ko na yung pangalan niya. Na appreciate ko yon, tanggap ko at masaya ako sa pangalan ng anak ko.

"My Adiel.." bulong nito habang lumuluha.

Ang dami ko pang gustong isumbat sa kaniya. Gusto kong masaktan siya. Gusto kong mahirapan din siya. Gusto kong ilayo si Chandria sa kaniya pero nung nakita ko yung anak kong umiiyak dahil sa miss niya na yung Daddy niya, isinangtabi ko na yung galit at sakit dahil mas gusto kong maging masaya siya.

"Pwede bang mag kansundo muna tayo" inabot nito ang kamay sa akin "para kay Adiel"

"Para kay Adiel" nakipag kamay ako sa kaniya.

——

"Hi, Adie.." masiglang bati ni Aiden sa anak ko, tumakbo si Adiel sa kaniya at yumakap.

"Hi, Tito" humalik ito sa noo ni Aiden "uhm, Tito" hinila niya si Aiden papunta kay Donny "this is my dad" pakilala nito kay Donny, tumingin muna sa akin si Aiden bago tumingin kay Donny, ngumiti ito at tumango.

"Let's eat po" hinila nito ang ama habang nakahawak kay Aiden.

Nakaupo si Donny sa tabi ni Adiel habang ako naman ay nakaupo sa tapat ni Aiden ngunit makalipas lamang ang ilang minuto ay lumipat na ako sa tabi ni Aiden dahil sa pag kailang.

"Tito, my daddy is handsome, right?" Tanong nito bago uminom ng gatas.

"yes, y-your dad is handsome" sagot ni Aiden, patago kong hinawakan ang kamay niya at marahan itong hinaplos.

"Daddy, s-si mommy po, she's maganda, right?" Tumingin naman ito sa ama niya.

"She is" madiing sagot ni Aiden.

"Y-yeah" tumango si Donny.

"U-uhm, k-kain na tayo, lalamig na yung pagkain tas p-parang nagkakainitan pa kayo" singit ko naman.

"Sorry" bulong ni Aiden at patago ring hinaplos ang kamay ko.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang ako at nilinis na ang pinagkainan namin. Si Donny at Adiel ay nanonood ng tv habang si Aiden naman ay nasa tabi ko.

"A-alam kong magulo yung nangyayari but-" he cut me off

"Okay lang" huminga ito ng malalim.

"Ayokong mahirapan tayo" saad ko at tumingin sa kaniya.

"Shh.., Belle, ayoko" yumuko ito at narinig ko ang mahina niyang pag hikbi.

"Ai-"

"Mommy!" Tawag ni Ria sa akin "look oh, your song" tinuro niya ang tv at nakita ko rito ang rank ng kanta ko. Nasa pangalawa ito kaya bigla nalang akong napangiti.

"puntahan mo na sila" bulong naman ni Aiden.

Hindi na ako sumagot at tumungo na kila Adiel at Donny. Pinunasan ko muna ang kamay ko bago lumapit sa kanila. Pumalakpak si Adiel kaya napatawa si Donny.

"Congrats, Mommy" yumakap ito sa hita ko, hinaplos ko ang buhok niya at yumuko upang mahalikan ito.

"Congrats" ngumiti si Donny sa akin, kasabay naman nito ang paglabas ni Aiden.

"Okay lang kayo?" Pabulong na tanong ni Donny at tumango ako.

"Anong gustong gawin ng baby na'yan?" Tumingala ito sa akin.

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon