Pain. Love. Sacrifices.
Hindi ko nga ba anak si Ria?. Ewan ko ba, aasa na naman ako.
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Belle. Hindi ko ito binago, 'yon at 'yon pa rin ang ayos nito. Lumapit ako sa kama at nakita ng pulang kahon na ibibigay dapat sa akin ni Belle nung monthsary namin. Umupo ako sa kama at kinuha ito. Hindi ko ito binukas at kinuha nalang ang note na nakadikit sa ibabaw nito.
"Kung dadating man ang araw na gusto mo na akong makitang muli. Pumunta ka lang sa dating tagpuan. Kung saan mo ako unang hinawakan at unang binitawan"
Nadurog ang puso ko nang mabasa ito. Nasa France siya, do'n na siya nakatira. Tinawagan ko ang secretary ko na si Abby para mag book ng ticket papuntang France.
[Nakausap ko po si Mrs. Cabrera, pwede ba daw po bukas]
"Hindi ba pwede ngayon?" dismayadong tanong ko.
[Sorry po sir, bukas lang po talaga. Dapat po next week pa pero may kakilala daw po si Atty. Cabrera kaya napaaga]
"It's okay, thank you" I ended the call.
To Atty. Cabrera:
Thank you Ma'am
From Atty. Cabrera:
My pleasure, Mr. Pangilinan.
Pumasok ako sa kwarto at kumuha kaagad ng maleta. Nilagay ko dito ang mga gamit ko, damit, sapatos at iba pa. Hindi ako babalik nang Pilipinas nang hindi sila kasama. Kung ako man ang ama ni Ria, wala na akong balak na bumalik pa rito.
Habang nag aayos ng gamit ay pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Gio kanina. Nandoon si Aiden, kasama siya ni Belle. Almost six years na rin naman yung nakakalipas, baka nga kinasal na sila. Sabi kasi sa article na nabasa ko kanina, married na si Belle, 'yon daw ang status niya.
Ako dapat 'yon e. Kami dapat yung ikakasal at mag kakaanak.
Matapos mag ayos ng mga gamit ay inaya ko sila Gio, Nico, Ciro, Gian at Kyler sa bar nila Gio. Maaga naman silang dumating kaya matagal tagal kaming nag kasama.
"Are you sure?" Gian asked.
"Oo" maiksing sagot ko.
"P-paano kung hindi mo anak si Ria?" Tanong ni Nico.
"Hindi ko na alam, pinipilit ko na naman yung sarili ko na walang pag asa"
"Basta mag iingat ka, intindihin mo sila k-kung hindi mo nga anak si Ria" ani Gian at tinapik ang braso ko.
Abby Calling..
[Hi po Sir, na adjust po yung flight niyo]
"Na naman?, kailan daw" sigaw ko
"Chill" bulong ni Nico
[p-pwede na daw po ngayon, may 3 hours pa po kayo para mag ayos]
"O-okay, sorry Abby" I ended the call
"Kailangan ko nang umalis" tumayo na ako at tumakbo.
"Ingat" sabay sabay nilang sigaw.
Mabilis kong tinungo ang kotse at malibis itong pinaandar. Pagkauwi ay naligo ulit ako at nag bihis. Kinuha ko ang mga maleta at umalis na. Sa sasakyan ni Abby ako sasakay, siya na rin yung bahala dito sa bahay.
"Tara na po sir" aya ni Abby at tumango ako
Pinaandar na niya ng kotse at hinatid ako sa airport. Pag dating ay umupo muna ako at naghintay sa pagdating ng oras ng flight ko.
BINABASA MO ANG
Nights of December
FanfictionBroken hearts, Loving nights. Is it bad if we stay inlove that night?
