Chapter 3

908 31 1
                                    


Donny's POV

"you don't need me pala ha"

"I need you.....everyday" bulong niya, lasing na lasing siya. Hinang-hina ang katawan niya kaya dinala ko na siya sa kwarto niya at binantayan siya.

"sleep....dito lang ako" nakaharap ang sa kanya, nakatingin lang ako sa maganda niyang mukha.

Napakaganda niya talaga, simula noon hanggang ngayon. Hinipo ko ang kabilang pisngi niya. "I'm sorry" bulong ko sa kanya.

Na giguilty ako sa ginawa ko sa kanya. Hindi ko man lang ginawan ng paraan. Hindi ko man lang sila pinigilan.

4:00 am, umuwi na ako ng bahay. Buong magdamag ay natangin lang ako sa kanya. Maganda siya....sobrang ganda niya, kahit tulog.

"uuwi na ako, hihintayin kita bukas" bulong ko bago halikan ang noo niya.

Kinumutan ko siya, pinatay ko na ang lahat ng ilaw, kinuha ko na ang bag ko at umalis na ako.

Pag-uwi ko ng bahay ay natulog na ako dahil 7:00 am ang pasok ko. Mamaya na isasara ang
kumpanyang pinaghirapan niya. Ayoko mang
ipasara 'yon pero wala na talagang magagawa
pa.

"babawi ako, babawi ako sa'yo"

Nakaisip ako ng magandang paraan para hindi ko mapabayaan si Belle, pero hindi ko alam kung tatanggapin niya.

"sana tanggapin mo" sabi ko habang nakatingin sa bintana.

Tatanggapin niya ba?, baka masaktan lang siya. Pangako kong aalagaan ko siya pag tinanggap niya iyon.

Belle's POV

Sobrang sakit ng ulo ko, pagkabangon ko ay napahawak nalang ako sa ulo ko, nakita ko ang jacket ni Donny sa sofa, hindi niya ako iniwan kahit sinungitan ko siya?

Pagtayo ko ay may nahulog sa baba mula sa kumot ko. Note...isang sticky note.

"eat your breakfast, drink your meds...see you later"

Kabisado ko ang sulat ni Donny, sure akong sa kanya ito galing. Siya lang rin naman ang natatandaan kong kasama ko kagabi.

"omg......may nasabi ba ako sa kanya?" Natatarantang sabi ko

Anong bang ginawa ko kagabi.....hindi ko na talaga matandaan.

Hindi na ako nagtagal pa doon. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako.

Plain fitted dress ang napili kong suutin. Pagkatapos kong mag ayos ay umalis na ako...para pumunta sa building.

Papalapit ng papalapit ay papalungkot ako ng papalungkot. Humihina ang katawan ko......isasara na ang Aucia's Cosmetics.

Donny's POV
7:00 am, papasok na ako sa opisina. Pero bago 'yon ay pinuntahan ko muna si Belle sa Aucia's Building. Kitang-kita sa mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya.

Belle's POV

"D-Dons" malambing at mahinahong tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin, walang emosyon.

"are you okay now?" He asked

Nakayuko siya, parang nahihiya siya. Nakahawak ang isang kamay niya sa isa pa, kinakamot niya ito.

"may nasabi ba ako sayo kagabi?" nag aalalang tanong ko

Wala ako sa kontrol, hindi ko na matandaan ang mga ginawa ko kagabi. Sobrang sakit ng ulo ko kanina

"wa..la wala naman, may sasabihin ka ba?"
tila napaisip siya dahil sa tinanong ko

"wala naman, sige na ilalabas ko na 'tong mga gamit ko para makaalis na ako" I don't know what to do, paano na ako ngayon?, wala na akong trabaho.

Nang matapos na akong maglabas ng mga gamit ay sinundan ako ni Donny. Nasa parking lot kami. Nasa parteng likod ako ng sasakyan dahil nilalagay ko pa don ang mga gamit ko.

Papasok na ako ng kotse pero bigla niya akong
hinila papalapit sa kanya, dahil dito ay nagkaharap kaming dalawa.

"wait" he said

"bakit?" I asked

"can we talk?" He said mellifluously

"ano yung pag-uusapan natin?" Nagtatakang tanong ko

"you are hired Ms. Mariano" mabilis niya sabi. Hindi ako nag aapply, hindi ako nag apply sa kanila.

"what do you mean?" nagtataka ako pero hindi ko maitagong masaya ako. Masaya ako sa narinig ko.

"mag tratrabaho ka sa LP Company, magiging assistant kita and pag tumagal mas tataas ang pwesto mo" pagpapaliwanag niya sa akin. Hindi ko na ito tinanggihan pa, kailangan kong mag trabaho.

"s-sure" medyo naiilang na sabi ko

"pero" walang emosyon na sabi niya

"p-pero ano?" Natatakot na tanong ko. Iba si Donny, isang sabi niya lang ginagawa na ng lahat. Alam ko kung papaano siya mang trip pero kailangan ko talagang mag trabaho kaya hindi ako tatanggi ano man 'to.

"Dun ka na titira sa bahay ko" lumapit siya ng kaunti sa akin. "At magpapanggap kang-"

"ano?" tila interesadong tanong ko

"-girlfriend ko"

"h-huh?" Nagtataka ako, bakit?, sobrang nakakainis nga siya. Enemy turing namin sa isa't isa tas g-girlfriend?.

"be my girlfriend" he commanded

"w-what?" I was so shocked

"Let's go" hinila niya na ako papasok sa kotse

Pumunta na kaagad kami sa LP building, hinatid niya ako sa magiging opisina ko.
At pinakilala niya ako sa mga katrabaho niya.

"Everyone listen" seryosong sigaw niya. Lumapit ang lahat para pakinggan ang sasabihin niya.

"I want you all to meet Belle my assistant"
sabi niya habang nakatingin sa akin.

"bagong papahirapan sir?" Mahinang tanong ng isang tao don.

"you're fired" nagulat ang lahat sa sinabi niya. At naluha nalang ang taong 'yon. Hindi niya inaasahan na maririnig siya ni Donny.

"Everyone meet my girlfriend" pagpapakilala niya sa akin. Nang marinig ito ng lahat ay nagulag sila, lalong lalo na si........

"Avery?" Patanong na tawag ko sa kanya. Bakit siya nandito?

"B-Belle" painosenteng sabi niya. Parang walang kasalanan sa akin. Feeling close

"a-anong ginagawa mo dito?" Takot na takot niyang tanong sa akin.

Lumalapit siya sa akin pero hinila ako ni Donny papalayo sa kanya. Paano ako makakapag trabaho ng maayos kung nandito siya?

"Now...go back to work, Love come with me" tumalikod na siya habang hawak ako, pumunta kami sa office niya at dun kami nag-usap

"bat naman tinanggal mo agad sa trabaho?"
I asked him. Naaawa ako sa lalaking 'yon pero
hindi naman ako yung boss kaya wala akong
magagawa.

"it's okay, pabayaan mo siya" seryosong sabi niya habang nakatingin sa folder naka padikwatro ang hita niya, nakasandal siya sa upuan at nakadikit ang dulo ng ballpen sa labi niya.

"b-bat nandito si Avery?" I said with a soft voice. Nakatingin ako sa kanya at nang marinig niya ang tanong ko ay tumingin siya
sa akin.

"isa siya sa magaling na empleyado dito, I'm sorry pero hindi ko siya pwedeng tanggalin" pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa akin

Naiintindihan ko naman, kailangan siya ng kumpanya. Hindi siya pwedeng mawala dito.

"h-hindi....o-okay lang" umiiwas ako ng tingin sa kanya. N-nag seselos ba ako?. "ang ganda niya no"

"Mas maganda ka" he answered seriously

But you cheated.

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon