Chapter 30

583 31 8
                                    

Dati akala ko puro saya at kilig lang yung pagmamahal. But little did I know pain was in it. Kailangan mong sumuko, kailangan mong magpalaya. Kailangan mong umalis, kailangan mong magpaubaya.

Ngayon, alam ko na, na hindi lang saya at kilig ang pag-ibig. Hindi lang siya ang dapat kong palayain. Hindi lang siya ang kailangan kong mahalin. Nandito pa rin ako. Kailangan kong mahalin at palayain ang sarili ko. Kailangan ko itong palayain mula sa sakit, galit at lungkot. Pareho kaming nasasaktan at nananakit kaya pareho din kaming magpapalaya. Sabay kaming susuko.

Buti nalang at hindi ko naligpit ang mga damit ko sa maleta. Kumuha pa ako ng isa pang maleta dahil hindi kasya sa isang maleta ang gamit ko. Konti lang naman ang damit ko, bibili nalang siguro ako kung kailangan pa. Naligpit ko na rin yung mga sapatos ko, mga alahas at bag, nalagay ko na rin sa maleta. May iba pa akong dala na gamit mula sa kanya.

To Aiden:
Okay na ba?

From Aiden:
yah, buti nalang may kakilala si mommy dito, okay na yung ticket mo.

To Aiden:
Thank you so much Aids, paki sabi nalang kay Mrs. Cabrera na thank you.

From Aiden:
Makakarating. Mag iingat ka ha, aalagaan mo yung sarili mo.

To Aiden:
Si Donny ha. Kung hindi naman makakaabala sa inyo ng mga kaibigan mo paki tingnan si Donny. Pasayahin niyo siya.

From Aiden:
Sasabihin ko kila Gio.

To Aiden:
Salamat. Maraming salamat :)

From Aiden:
Have a safe flight, Bellie :)

Tahimik akong lumabas sa kwarto, dala dala ko na ang mga gamit ko. Hindi na ako nagpaalam sa kanya kasi alam ko naman na ayaw na niya akong makita, na wala na siyang pake sa akin.

Hindi ko siya matiis. Magpapaalam na din siguro ako kahit tulog siya.

Tahimik akong pumasok sa kwarto niya. Sa palagay ko ay nasa mahimbing na tulog siya. Pumunta ako malapit sa kanya at lumuhod.

"Mahal na mahal kita" bulong ko, nakatakip akong sa bibig ko upang maiwasan ang malakas na pag hikbi.

"Sana, yung susunod mong mamahalin" mas hininaan ko pa ito upang maiwasan ang pag gawa ng ingay "sana kaya niyang pantayan yung pagmamahal mo, sana kaya ka niyang intindihin higit pa sa pag intindi ko sa'yo"

"Mahalin mo siya ha" I cried more and more and more.

"Sana alagaan mo siya, sana mahalin mo siya ng sobra-sobra"

"Pero ikaka-selfish ko ba kung hihilingin kong sana ako 'yon?"

"Ako nalang yung mahalin mo. Ako nalang yung aalagan mo. Ako nalang yung mahalin mo ng sobra-sobra" iyak ko pa, sinigurado kong mahina ito upang hindi siya magising.

"Ako nalang ulit, please"

Nakita ko siyang gumalaw kaya dali dali akong tumayo. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto.

"I love you" bulong ko bago isara ang pinto.

Paglabas ay nakita ko si Lulu, tulog pa siya. Tahimik akong umupo at hinalikan ito sa ulo. May iniwan rin akong note sa pillow niya, nag iwan rin ako ng picture naming dalawa para makita man lang ako nito bago siya matulog.

"Bye, Lulu, I love you so much" bulong ko at umalis na. Nasa labas na si Aiden, siya yung maghahatid sa akin. Mamaya pa naman yung flight ko kaya okay lang siguro na bagalan ko ang paglalakad. Kasi gusto kong maiwan dito yung sakit, lungkot, galit at yung pag-ibig ko sa kanya.

"Ready ka na?" Tanong ni Aiden bago ibukas ang pinto ng kotse.

"Kailangan ko ba talagang umalis?" Halos bulong na ito dahil sa pagpipigil ko sa pagbuhos ng aking luha.

Nights of December Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon