Rinig na rinig ang gulat sa boses ni Gio nang sabihin niya ang pangalan ni Belle. Dahil dito ay mabilis na tumibok ang puso ko at kaagad nag alala, anong nangyari.
Grabe, mag aanim na taon na pala kaming hindi nagkikita. Mag aanim na taon ko na ring hindi naririnig ang boses niya pero nung binanggit ni Gio ang pangalan niya, may kumurot sa puso ko na para bang wala nang pag asang makita ko pa siya.
"A-anong nangyari?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"B-bro, kailangan mong makita 'to" nangingig ang boses niya, dahil sa saya o dahil sa pag aalala?.
"B-bakit, may problema ba?" tanong ko naman, halata sa boses ko ang pag aalala.
"M-manood ka, channel three, Filipino Interview" nang marinig ito ay binukas ko agad ang tv. Nilipat ko ito sa channel 3 at bumungad sa akin ang mukha ni Belle. Ini-interview siya ng isa sa mga sikat na interviewer dito sa Pilipinas.
[
"Congrats on the song you released" pinalakpakan siya ng host.
"Thank you" yumuko ito sa pag papasalamat.
"Ang ganda ng song, bagong favorite ko na 'yon" saad ng host.
"Wow, thank you po" napangisi ito dahil sa saya.
'Song?'
"Bakit Nights of December?" Tanong ng host sa kanya at nag bago ang ekspresyong ng mukha niya.
'N-nights of December?'
"To make it short, uhm, everything happened on the Nights of December. Naging kami, naghiwalay, nagkabalikan at naghiwalay ulit"
Sa hindi namamalayan at unti unting tumulo ang luha ko.
"Pero naging masaya ka naman sa past relationship mo, right?" tanong ng host sa kanya.
Ayokong marinig ang sagot niya. Para saan pa?, hindi naman siya naging masaya.
"Sobra.." ngumiti ito
"You don't need to answer this, Ellie, but, pwede ko bang itanong kung ano yung nangyari?. Ayos lang kahit hindi mo sagutin"
'Ellie?, anong Ellie?, bakit Ellie lang ang pangalan niya?'
"Well, uhm, hindi ko masasagot yung tanong na 'yan" kita sa ngiti niya na hindi na siya komportable.
"I understand" tumango ang host sa kanya.
"But.." pigil niya
"But?.." tanong ng host na naghihintay ng sagot mula sa kanha
"Clue.." kumagat ito sa ibabang labi.
"s-sure" sagot ng host sa kanya.
"Sabi diba sa lyrics.."
"Broken hearts, loving nights
Wouldn't it be bad for me to stay
I can't fight it to change anymore
All alone...
What if I didn't chose to leave
Would it still be fine if I say I love you still"
'Her voice, her smile. Ang ganda niya. Ang ganda ng boses niya'
"My only question is. Is it bad if we stay inlove that night?"
'Is it?'
"Omg" sagot ng host sa kanya, gulat na gulat sa mga nasabi ni Belle.
BINABASA MO ANG
Nights of December
FanficBroken hearts, Loving nights. Is it bad if we stay inlove that night?