"..masyado kang mabait"
Tumingin ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong lumuhod sa kanya. Sa dami ng kasalanan ni Avery sa kanya...sa kanila ni Sir Donny, kulang ang sorry...kulang na kulang.
"mali kasi e" umiwas siya ng tingin sa akin at ibinaling nalang ang tingin sa bulaklak sa tabi namin.
"anong mali?" tanong ko dahil sa pagtataka
"kapatid ka niya, hindi dapat siya ganon" tumingin siya sa akin at nakita kong kinakagat niya ang ibabang labi niya.
"hindi na naman nakakagulat 'yon" I faked a laugh "kahit kailan namn 'di niya ako tinuring na kapatid"
Kitang kita ang gulat sa mukha niya. Totoo naman 'yung sinabi ko. Kahit kailan hindi ako tinuring na kapatid ni Avery. Kasi nga galit na galit siya kay Mama dahil nagloko si Mama, nabuo ako dahil sa pagloloko niya. Totoo naman yung sinasabi ni Avery sa akin eh. Kasalanan at pagkakamali lang ako kaya wala akong silbi sa mundo.
"nandito naman ako" ngumiti siya, inakbayan niya ako at marahang hinaplos ang balikat ko.
"thank you Belle" nanghihinang sabi ko. Mas nilakihan niya pa ang ngiti niya at tuluyan na akong niyakap.
I love you Belle, I always do
Belle's POV
Pagkatapos kumain ay bumalik na kaagad kami ni Aleah sa building. Nakita kong naghihintay si Donny d'on sa sofa malapit sa entrance. Galit ata siya. Tinapik ni Aleah ang balikat ko at inilapit sa akin ang ulo niya.
"kayo ba talaga ni Sir?" mahinang tanong niya sa akin
Tumango ako sa kanya. Napangiti ito at nagtatalon na para bang nanalo siya sa lotto. Niyanig-yanig niya rin ang mga braso ko.
"kalma" pagpipigil ko sa kanya
"really" she covered her mouth
"hindi fake" I laughed
Tumayo si Donny at kumaway sa amin dahil do'n ay mas kumalma si Aleah. Kinawayan rin niya si Donny at inaya na ako papasok sa building.
"what took you so long Miss?" kalmadong saad niya. Huminga ito ng malalim at bumuo ng ngiti.
"ah-h" nakatingala ako, nag-iisip ng idadahilan sa kanya.
"it's okay" hindi pa man din ako nakakaisip ay may sagot na agad siya.
"yiee" narinig kong bulong ni Aleah. Halos mamalupot na siya dahil sa kilig.
Tama ba 'to. Alam kong mahihirapan kami sa sitwasyon ngayon. Oo, siguro nga una palang sinabi na ni Donny na girlfriend niya ako pero alam kong mas komplikado ngayon. Tapos tataas pa yung posisyon ko sa kumpanya, alam kong iisipin nilang ginawa lang ni Sir Anthony 'yon dahil girlfriend ako ng anak niya.
"why Ms. Cortes?" my boyfriend cleared his throat
"ah..eh wala po Sir" she faked a laughed
"tara na" bulong ko bago banggain ang balikat niya
Magsusungit nanaman siya. Kabisado ko na yung mood swings niyan. Ayoko naman maramdaman ni Aleah na iba siya. Ayokong mapahiya siya, naramdaman ko na 'yon ng ilang beses,..at hindi ko kinaya yung pang ju judge nila.
"may sinabi ba akong umalis na kayo?" tinaas niya ang kilay niya.
"wala po" nakayukong sagot ni Aleah. Nakita kong parang nahihiya na si Aleah kaya tinaasan ko na ng kilay si Donny at pagalit na ngumiti.

BINABASA MO ANG
Nights of December
FanfictionBroken hearts, Loving nights. Is it bad if we stay inlove that night?