Nagpapasama sayo si Sandro sa shooting ng kanyang campaign ad. Tinext ka niya nang maaga para sabihin sayong magpapasama siya.
Pagdating niyo sa shooting location, kinausap ka ng director."Ah miss, excuse me." Panimula niya. "Yes po?" Sagot mo. "Pwede ka ba naming kuning isa sa mga makakasama ni Sandro iha?" Tanong niya sayo. "Direk pasensiya na po. Ano kasi—"
Hindi mo na natapos ang sasabihin mo dahil nagsalita si Sandro. "Direk, she's my girlfriend. Nagpasama lang po ako sa kanya para mapanood niya ako magshoot. She's an introvert." Sabi niya sa direktor. "Sandro baka pwede natin siyang isama. Maganda siya tsaka artistahin ang girlfriend mo." Sabi ng direktor. "Love okay lang ba sayo? You can tell me kung hindi ka komportable." Saad ni Sandro. "Sige okay lang, dati ko naman na tong ginagawa. Hindi na to bago sa akin. Sige love. Gawin na natin. Okay lang direk sige na po." Sabi mo.
Nag- umpisa na kayong mag- shoot. Naging mabilis ang shoot ninyo. Isa sa mga pinaka highlight ng campaign ad ay ang eksena ninyong dalawa ni Sandro na kinakiligan ng lahat maging ng direktor at mga make up artists.
"Mahal, okay ka lang ba? Napagod ka ba sa shoot?" Tanong sayo ni Sandro. "Yes okay lang ako. Hindi naman ako napagod. Ikaw? Kinabahan ka ba?" Tanong mo. "Hindi ako sanay mahal. Nakita mo naman di ba?" Sabi niya. "But at least you did your best. When you got nervous? That's normal." Sabi mo. "Thank you for joining me. And I'm sorry if the director impromptly asked you to join me." Sabi ni Sandro sayo. "It's okay. I had fun. Tsaka I learned a lot. I enjoyed working with my congressman but congress is silent." Sabi mo sa kanya. "Sandro, you and your beautiful girlfriend is such a perfect pair, huh. Siguro dating artista yang girlfriend mo." Sabi ng direktor kay Sandro. "Naku e dati na po kasi akong umeextra extra sa mga commercial kaya hindi na po bago sakin to. Naninibago lang po ako dahil yung leading man ko e leading man ko rin sa totoong buhay." Sabi mo. "Ano namang feeling na makatrabaho mo ang jowa mo?" Tanong ng director sayo. "Nung una direk kinabahan talaga ako. Kasi first time to e. Hanggang sa inenjoy ko na lang at least ngayon, mas madali para sa akin kasi komportable ako sa leading man ko unlike before na matagal bago ako maging komportable gawin yung eksena. Kay buhangin komportable kaagad ako." Sabi mo. Kumunot ang noo nila. "Buhangin?" Nagtataka nilang tanong. "Tiwala oy wag kang ganyan." Saad ni Sandro. "Wala po ano lang naghahanap po ako ng buhangin. Love mamaya tara sa beach samahan mo ko." Palusot mo. "Yes love. Sige tara doon mamaya." Sabi ni Sandro.
Nang matapos kayo sa shoot, kinausap mo si Sandro sa kotse.
"Love I'm sorry. I didn't mean to call you buhangin. It just popped up on my mind. Sorry talaga." Sabi mo. "Actually that's cute. I'll call you tiwala or pananampalataya kapag tinawag mo akong buhangin. Tutal naman Faith naman ang pangalan mo." Natatawa niyang sabi sayo. Parehas kayong natawa pagkatapos. You guys have really the same vibes. Pagdating niyo sa bahay nila Sandro, nadatnan niyo si mama Meldy sa sala.
"Mama Meldy hello po." Bati ni Sandro sabay lapit sa kanyang lola at bumeso. At tsaka nagmano si Sandro kay mama Meldy pagkalas niya sa kanyang pagbeso sa kanyang lola. "O pagod na pagod ka na. Iha sinamahan mo ba itong si Sandro?" Sabi ni Mama Meldy sa inyong dalawa ni Sandro. "Yes ma nagpasama ako kay Faith kanina." Sagot ni Sandro. "Kumusta naman kayong dalawa?" Tanong ni mama Meldy sa inyo. "Okay naman po." Sagot mo. "Magpapakasal na ba kayo pagkatapos mahalal nitong si Sandro bilang congressman ng unang distrito ng Ilocos Norte?" Tanong uli ni mama Meldy. Parehas kayong nagulat ni Sandro kaya nagkatinginan kayo. "Mama ano—"
Bago pa matapos si Sandro sumagot, nagsalita muli si mama Meldy.
"Biro lang. Baka sagutin niyo. Siya magbihis muna kayo at magme- merienda na tayo ng paborito mo. Yung Miki tsaka empanada. Sasamahan ko na rin ng bagnet, ha?" Sabi ni mama Meldy sa inyong dalawa.
Nakita at narinig iyon ng tita Imee niyo. "O ma, you're preparing bagnet, miki and empanada for them? Tulungan ko na po kayo." Sabi niya.
Pagkatapos ng labinlimang minuto, nakahanda na ang mga merienda ninyong Bagnet, Miki at Empanada.
"Tita Imee, samahan niyo na po kaming mag- merienda." Sabi mo. "Oo nga tita. Wala pa naman po yata si Gov e." Sabi naman ni Sandro. "Kumusta yung shoot niyo ni Sandro?" Tanong sa inyo ni tita Imee. "Kinuha po akong isa sa mga nakasama ni Sandro sa shoot. Biglaan." Sagot mo. "Ay kaya ka pala nakaayos. Nakakapanibago ba?" Tanong ni tita Imee sayo. "Yes tita medyo lang po kasi medyo sanay naman na po ako." Sabi mo. "Mabuti naman kung ganoon. Hindi ka na masyadong nahirapan mag- adjust." Sabi ni tita Imee. "Kayo po hindi niyo po ba namimiss umarte? Dati po nabalitaan ko na leading lady po kayo ni Christopher De Leon tita." Sabi mo. Nagulat si Sandro. "Mahal, paano mo nalaman iyon? Hindi ko yon ikinuwento sayo." Sabi niya. "Well my mom is watching Christopher De Leon movies and one time she saw tita Imee on one of his movies." Sabi mo. "Well, nakakamiss nga naman talagang umarte. Ngayon kasi more on politics na ako. Sayang." Sabi ni tita Imee. "Alam niyo tita minsan, turuan niyo po tong pamangkin niyo. Mas naging mabilis po yung shoot dahil sa akin. Tinuruan ko po siya kanina. Tita I guess kailangan niya po ng workshop sa inyo." Sabi mo. "Sige magwoworkshop kayong dalawa sa akin, ha." Sabi ni tita Imee. "Sige na magmerienda na kayo." Sabi ni mama Meldy. Agad naman kayong pumunta sa dining table para magmerienda.
"Hala ang sarap nitong bagnet." Sabi mo. "Alam mo ba love, ginagawa naming chicharon yan." Sabi ni Sandro."Talaga? Sige tara kain tayo." Sabi mo. At sabay kayong kumain ng bagnet. "Miki love di ba favorite mo to?" Sabi mo. "Yep alongside with empanada." Sabi ni Sandro. Tinabihan ka ni Sandro at sinamahan ka niyang kumain.
BINABASA MO ANG
Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...