Buong araw kang nakabantay at nag- aabang sa balita at resulta ng eleksyon. Maghapon kang hindi mapakali dahil sa kaba.
"Faith, kanina ka pa di mapakali jan. Ano bang problema?" Tanong ng isa mong katrabaho. "Trixie, baka nakakalimutan mong jowa niya yung tumatakbong congressman ng first district ng Ilocos Norte. Kinanabahan yan sa resulta. Kanina pa yan naghihintay ng update." Saad naman ni Coleen, isa mo pang katrabaho. "Tawagan mo kaya." Saad ni Coleen. "Ayoko namang makaistorbo." Sabi mo. "O siya, itext mo." Sabi ni Trixie. Agad mong kinuha ang cellphone mo para sana magtipa at magpadala ng mensahe sa kanya pero naunahan ka niya.
Napansin ng mga officemates mo na nakangiti ka na ngayon. "Faith, you okay? Kanina hindi ka mapakali. Ngayon naman nakangiti ka. Nasisiraan ka ba ng bait?" Tanong ni Beatriz. "Nope. Nanalo yung congressman ko." Sabi mo sa kanila. "Oh, magpamerienda ka na." Sabi ni Kristine. Bago ka pa makasagot, biglang dumating si Sandro sa opisina niyo para sorpresahin ka.
"Hi, love! Can I take you out for dinner?" Tanong niya sayo. "Looooove! Ang aga naman. Pero sige. Kaya lang masyado pa akong maraming ginagawa dito mapapagalitan ako ng boss ko kapag tumakas ako." Sabi mo. "No, go ahead miss Mondragon." Napalingon ka sa pinanggagalingan ng boses. "Sure po ba kayo sir?" Tanong mo sa boss mo. "Yeah." Sabi naman niya sayo. Agad na kinuha ni Sandro ang mga gamit mo tsaka ka niya hinila palabas ng opisina.
"Sandali lang naman, ano. Masyado ka namang excited na makasama ako." Saad mo. "I'm sorry." Sabi niya. "Where are we heading now?" Tanong mo. "Kain tayo ng Miki?" Sabi niya. "Sige. Samahan natin ng empanada." Sabi mo.
You went to Christine Marie's Miki Hauz. And you ordered two Miki and a set of empanada.
"Let's eat na." Saad ni Sandro. "You look so happy. Congratulations for winning as the new congressman of the first district of Ilocos Norte." Sabi mo. "Thank you, love. You know what, I've so many plans for the first district. And I'm so excited to make it happen very soon." Sabi niya sayo. "Well, I just hope that you still have plans for our future." Biro mo. Pero bigla ka niyang sinagot ng seryoso. "Of course I do. The date of our wedding will be on July 16, the motif of our wedding will be Red and Burgundy then we'll get married at the Paoay Church. And the reception will be in Paoay lake. Tapos we'll have our prenup photoshoot in Bangui Windmill and Magat Dam. We will also have our photoshoot in London. And I want to have three kids with you. Then—".
Bago pa maituloy ni Sandro ang kanyang sasabihin, bigla kang nagsalita.
"Hephephep. Time freeze. Ang dami naman yata?" Sabi mo. "You're asking me about our future together, right? Actually there's more I am planning—"
Bago niya matapos ang kanyang sasabihin, muli kang nagsalita. "To marry you. Oo na. Tinapos ko na jusko." Sabi mo. Kaya naman, bigla niyang nilapit ang upuan na inuupuan niya sayo. "I was about to tell you that. Inunahan mo lang ako." Sabi niya. "Baka kasi parehas tayo ng iniisip." Sabi mo sa kanya. "We're really meant to be I guess. Kasi we are just finishing each other's—"
Sabay niyong sinabi ang "Sentences."
"O siya, mamaya na uli tayo magkwentuhan. Kumain na lang muna tayo. Ubusin natin tong Miki tapos itong empanada, pampasalubong na natin sa mga kapatid mo. Tapos bumili tayo ng bagnet baka gusto nila." Sabi mo sa kanya. "I think tita Imee and tita Irene together with kuya Borgy, kuya Michael, Matt, kuya Luis and kuya Alfonso are coming to our house tonight para kay dad. Kasama si mama Meldy." Sabi ni Sandro. "I'll go home na after this. Magko- commute na 'ko pauwi." Sabi mo. "You're not joining our family dinner?" Tanong niya sayo. "Oh, nope. I'm not yet part of the family anyway." Sabi mo. "What? You're not yet part of the family? Oh c'mon, Faith. You got to be kidding me babe. Come with me when I go back to our house for our family dinner. I'm pretty sure that mom would love to see you there." Sabi niya sayo. "Ay nako Sandro. Wag na. I'll go home na after this. Baka hanapin pa ako ng parents ko." Sabi mo. "Kahit sabihin kong pupunta din sila, uuwi ka pa din? Bahala ka mag- isa mo sa bahay niyo pag nagkataon. Takot ka pa naman mag- isa." Sabi niya. "What? My parents are coming to your house later?" Tanong mo sa kanya. "Yeah, my parents invited them and they told me to ask you to join us as well." Sabi niya sayo.
BINABASA MO ANG
Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...