POV 58 - YOU ARE VLOGGING A PRANK CALL AND YOUR KUYA SANDRO IS YOUR VICTIM

66 4 2
                                    

Today you are shooting for a vlog entry and you thought of pranking your kuya Sandro on the vlog.

"So hi guys. Welcome to the vlog! We are going to have a new video. So ang title ay "Prank Calling my friends and family." So today titingnan natin kung sino sa kanila ang handang tumulong sa akin. Sino ba ang mga may pakialam. Makikita natin kung mahal ba nila ako." Sabi mo.

Sinimulan mo ang pampa- prank sa mga kaibigan mo.

You started the prank with your first victim, Jessica.

Situation: Lumayas ka at naghahanap ka ng matutuluyan.

(On the phone)
"Hello?" She answered. "Hello bes?(fake cry)". You spoke on the other line. "Teka, teka. Sandali lang. Umiiyak ka ba? Anong nangyari? Okay ka lang?" Tanong niya sayo. Pinatay mo ang speaker ng phone mo. "Jess? May problema kasi ako. Wag kang maingay kasi sayo ko pa lang to sasabihin. Ikaw ang unang makakaalam.(fake cry again)". Seryoso kang natatawa. "Anong problema?" Tanong niya sayo. "Ano kasi, lumayas kasi ako." Sabi mo. "Bakit? Anong nangyari? Nag- away kayo ng mga kuya mo?" Tanong niya habang kinakabahan. "Hindi. Tinakas ko kasi yung kotse. Napagalitan ako kaya ako lumayas. Ngayon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta." Sabi mo habang kunwaring sumisinghot. "What? Pumunta ka dito sa bahay ngayon na. Kaya mo ba?" Sabi niya. Halatang nag- aalala siya sayo. "Kaya ko kaya lang papayag ba sina tita? Kasi baka mamaya mapagalitan ka." Sabi mo. "Hindi yan. Ako nang bahala." Sabi niya. Bigla mo nang naisip na sabihin ang totoo. "Bes, salamat ah. May sasabihin pa sana ako. Wag ka sanang magalit." Sabi mo. "Ano yun bes? Anything." Sabi niya. "Wag ka sanang magagalit. Sorry kaagad. Kasi ano bes.... Sana magkaibigan pa rin tayo. Lalo na ngayon baka masapak mo 'ko kapag sinabi ko sayong... It's a prank!" Sabi mo habang tumatawa. "Buwisit ka. Akala ko pa naman totoong lumayas ka na. Jusko sasabihin ko na sana kina mommy na rito ka muna matutulog sa bahay. Nako. Nakakainis ka talagang babae ka. Sige na. Bye." Sabi niya. 

Natapos na ang pampa-prank mo kay Jessica. Sinunod mong iprank si Mariella.

"So ayun. Successful naman ang prank natin kay Jessica guys. Sobrang bait niya. Sasabihin niya raw sa mga magulang niyang doon muna ako tutuloy sa kanila. Well, naappreciate ko naman yun. And also sobrang swerte ko sa mga kaibigan kong to kasi lagi silang nandiyan para sa akin. Ngayon naman, si Mariella naman ang next victim ko. Ang situation ay mag- ssleep over ako sa kanila kasi wala akong kasama dito sa bahay. Titingnan natin kung papayag siya." Sabi mo.

(On the phone)
"Hello?" Sagot ni Mariella. "Hello, Ella. Kumusta?" Saad mo. "Okay lang, ikaw?" Tanong niya sayo. "Bes, hindi ako okay ngayon." Sabi mo sa kanya habang kunwaring umiiyak. "Umiiyak ka ba? Anong nangyari? Anong problema? Okay ka lang?" Tanong niya sayo habang nag- aalala. "Wala kasi akong kasama dito sa bahay. Wala sina paps, mom at mga kapatid ko. Natatakot ako baka kung mapano ako rito. Pwede bang magsstay muna ako diyan, bes? Magsleepover ako. Okay lang ba?" Tanong mo sa kanya habang umiiyak. "Ok naman anytime. Gusto mong puntahan na lang kita? Ako na ang pupunta sayo. Magpapaalam lang ako kina mommy. Ako na ang pupunta sayo. Anak ka ng presidente. Baka may mga PSG na nakabantay. Ako nang bahala." Sabi nya. Huminga ka nang malalim at pinatay mo yung loudspeaker tsaka yung mic. "Napakabait din nito. Anyway sasabihin na nating prank lang to. Kinakabahan ako."  Sabi mo. Muli kang nagsalita. "Mahal na mahal kita bes. Sana mahal mo pa rin ako kapag nalaman mong.... It's a prank!!" Pag amin mo. "Hoooy! Nakakainis ka!!! Kinabahan ako. Akala ko wala kang kasama. Maaawa na sana ako e. Nabiktima mo ako buwisit ka. Sandali, naka- vlog ka ba?" Tanong niya. "Yes beshie. Say hi." Sabi mo. "Sige hi sa mga subscribers mo. Guys, subscribe kayo ha. On niyo rin yung notification bell para updated kayo kapag may bagong upload siyang video. O siya, mauuna na ako. Paalam." Paalam niya sayo.

Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon