POV 64 - YOU BROKE UP WITH YOUR BOYFRIEND AND YOUR BROTHERS SAW YOU CRYING

63 3 0
                                    

Nakipaghiwalay ka sa boyfriend mo dahil nakita mo siyang may kasamang ibang babae. Umuwi ka sa bahay niyong umiiyak at nakita iyon ng mga kapatid mo.

"Bunso, are you alright?" Tanong ng kuya Sandro mo. "Ah, yes kuya. Okay lang po ako. Wag niyo akong intindihin." Sabi mo habang palihim na pinupunasan ang mga pumapatak na mga luha mula sa iyong mga mata. "No tell us everything that happened." Sabi ng kuya Simon mo. "Kuya..." Panimula mo. "Go ahead bunso. Sabihin mo lahat." Sabi ng kuya Vincent mo. "Kuya, yung boyfriend ko, nakita kong may kasamang ibang babae." Pag- amin mo habang umiiyak. "Ah talaga? Nasaan siya? Sabihin mo sa amin. Kaming bahala sayo." Sabi ng kuya Simon mo. "Hindi niya pwedeng gawin yun sayo. May usapan kami. Tapos ngayon mambababae? E g*g* pala yun e. Simon, Vincent, samahan niyo akong dalawa. Message niyo ang mga pinsan natin. May pupuntahan tayo."  Sabi ng kuya sandro mo. "Kuya, saan kayo pupunta?" Tanong mo. "Sa lalaking nanakit sayo. Nasaan siya ngayon?" Tanong ng kuya Simon mo. "Nasa park kasama yung..." Hindi mo pa natatapos yung sasabihin mo, bigla ka niyang niyakap. "Sumama ka sa amin, bunso." Sabi ng kuya Vincent mo. "Bakit kuya? Lalo lang akong masasaktan kapag nakita ko sila sa malapitan. Kuya, hindi ko kaya." Sabi mo. Binuhat ka nilang tatlo palabas ng bahay papunta sa loob ng sasakyan.  "Sasama ka sa amin ngayon, okay? Kaya mo siyang harapin. Kaming bahala sayo." Sabi ng kuya Sandro mo. "Kuyaaaaa!" Sabi mo. Hinigpitan mo ang kapit mo sa kuya Sandro mo sa takot mong baka mahulog ka. Nahulog at nagmahal ka na nga ng maling tao, hanggang dito ba naman mahuhulog ka pa rin?

Nagpunta kayo sa park na pinuntahan mo kanina. Nakita mo ang boyfriend mong may kasamang iba.

"Kuya, yun sila o." Sabi mo. Agad ka nilang binuhat papunta sa kinauupuan ng boyfriend mo at ng babae niya. "Halika, tara. Kaming bahala." Sabi nila sayo.

Pagtapat ninyo sa kinauupuan nila, nagulat silang dalawa.

"Mahal anong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong sayo ng boyfriend mo. "Wag mo akong matawag tawag na mahal. Sa dinami dami ng pwede mong ipalit sa akin, best friend ko pa talaga? Gaano na kayo katagal?! At ikaw, ikaw na pinagkatiwalaan ko, gaano katagal mo na akong niloloko?"  Tanong mo sa kanila. "Six months na bes." Sabi ng best friend mo. "What? You're cheating on our sister for 6 f*ck*ng months?! G*g* ka pala e. We trusted you, right? We trusted you because you said that you're going to take care of our princess, right?" Sabi ng kuya Sandro mo. Nagdatingan ang mga pinsan niyo. "Sands, what's happening here?" Tanong ng kuya Luis niyo. "Kuya this f*ck*ng guy is cheating on our princess for 6 f*ck*ning months. And kanina niya lang nalaman. Umiiyak siyang dumating sa bahay." Sabi ng kuya Vincent mo. Hinawakan ng kuya Borgy niyo nang mahigpit ang kwelyo ng damit ng boyfriend mo. "Why did you do that to her, huh?" Sabi nito sa boyfriend mo. Pagkabitaw niya sa kwelyo nito, napaatras ang boyfriend mo. Nilapitan mo ang boyfriend mo. "Ang kapal ng mukha mo. Pinagkatiwalaan kita. H*y*p ka. Akala ko pa naman mamahalin mo ako nang tapat at totoo. Lahat pala ng mga pinakita mo puro panloloko."  Sabi mo sabay sampal sa kanya. Halos mamula ang kanyang pisngi sa sobrang lakas ng sampal mo sa kanya. "Hindi kami papayag na masaktan mo pa ang nag- iisa naming prinsesa. Ito ang bagay sayo." Sabi ng kuya Michael mo. Sinuntok niya ang boyfriend mo sa mukha. At sumunod sa kanya ang mga kuya mong sina kuya Matt, kuya Borgy, Kuya Simon, kuya Sandro at kuya Vinny. "Kuya! Tama na!" Awat mo sa kanila. "Mula ngayon, wag na wag ka nang lalapit sa bunso namin. Ikaw at ang babae mo." Sabi nila sa kanya. "Sa kaibigan ko pa talaga? Ikaw, alam mo naman, diba na mahal na mahal ko yang nilalandi mo? Bakit tinuloy mo pa rin? Malandi kang haliparot kang babae ka. Baka nakakalimutan mong ako lang yung nagtiis na makinig sa mga kadramahan mo? At paalala ko lang din sayo, ha? Ako yung kaibigan mong hindi ka tunalikuran. Ang sama sama mo. Ang landi mo, ang harot mo. Kaya walang nagkakagusto sayo e. T*ng*na." Binigyan mo siya ng isang matunog at malakas na sampal. "Sana yang sampal na yan ang gumising sayo sa katotohanang hindi ka naging mabuting kaibigan. Ano bang nagawa kong kasalanan sayo? Bakit ganyan ang iginanti mo sa akin? Dahil ba pakiramdam mo, walang nagmamahal sayo? Anong tawag mo doon sa mga pinapakita ko sayo? Kaplastikan? Coleen, minahal kita, tinanggap kita, hindi ko hinusgahan ang pagkatao mo kahit marami nang nagsasabing masamang impluwensiya ka sa akin, tinuloy ko pa rin ang pakikipagkaibigan ko sayo. Sana pala nakinig na lang ako sa kanila. Mga walangh*y* kayo. Mga h*y*p!" Sabi mo sabay sampal sa kanilang dalawa. "Wag na wag kayong magpapakita sa'min." Pagbabanta ng kuya Vincent mo. Isa isa nilang sinuntok ang ex mo. Kaya walong suntok ang inabot niya mula sa mga kuya mo. "Sandali kuya may nakalimutan ako." Sabi mo. Bumalik ka sa kinaroroonan nila.

"Siya nga pala, bago ko makalimutan, happy friendsh*t anniversary sa atin. Ito sayo na yan." Sabi mo sabay abot ng ahas na laruan sa best friend mo. "Tutal kamag- anak mo naman, sayo na. Binili ko yan sa Toy Kingdom nung last month. Iniisip ko pa kung kanino ko ibibigay. E nahanap ko na yung tunay na may- ari. Kaya binibigay ko na sa kanya. Ang tagal kong hinanap yung magmamay- ari niyan, nasa tabi tabi lang pala. Pasensiya na rin, ha? Nakaplastic lang. Plastic lang din naman kasi yung pagbibigyan ko kaya hindi ko na binalot. Hindi naman deserve nung pinagbigyan ko yung regalong nakabalot. O paano, mauuna na kami, ah? Hinihintay na kasi ako ng mga tunay kong kaibigan e. Bye. Mag- ingat kayo, ah. Lalo ka na. Baka makahanap ka ng kaibigang plastik gaya mo mahirap na. Baka pareho kayong malagay sa basurahan." Sabi mo sabay kindat sa kanilang dalawa. "Nga pala, bago ko makalimutan, break na tayo! Happy break up!" Sabi mo sa boyfriend mo.  "That's our princess. Lets go." Sabi ng kuya Sandro mo.

"Mga kuya, Kain tayo ng ice cream. Treat ko. Pasasalamat ko sa inyong walo sa pagtatanggol at pagsama sa akin ngayon." Sabi mo. And you went to the nearest ice cream store and had your "ice cream date" with your kuyas.

Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon