Nakunan ang mommy mo noong labinglimang taon ka pa lang. That was supposed to be your little sister. Nakunan siya noong walong buwan niyang ipinagbubuntis ang bunso mong kapatid.
Araw araw mong sinisisi ang sarili mo sa nangyari. Hanggang ngayon, galit na galit ka pa rin sa sarili mo dahil sa nangyari.
Araw araw, lagi kang nagtitipa ng mensahe para sa sana'y labinlimang taon mo nang kapatid na papangalanan sanang Fatima Alexia.
Narinig ng mga magulang mo ang pag- iyak mo sa iyong silid. Kumatok sila para makausap ka.
"Faith? Anak? Pwede ba kaming pumasok?" Tanong ng daddy mo. Hindi ka sumagot. "Alexandria, this is mom. Can we come in?" Tanong niya. You didn't responded. Patuloy kang umiyak nang palihim. Wala silang narinig na sagot mula sayo kaya pumasok na lang sila sa kwarto mo.
"Anak? Pwede ka ba naming makausap?" Tanong nila sayo. Nanatili kang walang imik. You covered yourself with your blanket. Hinayaan mo lang silang magsalita.
"Anak, may problema ba?" Tanong ng mommy mo. "Wala po." Pagtanggi mo. "Anak bakit parang ang tahimik mo mula nung death anniversary ng kapatid mo?" Tanong nila sayo. "Hindi niyo naman po ako kinausap mula nung nawala siya. Lagi niyo na lang akong sinisisi sa pagkamatay niya. Akala niyo po ba hindi ko po napapansin?" Sabi mo."A- anak..." Gulat nilang sabi. "Lagi niyong sinasabi na kung hindi sana ako nawala noong gabing yon, sana kasama pa natin yung kapatid ko. Kung hindi sana matigas ang ulo ko, sana nandito pa siya. Hanggang kailan ko ba dadalhin yung sama ng loob niyo sa akin, ma, pa? Hanggang kailan ko po ba pagbabayaran yung nangyari sa kapatid ko? Sana po naisip niyo rin kung ano yung nararamdaman ko nung mga panahong yon. Ni minsan po ba tinanong niyo ako kung okay lang ako? Kung kumusta ako? Hindi! Kasi ang iniisip niyo lang yung nararamdaman niyo. Lagi kong pinagdarasal, sana ako na lang yung nawala. Para ako naman yung mahanap niyo. Mula nung mawala yung kapatid ko, nawalan na kayo ng oras para sa akin. Tuwing kailangan ko kayo, lagi niyong sinasabi, busy kayo. Marami kayong trabaho. Ako naman, iniintindi ko kayo nang paulit ulit kasi sabi ko baka marami lang talaga kayong trabaho kaya pati obligasyon niyo sa akin bilang magulang napapabayaan niyo na. Mga grades ko nga bumaba na e. Tapos nagtataka kayo kung bakit pinapatawag kayo sa eskwelahan. Sasabihin niyo sa akin nakipag- basag ulo na naman ako. Ma, pa, pagod na pagod na ako. Sukong suko na ako sa buhay ko. Hanggang kailan ba ako mamamalimos ng oras, atensyon at pagmamahal niyo? Hanggang kailan ko ba dadalhin yung sama ng loob niyo sa akin? Hanggang sa kabilang buhay? Hindi niyo na po ba talaga ako mapapatawad? Ma, bata pa 'ko nung mangyari yung aksidente. For Pete's sake! That was 15 years ago! Hanggang ngayon, para akong batang kulang sa pagmamahal ng magulang. Kung ako siguro yung namatay, magiging masaya kayo, 'no? I'm 25 now. She's supposed to be 15 years old by now. Ang sama sama kong kapatid. Kapag ako siguro yung nawala, ako yung hahanapin niyo. Kasi kahit wala na sya, siya pa rin yung bukambibig niyo. Paano naman ako? Kailangan ko rin kayo. Ma, sorry. Pa, sorry. Ako kasi yung dahilan kung bakit nawalan kayo ng anak. Pero paalala lang po. Anak niyo RIN po ako. Mula kasi nung nawala yung kapatid ko, parang hindi niyo na po ako tinuring na anak. Nakakapagod na pong mamalimos ng pagmamahal at oras niyo. Sorry po." Tuluy tuloy ang pagbuhos ng luha mo habang nilalabas mo ang lahat ng hinanakit mong naipon ng labing limang taon. Nagulat sila nang marinig lahat ng iyong mga sinabi. You decided to walk out. Kailangan mong magpalamig. Masyadong mataas ang naging emosyon mo at ayaw mong makasakit pa kaya umalis ka muna at nagpahangin.
Pagbalik mo, gusto kang yakapin ng mga magulang mo pero umiwas ka. Umakyat ka kaagad sa iyong silid para magpahinga.
Kinabukasan, humingi ng tawad sayo ang mga magulang mo.
"Good morning, anak. Pinaghanda ka namin ng breakfast ng daddy mo." Sabi ng mommy mo. "Wala po akong gana." Sabi mo. "Anak, kahit kaunti lang. Kumain ka para magkalaman yung tiyan mo." Sabi ng daddy mo. "Excuse me po. Pupuntahan ko lang po si Sandro. Saka na lang po tayo mag- usap kapag wala na po kayong sama ng loob sa akin." Sabi mo.
You went to Sandro's office and asked him to have breakfast with you.
"O love anong ginagawa mo dito? At ano yang dala mo?" Tanong niya. "Breakfast?" You told him. "Aww, is there something wrong sweetheart?" He asked. "Nagkaroon kami ng misunderstanding ng parents ko. Ayoko munang umuwi sa bahay." Sabi mo. "Palamig muna tayo. Tara kainin muna natin tong dala mo." Sabi niya. "Thank you for always being there for me. Ready to listen to my nonsense stories." Sabi mo. "No matter how nonsense that is, as long as you need someone to talk to, my ears are always ready to listen." Sabi niya. "Dahil na naman ba to sa pagkawala ng kapatid mo?" Tanong niya. Tumango ka bilang sagot. "Try to understand. Pero alam ko pagod ka na. Punung puno ka na kaya siguro nilabas mo na lahat. Am I right?" Sabi niya. "Yes." Sabi mo. "I'm sure nagulat sila. Hindi ka naman naglalabas ng sama ng loob mo sa kanila. Mabuti na rin yun at least gumaan na yung pakiramdam mo. Mabuti pa kumain ka. Magpakabusog ka. Sigurado ako mamaya maya hahanapin ka na nila." Sabi niya sayo. "Nope. I told them where am I heading to." Sabi mo sa kanya. "That's good to know. Pero pagkagaling mo dito, umuwi ka kaagad, ha. Nagtaxi ka ba o nag- drive ka ng kotse?" Tanong niya. "I drove the car." Sabi mo.
Pagkatapos niyong kumain, nagpaalam ka na kay Sandro para umuwi.
"Thank you for today, Mi Amor. Until the next one." Sabi mo. "Ingat sa pagda- drive. Papakasalan pa kita. I love you. Thank you sa pagbisita. May lakas na uli akong magtrabaho ngayong linggo. Thank you, mahal. Te quiero, Mi Amor!" Sabi niya sayo.
Agad kang lumabas sa opisina niya pagkatapos niyong magpaalam sa isa't isa. At umuwi ka sa bahay niyo nang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...