POV 96- YOU ARE EXPERIENCING A PROBLEM WITH YOUR MENTAL HEALTH

37 3 4
                                    

Lately you are not okay mentally. You are dealing with mental health problems. It has something to do with anxiety and depression.

Ilang gabi ka nang puyat at hindi nakakatulog nang maayos. Hindi ka rin makapagtrabaho nang maayos. Palagi kang nakatulala at waring mayroong malalim na iniisip.

"Faith, are you okay?" Tanong ng mommy mo. "Honestly mom, I don't know. I really don't." Sabi mo. "Why? Did something happen?" Tanong niya uli. "I don't know, too." Sagot mo. "What?! Bakit hindi mo alam?" Tanong niya uli sayo. "To be honest, kahit ako ma, hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin. Sa gabi hindi ako nakakatulog nang maayos, tapos sa trabaho minsan palagi akong nakatulala. Hindi ko na alam kung ano ba ang problema ko." Sabi mo. "Teka, sandali lang. Anak akala ko okay ka lang kasi kapag nakikita ka namin ng daddy mo, parang wala ka namang dinadalang problema." Sabi niya sayo. "Pwedeng sa panlabas nakikita niyo akong masaya, nakangiti pero sa panloob mom, yung puso ko durog na durog na." Sabi mo. "What? Are you really okay? I think you need to consult a psychiatrist or psychologist." Sabi niya sayo. "Kayo nga hindi ko masabihan, psychologist pa kaya." Sabi mo sa kanya. "Anak, halika rito. Mag- usap tayo. Sabihin mo lang kung may problema ka anak. Kahit ano pa yan. Handa akong makinig." Sabi niya sayo.

"Personally, ako mismo hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ma, sa gabi bigla bigla na lang akong umiiyak. Tapos minsan naman, pakiramdam ko pagod na pagod na ako kahit wala naman akong ginagawa. Tapos, magkakasama naman tayo. Alam kong nandiyan kayo para sa akin. Palagi niyo ngang pinaparamdam na hindi ako nag iisa pero bakit ganoon? Pakiramdam ko mag- isa pa rin ako? Pakiramdam ko wala akong kwenta? Pakiramdam ko, isa akong malaking pagkakamali." Sabi mo. Niyakap ka ng mommy mo. "Anak, kumalma ka. Kung pakiramdam mo mag isa ka, nagkakamali ka. Marami kaming nagmamahal sayo. Marami kaming handang makinig sayo. Hindi ka namin pababayaan. Mahal na mahal ka namin." Sabi ng mommy mo. Bigla kang naiyak. Nailabas mo lahat ng luha mo. "Pero ma, nakakapagod na. Ayoko na. Bigyan niyo ako ng gunting. Kailangan ko ng gunting." Sabi mo. "Why? What are you going to do with the scissors?" Aniya. "Mom, I need scissors! Give me scissors!" Sabi mo. Inabutan ka naman nila ng gunting. Tinusok mo ng gunting ang pulso mo. "Anak noooo! Please don't do thaaaaat!" Sigaw ng mommy mo pero huli na ang lahat dahil naitusok mo na ang matulis na dulo ng gunting sa pulso mo at gaya ng inaasahan, lumabas ang maraming dugo. Agad ka  namang binuhat ng daddy mo papunta sa loob ng kotse para madala ka na sa hospital.

Agad kang inilipat sa stretcher. At ipinasok ka sa loob ng emergency room.

"Ano po bang nangyari?" Tanong ng doktor. "Dok, nagtangka po siyang mag- suicide. Hindi ko po alam kung may depression ba siya o anxiety." Sabi ng mommy mo. "Base on my observation, well ang bata ay mayroong depression. And nakaranas din siya ng anxiety." Sabi ng doktor. "Dok, paano po yun nangyari? Tuwing nakakasama naman namin siya, okay lang naman siya, tapos palagi naman siyang nakangiti. Para naman pong walang problema ang anak namin." Sabi ng daddy mo. "Yun ay dahil mahusay siyang magtago ng tunay niyang nararamdaman."  Sabi ng doktor. "Alam niyo, marami sa mga pasyente na nakakaranas ng depression, masaya. Hindi halatang mayroon siyang mabigat na dinadala. Ayaw kasi nilang maging pabigat kaya hindi nila sinasabing may problema sila. Pakiramdam kasi nila, kapag nagsabi sila sa ibang tao, dadagdag pa sila sa problema nila. Kaya mas pinipili na lang nilang sarilihin ang problema nila para hindi na iasa sa iba." Dagdag pa ng doktor. "A-ano pong dapat naming gawin?" Tanong ng daddy mo sa doktor. "Palagi niyo siyang samahan. Palagi niyo siyang kausapin. Wag niyo siyang hayaan mag- isa. Iparamdam niyo sa kanya kung gaano niyo siya kamahal." Sabi ng doktor. "Sige po thank you doc." Sabi nila. Wala kang malay ngayon. Kasalukuyan kang nasa isang private room.

Makalipas ang limang oras, nagising ka na. Nakita mo ang sarili mo sa apat na sulok ng isang kwartong puno ng kulay puti.

Nakita nila ang pagdilat ng iyong mga mata.

"Anak? Thank God you're awake. Anak, pinag- alala mo kami ng daddy mo. Bakit mo tinusok ng gunting ang pulso mo? Alam mo nang pwede kang mamatay dahil sa ginawa mo?" Kinakabahang sabi ng mommy mo. "Ma, sana hinayaan niyo na lang ako." Sabi mo. "Anak, alam naman naming may pinagdadaanan ka. Pero anak, wag naman sanang umabot sa point na halos patayin mo na yung sarili mo. Halos mawalan kami nang hininga dahil sa pag- aalala sayo. Alam mo ba yon anak? Sa susunod, sana anak wag mo nang uulitin yung ginawa mo kanina. Hindi namin alam kung anong gagawin namin ng daddy mo kapag nawala ka sa amin. Baka mawalan kami ng ganang mabuhay. Anak, please don't do that again. Please." Pakiusap ng mommy mo sayo. "Ma, sorry po. Akala ko talaga wala kayong pakialam sa akin." Saad mo. "Anak naman. Wag mong sabihin yan. May pakialam kami sayo. Mga magulang mo kami at bilang magulang mo, may karapatan kaming malaman ang mga nangyayari sayo." Sabi ng daddy mo sayo. "Kaya wag na wag mong iisipin at sasabihin na wala kaming pakialam sayo. Wag mong sasabihing bindi ka namin mahal. We would like to apologize to you for making you feel that you are worthless. Sorry for making you feel unloved. Sorry for not being there for you during those times that you needed us the most. Sorry anak. Sana mabigyan mo pa kami ng pagkakataong makabawi sayo." Sabi naman sayo ng mommy mo. "Ma, dad, I'm sorry. Pakiramdam ko po kasi magiging problema lang ako sa inyo kapag sinabi ko. I mean dadagdagan ko lang yung mga pinoproblema niyo kaya mas minabuti ko na munang manahimik." Sabi mo. "Anak, mas maganda kung sasabihin mo sa amin kung ano yung problema mo. Mas maganda kung may isang tao kang pagkakatiwalaan. Kaibigan na tatawagin mong "home friend". Mas masarap magkaroon ng mga kaibigang alam mong palaging nandiyan para makinig sayo at sa mga problema mo nang walang halong panghuhusga. Kaya anak, you can trust us. Always remember that." Sabi ng daddy mo. "Daddy, mommy, thank you po." Sabi mo sa mga magulang mo.

Niyakap ka nila.

Nanatili ka sa ospital sa loob ng isang linggo. Isang linggo kang inobserbahan ng mga doktor.

A/N: Depression and anxiety is not a joke. Kung may kakilala kayo, kausapin niyo sila. Iparamdam niyo sa kanilang hindi sila nag- iisa.

Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon