POV 75 - YOU ARE CELEBRATING YOUR 7TH ANNIVERSARY WITH YOUR HUMAN DIARY

35 3 1
                                    

Ngayong araw ay ipinagdiriwang niyo ng best friend mong si Sandro ang inyong seventh anniversary bilang magkaibigan. Tinext ka niya para yayaing lumabas.

9:50 pa lang ay dumating na si sandro sa tapat ng bahay niyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

9:50 pa lang ay dumating na si sandro sa tapat ng bahay niyo. Agad ka namang lumabas.

"Aga mo ah. 10 minutes pa bago mag 10 am." Sabi mo. "Alam ko. Mahirap makipagsiksikan. Maraming customers doon ngayon. Summer e. Kaya mabuti na yung maaga." Sabi niya sayo. "Teka, anak ka naman ng presidente e. Bakit di natin-"

Pinigilan ka niya sa plano mo.

"Alam ko na yan. Ayoko ng special treatment. Kahit na anak na ako ng presidente at congressman na ako ng unang distrito ng Ilocos Norte, gusto kong itrato pa rin ako ng mga tao sa paligid ko bilang normal na mamamayan ng Pilipinas." Sabi niya sayo. "Okay, then. Let's fall in line and have our orders at the counter." Sabi mo.

Pagkaorder niyo ng dalawang regular size ng Taro at Cookies and Cream, agad kayong lumabas at bumalik sa kotse. Nag- iingat kayo dahil bawat galaw ni Sandro, bantay- sarado. Sinumang makitang kasama niyang babae, ginagawan ng isyu.

"Buti na lang mabilis lang na- serve yung order natin. Hindi tayo pwedeng magtagal doon. Baka may makakita sa atin tapos magkaroon na naman ng bagong isyu." Sabi mo sa kanya habang nasa kotse kayo. "Hindi ka pa ba nasanay? Lahat naman kayong mga kaibigan kong babae nalilink sa akin." Sabi niya sayo. "Ang mahalaga naman tayo ang nakakaalam ng totoo." Sabi mo. "Sana nga wala nang lumabas na isyu." Sabi niya. "Ano? Tara na roadtrip?" Sabi mo. "Saan mo naman gustong pumunta?" Tanong mo sa kanya. "Benguet. Tara sa La Presa." Sabi mo. "Tapos? Mamitas ka ng kambal na strawberry. Tapos kainin mo para mahanap mo na yung soulmate mo. Kasi di ba may paniniwala sila na kapag pumunta ka sa strawberry farm at nakakuha ka ng kambal na presa, kailangan mo yung kainin para mahanap mo yung soulmate mo. Sana totoo." Sabi niya sayo. "Alam mo para malaman natin kung totoo yun, pwede naman nating subukan." Sabi mo sa kanya. Pumunta nga kayong dalawa sa Benguet. Pumunta kayo sa strawberry farm at pareho kayong nakakuha ng kambal na strawberry. Kinain niyo iyon dahil iyon ang paniniwala ng mga taong nakatira sa lugar na iyon.

"Saan naman ang next stop natin buhangin?" Tanong mo. "Uwi na tayo tiwala. Baka gabihin tayo sa daan. Marami pa akong appointment bukas. Salamat sa pagsama sa akin. Pitong taon na tayong magkaibigan. Na- surpass na natin yung seven year curse." Sabi niya sayo. "Ikaw naman masyado ka namang nega. Wag ka namang magsabi ng mga seven year seven year curse na yan. Nakaka- trauma yan e. Ang dami dami na ngang nabibiktima niyan e." Sabi mo. "Di wag tayong pumayag na mabiktima nito. Basta kahit anong mangyari, aabot tayo ng eight years." Sabi niya sayo. "It's up to us, Sands. It's our choice." Sabi mo. "And I'm choosing to keep our friendship stronger especially now that we've surpassed our seventh year. Happy anniversary tiwala." Sabi niya sayo. "Happy anniversary buhangin. To more friendship anniversaries with my favorite human diary." Sabi mo. "Oo nga pala may final stop pa tayo. Tara sa sunflower farm. Mabilis lang to." Sabi ni Sandro. "Okay sige. Tara na bago tayo umuwi." Sabi mo.

Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon