POV 99 - YOU ARE WATCHING KALYESERYE WITH YOUR FRIENDS

53 4 0
                                    

You are a 17 year old student who is hooked with the newest phenomenal love team called AlDub.

"Faith, Kalyeserye na girl. Tara na tambay na tayo sa canteen habang vacant pa natin." Sabi ni Carmina. "Sandali lang. Kukunin ko lang yung gamit ko sa locker ko. Susunod na lang ako." Sabi mo.

Pumunta ka sandali sa locker room para kunin ang assignment mo sa elementary algebra.

Pagkatapos mo iyong makuha, nang maisara mo ang locker mo, agad kang pumunta sa canteen kung saan naghihintay na sa'yo ang mga kaibigan mo.  Habang naglalakad ka, may nakabanggaan ka.

"Aww!" Sabi mo. Nahulog ang mga gamit mo. "I'm sorry, I'm in a hurry. Let me help you." Sabi sayo ng nakabanggaan mo. Nang iangat mo ang iyong paningin, nagulat ka nang makita mo kung sinong nakabanggaan mo.

"Alexander/Alexandria?" Sabay niyong sabi. "Ah, where are you going?" Tanong niya sayo. "I'm on my way to the canteen. It's my vacant time. My friends are waiting for me there." Sabi mo. "Is that so? I'll go with you then." Sabi niya. "Huh? Aren't you busy today?" Tanong mo sa kanya. "It's my vacant now until three pm." Sabi niya sayo.  "Oh, we have the same schedule pala. Sige sumama ka na sa amin. Aren't you with your brothers or your friends?" Tanong mo sa kanya. "Nope. Simon and Vinny have their classes." Aniya.

Pagdating niyo sa canteen, agad kayong tumabi sa mga kaibigan mo. Nagulat sila nang makita nila si Sandro.

"Hoy Faith umamin ka nga sa amin. Jowa mo ba yan? Aba, nawala ka lang sandali tapos may lalaki ka nang kasama." Sabi ni Veronica. "Bakit naman hindi mo kami sinabihang may jowa ka na?" Tanong naman ni Bea. "Kailan pa naging kayo?" Sabi naman ni Elisse. "Mga siraulo. Kaibigan ko lang tong si Alexander. Manood na nga tayo ayan na si Yaya Dub at Alden. Baka magkita na sila. Baka ngayon na yung tamang panahon." Sabi mo. "Mamsh sigurado ka bang kaibigan mo lang siya? Walang ibang meaning yang mga gestures niya?" Tanong ni Patricia. "Pat, gentleman talaga tong si Alexander. Wag mo nang bigyan ng meaning." Sabi mo."Pwede bang akin na lang siya sa future mare?" Tanong ni Veronica. "Yun ay kung papayag siya." Sabi ni Elisse. "Ah, Alexander?" Tawag ni Bea kay Sandro. "Excuse me? Only Alexandria can call me Alexander." Sabi ni Sandro. Kaya naman nagulat ang mga kaibigan mo. "Alexandria?!" Sabay sabay nilang sabi. "Ah bes sorry ah. May call sign kayo?" Tanong ni Veronica. "Hindi naman kayo magjowa. Pero bakit may pa Alexander at Alexandria kayo?" Sabi ni Patricia. "Actually, magkababata kami ako ang nagpasimuno ng Alexander at Alexandria." Sabi mo. "Nagulat nga ako nung pumayag siyang tawagin ko siyang Alexander. Dapat nga Ferdinand ang itatawag ko sa kanya kaya lang baka naman sabihin niyang masyado siyang bata para tawaging Ferdinand." Sabi mo. "Actually, I'll allow you to call me Ferdinand if and only if you will be mine in the future, my Alexandria." Sabi niya. "You're so funny." Sabi mo. "I am serious. When I saw you earlier, I felt something different. I felt like I have feelings for you." Sabi niya sayo. Nagulat ka nang marinig mo yun mula sa kanya. "Are you sure? Kasi Alexander, may nararamdaman din ako para sa'yo matagal na." Pag- amin mo. Sa isang iglap, tumigil ang oras. Wala na kayong ibang nakikita kundi ang isa't isa.

Paulit-ulit kang tinawag ng mga kaibigan mo pero hindi mo sila napapansin. Hanggang sa....

"Earth on Faith Alexandria Soriano Mondragon!!!" Sabi ni Veronica. "Ha? I'm sorry?" Sabi mo. "Hey! Why do you have to shout at her? Don't you dare shout at my girl." Sabi ni Sandro kay Veronica. "Ay akala ko ba girl wala kayong label?" Sabi ni Elisse. "Dati yun. Ngayon, mukhang M.U na." Sabi mo. "Nagkaaminan na nga sila, di ba? Hindi mo ba narinig kanina?" Sabi naman ni Patricia. "Pat, Elisse, baka mamaya magkapikunan pa kayong dalawa. Mabuti pa manood na lang tayo. Magsisimula na yung Kalyeserye."  Sabi ni Veronica.

Nanonood kayo ng Kalyeserye habang walang tigil sa kakabardagulan yung mga kaibigan mo. Lumayo kayo ni Sandro sa kanilang tatlo.

Paglingon nila sa kinauupuan niyo kanina, nagulat sila nang makita nilang wala na kayo roon.

"Hoy nasaan na yung dalawa?" Tanong ni Elisse. "Iniwan na nila tayo.  Napakagulo kasi natin." Sabi ni Patricia. "Ano? Hahanapin pa ba natin sila?" Tanong ni Veronica.  "Wag na. May sarili na silang mundo." Sabi ni Patricia sabay lingon kung saan. "Kasalanan mo to e. Ingay ingay mo." Sabi ni Veronica. "Hiyang hiya naman kami sa kadaldalan mo." Sabi ni Elisse. "Tumigil na nga kayong dalawa diyan. Manahimik kayo." Awat ni Patricia kina Veronica at Elisse. "Manood na tayo patapos na yung episode." Sabi niya pa. Habang nagbabardagulan pa rin ang mga kaibigan mo, kayo ay nagdesisyon nang umalis sa cafeteria.

"Pasensiya ka na Alexander. Napakaingay ng mga kaibigan ko." Sabi mo. "Its okay. Mananahimik rin sila kapag nalaman nilang tayo na." Sabi niya. "Ah talaga ba?  Kung sabihin ko sayong wala kang chance?" Biro mo. Nalungkot siya. "Biro lang. I'm willing to be your Yaya Dub if you are willing to be my Alden." Sabi mo. "I'm willing to be your happily ever after as long as you are willing to be mine forever." Sabi niya. "It's nice to see you again. Mamamasyal ako sa inyo soon." Sabi mo. "On mom's birthday punta ka. Malapit na yon." Sabi niya. Naalala mong August 21 Ang birthday ni attorney Liza. "Ah. Yes, birthday nga pala ni attorney Liza sa 21. Sige pupunta ako. Finally makikita ko na uli sila ni tito. Matagal na rin mula noong huling beses ko silang nakita kasama ninyong magkakapatid." Sabi mo. "Buti na lang pala nagkita tayo ngayon." Sabi naman niya sayo.

Pagkatapos niyong mag- usap, nagpaalam na kayong muli sa isa't isa.

Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon