Ngayong araw, sinabi sayo ni Sandro na ipapakilala ka niya sa kanyang pamilya. Bigla kang kinabahan. He is your first boyfriend and you never got a chance to experience those kind of scenario. Lingid sa iyong kaalaman, botong boto sayo ang kanyang buong pamilya.
"What if they don't like me for you? Your family is one of the most popular family here in Ilocos. Your grandma is the former first lady of the country, and... And your dad's family is you know... They are the former first family. Kinakabahan ako love. Ayoko nang tumuloy." Sabi mo. "You know what, malulungkot si mom kapag dumating ako nang hindi kita kasama. She's expecting to see you in person. She told me last night she is so excited to finally meet you. She've been telling me to bring you there for quite some time now. Every time I'd go there she'd ask me, 'where's your girlfriend? I wanna meet her.' and then I'd keep on telling her, 'soon mom.' and I think, the right time has come. It's time for you to meet each other in person." Sabi niya sayo. "What if..."
Hindi mo natapos ang sasabihin mo dahil bigla siyang nagsalita.
"Oops, no more what ifs. Nothing else to say. You'll meet my mom anytime today. Okay?" Sabi niya. Napayuko ka na lang. Wala ka nang magagawa para pigilan ang nakatakdang mangyari ngayon. Magkikita na kayo ng nanay ng taong pinakaminamahal mo.
You arrived safely in their house in Ilocos. Pagkaparada ng kotse sa garage, nakaramdam ka ng kaba.
Pinagbuksan ka ni Sandro ng pinto. Agad ka namang bumaba sa kotse.
"Kinakabahan talaga ako. Pwede pa naman sigurong magback out love." Sabi mo. "Nandito na tayo ngayon ka pa ba magbaback out? Kanina pa nila tayo hinihintay sa loob." Sabi niya. "Kinakabahan kasi ako baka hindi nila ako magustuhan. Sa sobrang taas ng standards mo, baka hanapin nila sa akin si Hermione Granger." Sabi mo. Napatingin siya sayo. "Bakit naman nila hahanapin sayo si Hermione Granger?" Naguguluhan niyang tanong. "Di ba nga, childhood crush mo siya? Baka mamaya, sabihin nila hindi ako pasok sa standards mo or baka sabihin ng mga kapatid mo biglang bumaba ang standards mo." Saad mo. "Nasabi ko na yan sa kanila noon. Pero ngayon, hindi na yun ang standard ko sa love. Lahat yun nabago nung nakilala kita sa Isabela few years ago. Nagtaka nga ako kasi biglang nagbago yung standard ko. Oo hindi kayo magkasingganda ni Hermione, hindi tayo magkasin- talino. But you have your own unique qualities that made me fall in love with you. Maybe you were not my first love but I'll make sure you'll be my last. Ang daming nabago sa standards ko sa love mula nung nakilala kita. Hermione is my childhood crush. And I know na wala kang laban sa kanya. Tsaka she's engaged. See? Kahit ako, umasa at nasaktan din. Heartbroken din ako. Ang kaibahan nga lang, ikaw, heartbroken ka noon kasi yung taong minahal mo ng sobra, sinayang yung pagmamahal mo sa kanya. Ipinagpalit ka niya sa iba. Ako, heartbroken ako in a way na nagka- crush ako sa taong kahit kailan, hindi mapapasa- akin. Buti ka nga naamin mo sa akin na may crush ka sa akin bago ako nagkaroon ng jowa. Nasabi mong mahal mo ako at sinabihan mo ako sa personal na hayaan kitang mahalin ako kahit na alam mo sa sarili mong pwede kang masaktan dahil pwede kitang masaktan sa pamamagitan ng posibilidad na magmahal ako ng iba. Kaya wag ka nang kakabahan, okay? Got your back. I love you. Remember that. Always in all ways." Sabi niya. Niyakap mo siya bago kayo pumasok sa bahay nila. Halo halong emosyon ang naramdaman mo. Nangangatog yung tuhod mo habang naglalakad papunta sa sala ng bahay nila.
Nakayuko kang naglakad papalapit kina Sir Bongbong at ma'am Liza. Habang si Sandro naman, nakangiting sinalubong ang kanyang mga magulang.
"Pops, mom, I want to finally introduce you Faith Alexandria Mondragon, my girlfriend." Pagpapakilala ni Sandro sayo kina tita Liza at tito Bong. "He-hello po." Nahihiya mong sabi. "Oh, finally iha. Nice to meet you in person. Palagi kang kinukwento ni Sandro sa amin. Nagungulit nga ang tita Liza mo kung kailan ka ipapakilala ni Sandro sa amin." Sabi ni tito Bong sayo. "Finally!" Tumatalon talong sabi ni tita Liza mo sayo. Lumapit ka sa kanya para bumeso.
BINABASA MO ANG
Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...