Nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng mommy mo. Nagpaalam ka sa kanya na mag- overnight ka sa isang kaibigan mo para matapos ang thesis niyo pero hindi ka niya pinayagan.
"Mommy, payagan niyo na kasi akong mag- overnight. Isang gabi lang naman e. Tsaka uuwi rin naman ako kaagad pagkatapos e. Wala ba kayong tiwala sa akin? Ma, I'm 21 years old na. Hanggang ngayon ba naman ang trato niyo sa akin e bata? Ma, hindi na ako bata." Saad mo. "Anak, may tiwala naman ako sayo eh." Sabi ng mommy mo. "Kung may tiwala po kayo sa akin, bakit ayaw niyo po akong payagang umalis?" Tanong mo sa kanya habang bubuhos na ang luha sa iyong mga mata. "Natatakot lang ako anak. May tiwala naman ako sayo eh. Pero sa mga kasama mo.... Sa mga kasama mo anak, wala." Sabi niya. "E di matuto po kayong pagkatiwalaan sila kahit ngayon lang. Kasi ma, kung hindi mo ako hahayaang gawin to, hindi ako matututo. Hindi ako matututong maging independent." Saad mo. Sinampal ka niya. "Yan ba ang natututunan mo dahil sa pagsama sama mo sa mga barkada mo, ha? Dati hindi ka naman ganyan ah. Tapos ngayon natuto ka nang sagut- sagutin ako, ha?" Sabi niya. Umiiyak kang sumagot. "Ma, ang gusto ko lang naman, kahit ngayon lang pagkatiwalaan niyo naman ako. I am your daughter after all. And now we are going to deal with this kind of issue? Ma, pati ba sa mga ganitong bagay, hindi niyo ako magawang payagan? Para naman to sa grades ko, ah. Ma naman. Alam mo bang hindi ako makatulog nang mahimbing sa gabi dahil sa kaiisip kung paano ang gagawin ko sa defense namin? Kasi alam mo ma, naiinggit ako sa mga kaklase ko kasi at this age, pinapayagan silang mag- overnight, mag- sleepover kasama yung mga kaibigan nila. E ako, 21 na ako pero kung itrato niyo ako para pa rin akong sixteen years old na bantay sarado ninyo. Yung lahat ng gagawin ko kailangan alam niyo. Yung kulang na lang ikulong niyo ako sa kwarto. Sa totoo lang para akong preso ma. Kasi pakiramdam ko, pinagkakaitan niyo akong mabuhay nang normal. Bakit ma? Dahil ba natatakot kayo sa mga matatanggap kong panghuhusga mula sa ibang tao?" Sabi mo. "Yan ba ang tingin mo sa.mga ginagawa ko? I'm just protecting you. Tingnan mo nga yang suot mo." Aniya. "Protecting me? Protecting me from what, mom? Sa panghuhusga? Sa pambabastos? From having a normal life? E sa ginagawa niyo parang pinagkakaitan niyo ako ng pagkakataong maranasang mabuhay nang normal e. Para akong mababaliw dito. Gusto niyo palang hindi ako lumabas ng bahay e di sana pala nilagyan niyo na lang ng rehas yung kwarto ko. I feel like I am a wild animal who needs to be imprisoned for me to avoid hurting other people around me. Yun ba ang gusto niyo? Sa susunod ma, magho- homeschool na lang ako para kahit hindi na ako umalis ng bahay, makakasiguro kayong safe ako. Next semester, ako na ang magsa- suggest sa inyong maghohomeschoo na ako para sa ikapapanatag ng loob niyo. At para mas mapanatag pa kayo, palagyan na rin natin ng cctv tong buong bahay para lahat ng galaw ko, alam niyo. Kung gusto niyo, mag- hire na rin kayo ng mga guards para mapanatag na yang kalooban niyo. Kung kulang pa, sabihin niyo lang." Sabi mo.
Bigla kang nag- walk out. Naiyak naman ang mommy mo nang marinig lahat ng mga sinabi mo.
"Am I too strict on our daughter?" Tanong ng mommy mo sa daddy mo habang umiiyak. He didn't say a word. Instead he just nodded.
"Sa totoo lang, tama siya. Masyado mo siyang pinaghihigpitan. Tama ka naman sa part na pinoprotektahan mo siya pero sana kahit minsan, matutunan mo rin siyang pagkatiwalaan. Kasi alam mo, alam ni Faith Alexandria ang ginagawa niya. Nasa tamang edad naman na ang anak natin. Hayaan mo na siyang matuto sa sarili niyang pagkakamali. Kasi alam mo, sa ginagawa mong paghihigpit sa kanya, kapag minsan siyang nakawala, matututo siyang magrebelde." Sabi ng daddy mo sa mommy mo. Narealize ng mommy mo na tama ang daddy mo. Sinubukan kang kausapin ng mommy mo. Pinuntahan ka niya sa kwarto mo.
Nilock mo ang pinto. Nagtalukbong ka ng unan. Tuluy tuloy ang pag- agos ng luha sa mga mata mo. Tanging unan lang ang karamay mo ngayon sa mga oras na to. Ang unan ang nagsisilbing kaibigan mong handang saluhin ang bawat patak ng luha sa iyong mga mata. Ang unan ay nagmistulang tunay mong kaibigan. "A true friend sees the first tear, catches the second and stops the third." Ika nga. Patuloy lang ang pag- iyak mo. Kumatok ang mommy mo sa pinto.
"Anak, pwede ba tayong mag- usap?" Sabi niya sayo. Hindi ka sumagot. "Anak, pwede bang pumasok si mommy?" Tanong niya uli. Hindi mo siya pinansin. Kinuha ng mommy mo ang duplicate key ng kwarto mo sa drawer sa kwarto nila. Kaya naman nakapasok siya sa kwarto mo. Nakita ka niyang nakatalukbong. Umupo siya sa kama mo. Tinalikuran mo siya. Hindi mo siya pinansin. Sinubukan ka niyang yakapin pero nagpumiglas ka.
"Anak, hindi ko naman alam na ganoon na pala ang nararamdaman mo. Akala ko ayos ka lang sa ganoong sitwasyon anak pero mali pala ako." Sabi ng mommy mo. Napahagulgol ka. "Alam mo ma, pakiramdam ko, sa mga nangyayari lahat na lang ng gawin ko mali. Pakiramdam ko bawat kilos ko mali. Parang wala na akong ginawang tama sa paningin niyo kaya hindi niyo ako mapagkatiwalaan. Minsan nga naisip ko, baka naman ampon ako. Baka naman kaya hindi niyo ako mapagkatiwalaan kasi hindi niyo ako tunay na anak." Sabi mo. "Ano bang sinasabi mo?" Sabi ng mommy mo. "Yun yung pinaparamdam ni mommy e. Alam kong ayaw niya akong mapahamak pero sana naman maiparamdam niya sa akin ma pinagkakatiwalaan niya rin ako. Kahit ngayon lang kasi lahat naman ng gusto niyo ginagawa ko e. Masunurin naman akong anak pero ewan ko ba kay mommy kahit anong gawin ko, mali pa rin." Sabi mo. At lumabas ka ng kwarto mo at dumiretso ka sa balcony.
Sinabi ni daddy mo sa mommy mong hayaan ka muna niyang magpalamig. At hintayin kang kusang lumapit sa mommy mo para magkaayos kayo.
BINABASA MO ANG
Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...