Ilang araw ka nang may malalim na iniisip. Lagi mong sinasabi sa sarili mo na tama na pero may pumipigil sayo para gawin ang plano mo. Plano mong makipaghiwalay kay Sandro pero iba ang kinalabasan.
"Mahal, anong pinakaunang naimbentong computer virus sa mundo? Pakiresearch naman sa google." Sabi mo. "Mahal seryoso ka bang virus yun? E ILOVEYOU yung lumabas e." Sabi niya. "I love you too." Sabi mo. "Naglalambing ka na naman e. Actually love may ipapasolve sana ako e. Kaya lang alam kong medyo hindi mo gusto ang math. Pero promise ito lang. Pasolve. I(5+5) vey (5-5) u. Good luck mahal." Sabi niya sayo. "Love naman. Ano ba— I tapos 5+5 so 10 tapos ve copy lang yon tapos y copy lang din tapos yung 5-5 0 tapos yung u bring down. I... I love you?" Sabi mo. "I love you more." Sabi niya. "Tigilan mo nga ako Alexander. Teka lang. Sandali nga. Break na tayo." Sabi mo sa kanya. "Akala ko ba mahal mo ako bakit ka nakikipaghiwalay ngayon?" Tanong niya sayo. "Pagod na ako. Pagod na akong intindihin ka. Nakakasawa na." Sabi mo. "Pano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?" Tanong niya sayo. "Wala ka nang magagawa." Sabi mo. "Bakit mo muna ako hihiwalayan? Anong dahilan mo?" Saad niya. "May mahal na akong iba. Nakakapagod nang maging girlfriend mo." Sabi mo. "Ayoko. Nag- I love you ka pa kung hihiwalayan mo rin naman pala ako. Ayoko." Sabi niya. "Sabi ko na kasing hindi na kita mahal e. Wala na akong pagmamahal na nararamdaman para sa'yo. Tapos na tayo." Sabi mo. Niyakap ka niya. "Stop it. That is against the law." Sabi niya. "Tang*na. Anong against the law, against the law yang sinasabi mo?!" Sabi mo. "According to Republic Act 7610: Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act." Sabi niya. Natulala ka nang marinig mo ang sinabi niya. "Kaya hindi mo ako pwedeng iwan at hiwalayan na lang nang walang maayos na dahilan." Dagdag pa niya. "Lintik na Republic Act yan. Hindi na yan uubra sayo. Hindi ka naman na bata. Kaya tigilan mo ako Ferdinand Alexander. Tapos na tayo." Sabi mo. "Hindi na ako bata pero I will always be your baby." Sabi niya sabay ngiti. "My gosh. Bakit ba lagi mo na lang akong nadadaan sa mga ganyang banat mo? Ganoon na ba ako karupok sa pagmamahal ko sayo? Bakit hindi kita kayang hindian? Sabi ko dati sa sarili ko, I will never fall in love again until I found you. I will never fall again but then here I am falling in love with the same person I fell in love since July 16, 2015. Bakit ganyan ang impact mo sa akin? Put*ng*na Sandro ayoko na.... Ayoko nang magmahal ng iba." Sabi mo sa kanya. "Bakit ka kasi magmamahal ng iba kung hindi mo kaya? Tsaka bakit mo ba kasi ako hihiwalayan kung trip mo lang? Ang dami daming nakapila. Inaantay lang nila tayong mag- break. Ano, Faith Alexandria? Ipapaubaya mo na ba ako sa kanila?" Tanong niya sayo. "Hindi. Gusto ko lang malaman ang magiging reaksiyon mo kapag sinabi ko yan. Success naman kaya lang, bakit naman tayo umabot sa Republic Act 7610? Abogado ka na ngayon? Change career from politician to Lawyer? Hindi ka naman nag- take ng law. Economics ang alam kong degree mo tapos nag- masters ka sa Developmental Studies. Bakit biglang may pa R.A ka?" Sabi mo. "E paano natatakot akong iwan mo ako. Kaya umabot tayo sa R.A." Sabi niya. Natahimik ka. Pagkalipas ng labinlimang minuto, muli siyang nagsalita. "So, are you still going to break up with me, my safe haven?" Tanong niya. "Not anymore. Baka umabot na tayo sa korte. Ayoko na." Sabi mo. "Tara, let's watch the sunset instead." Sabi niya.
Sabay niyong pinanood ang sunset. Nagtweet si Sandro ng picture niyo. Sinagot mo ito sa comments.
Nag- usap kayo pagkatapos niyong magpalitan ng tweets.
"To more sunrise and sunsets together?" Sabi niya. You gave him a passionate kiss on the lips. "To more sunrise and sunsets to forever." Sabi mo. Sa hindi mo inaasahang pagkakataon, bigla siyang lumuhod sa harap mo.
"The sunrise symbolizes new beginnings. The sunsets symbolizes the end of a cycle. I wanted you to be my sunrise and sunset, my end and my beginning. My love for you is limitless. It has no end. Just like this ring that I offer you today, my love for you is endless,it is continuous until my last breath. Will you allow me to love you for the rest of our lives? Faith Alexandria Mondragon, will you be mine until my last breath? Will you marry me?" Tanong niya sayo. Bigla kang naiyak nang marinig mo ang mga katagang yon mula sa kanya. You're supposed to break up with him. But he gave you the love that you're longing for the longest time. "Yes, my love." Sabi mo habang umiiyak. Bigla siyang tumayo at isinuot ang 1.5 karat na singsing sa iyong palasingsingan.
"Finally!" Tuwang tuwa niyang sabi. "I'm sorry kung naisipan kong makipaghiwalay sayo kanina. Tinotopak lang ako kaya ko nagawa yon. Alam mo namang hindi ko kaya pero sinubukan ko lang para malaman ko kung anong magiging reaksiyon mo." Sabi mo. "Are we going to inform them immediately about this?" Tanong niya sayo. "No, not yet. Hayaan natin silang makahalata. Pero dapat doble ingat tayo. Kailangan galingan nating magtago. Kailangan maitago natin tong engagement ring sa kanila. Ipupunta ko to sa wallet ko." Sabi mo. "But make sure na hinding hindi mo iiwan yang wallet mo kung saan saan." Sabi niya sayo.
After your engagement, nakangiti kayong umuwi pabalik sa condo. Hindi muna kayo naghiwalay ng bahay na uuwian dahil gusto niyo munang ramdamin yung moment. You don't want your happiness to end now. You were so happy because finally one of your dreams came into reality.
BINABASA MO ANG
Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)
FanficA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...