You are an alumna of Francheska Louise's school. Today, she's graduating from college and you are invited to be their guest speaker. Sinabi mo yon kay Sandro.
Nagkita kayo sa eskwelahan ng bunso nilang kapatid. Sinalubong ka niya bago ka umakyat sa stage.
"Love, I'll be staying upstairs. Pagkatapos ng ceremony tsaka na lang tayo magkita." Sabi mo. "Okay." Sabi niya.
Ipinakilala ka ng Emcee.
"Our guest speaker for today is a very popular alumna of our university. She is the luckiest girl in the entire country. Siya lang naman kasi ang nakapagpaibig sa isang Sandro Marcos. A graduate of Bachelor of Science in Psychology here at London Parkland Campus, ang soon to be presidential daughter- in- law, ang soon to be first lady rin siguro. We'll never know, di ba? I would like to formally introduce to all of you, Miss Faith Alexandria Mondragon!" Sabi ng Emcee. Nagpalakpakan naman ang mga magsisipagtapos sa paaralang yaon.
"Maraming salamat sa emcee ngayon dahil talaga nga namang napakaganda at napakabongga ng kanyang pagpapakilala sa akin, ano. Pero no offense kasi gusto kong kontrahin yung sinabi niyang ako raw ang soon to be first lady. Kasi kung ako ay magiging soon to be first lady, baka walang maniwala kasi the first time na inamin namin ni Sandro yung tungkol sa amin sa publiko, puro pambabash lang naman ang inabot ko sa mga social media accounts ko. Paano pa kaya kapag naging first lady na ang ate niyo, no? Anyway going back to reality, nandito ako sa harap ninyo para magbahagi ng inspirasyon sa ating mga magsisipagtapos. I am so happy to see my "ading" kahit hindi ko naman siya kapatid na talagang kapatid na nakakasama ko araw araw sa iisang bubong, sobrang happy ko pa rin kasi everytime na magpupunta ako dati sa bahay nila sa Pilipinas, siya yung kalaro ko kapag may mga gawain yung kuya niya. Siya yung una naming baby girl ni adi. Di ba, Cheska? Baby girl namin yan e. Nakapagtapos na rin siya sa wakas. And I wanna salute all the graduates for making it this far. Napakahusay niyong lahat. Gusto kong yakapin si Cheska. Okay lang ba kung paakyatin ko muna siya?" Sabi mo. Bago mo pa siya tawagin, dali- dali siyang umakyat sa entablado at yumakap sayo. Kinuha niya yung microphone at tsaka siya nagsalita.
"Bago ituloy ni ate Faith yung sasabihin niya, I wanna call my eldest sibling here onstage. Kuya Sands, please come up onstage." Sabi niya. Agad namang umakyat si Sandro onstage. "Ah bago po ang lahat, wala pong pag- uusap na naganap sa pagitan namin ng panganay kong kapatid bago ang graduation ko. Opo, wala po talaga." Sabi ng bunsong kapatid ni Sandro. "Anyway going back, kaya ko pinaakyat itong si kuya Sandro sa stage kasi hindi ako papayag na si ate Faith lang ang mayakap ko ngayon para mapasalamatan. Kasi sila ni kuya Sandro ang nagsisilbi kong mga magulang kapag tinatamad yung dalawa ko pang mga kapatid na alagaan ako. Kaya bilang pasasalamat ko sa kanilang dalawang mag- asawa— este magjowa, I will give them a group power hug!" Sabi ng bunso niyang kapatid tsaka niya kayo niyakap na dalawa ni sandro. "At siyempre kuya, ate, pakiss naman sa magkabila kong pisngi." Sabi pa niya kaya pinagbigyan niyo naman siya ni Sandro. Padampi pa lang ang mga labi niyo sa magkabila niyang pisngi ay bigla siyang umatras. Dahilan para magkaroon kayo ni Sandro ng "accidental lips to lips kiss".
Nagulat kayong dalawa ni Sandro nang maghiwalay na ang mga labi niyo mula sa biglaang halik na iyon sa harap ng madla. Tumingin kayong dalawa ni Sandro kay Cheska na ngayo'y nakangiti habang tumatalon.
"FRANCHESKA LOUISE!!!" Sabay niyong sabi ni Sandro pero bigla siyang nagsalita. "Oops, kuya, ate it's my graduation today. Hindi niyo ako pwedeng pagalitan. Ate Faith speech mo." Paalala niya sayo kaya wala ka nang nagawa.
Itinuloy mo ang speech mo habang nasa tabi mo na ngayon sina Cheska at Sandro.
"The feeling of finally graduating from college is different. Knowing that all your hard works are now paid off, it feels so satisfying. And you know when I was at your age, I was so happy. Because finally I am done with my "pressure" stage. Nung kaedad ko kayo, lagi akong nape- pressure. With the deadlines, with the whole process of studying my course. Sobrang hirap. Until I have already learned to love my course. And to all the graduating students, AIM HIGH! KEEP DREAMING! And my special message for my forever baby Cheska, always remember that you are doing better everyday. Keep striving for your dreams. Your ate Alexa loves you! Always in all ways. But—"
Biglang sumingit si Cheska. "You love my brother more than you love me sissily." She said. Hindi mo naiwasang kiligin. And everyone in the audiences became wild. Naghiyawan ang mga graduates.
"Sandali! Patapusin niyo muna ako sa speech ko bago kayo maghiyawan, pwede? Anyway, again, congratulations graduates. Alam ko lahat ng mga pinagdaanan niyong hirap para umabot dito. Yung mga sleepless nights niyo, yung mga times na halos madaling araw na pero matutulog pa lang kayo. Napagdaanan ko rin lahat yan bago ko marating ang kinalalagyan ko ngayon. It was never easy but in the end, it's all worth it. Congratulations, graduates! Congratulations bunso! We are so proud of you!" Pagtatapos mo sa speech mo at nagpalakpakan ang mga tao sa venue.
Pagkatapos ng graduation ni Cheska, nagkaroon ng thanksgiving party.
BINABASA MO ANG
Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...