Kayo ni Sandro ay magkasintahan na ngayon sa loob ng limang taon. Sa loob ng limang taon, bihira niyo lang mapag- usapan ang mga plano ninyo sa hinaharap. Isang araw habang namamasyal kayong dalawa sa parke, bigla niyo itong napag- usapan.
"Grabe, I can't believe we're down to our sixth year next month." Sabi niya. "Oo nga 'no? Anim na taon na pala mula noong naging tayo." Sabi mo. "Oo nga e. Alam mo, plano ko nga maglibot sa buong mundo kasama ka. Yung bawat bansang mapuntahan natin, magha- honeymoon tayo tapos magkakaroon tayo ng anak na kambal." Sabi niya sayo. Bigla kang natigilan sa narinig mo. "Teka lang, sandali." Sabi mo. "Ano yun, mahal?" Tanong niya. "Anong anak? Anong kambal?" Tanong mo sa kanya. "As far as I can remember, our plan was to get married, right? We never planned about having kids eventually. Bakit biglang may anak?" Tanong mo sa kanya. "Ha? Ayaw mong magkaanak? Di ba natutuwa ka kay Mia? Dun sa anak ni ate Cara at kuya Michael? Bakit ngayon iba na ang gusto mo?" Tanong niya sayo. "Oo natutuwa ako kay Mia. Gusto ko ng bata. Natutuwa ako kapag nakakakita ako ng bata. Pero mahal, wala sa plano ko na magkaroon ng anak. Mahal kita, oo pero doon sa part na gusto mong magkaanak? Love, hindi ko yun maibibigay sayo. Gusto kong ikasal sayo, gusto kitang makasama habangbuhay pero ayoko ng anak. Hindi ko kaya." Sabi mo. "Di ba may mga pangarap tayo? Ikasal, magkaroon ng maayos na buhay, komportable. Pangarap ko yun para sa ating dalawa. Sabi mo nga sa akin papayag ka na magpakasal tayo anytime di ba? Pero mahal, bakit nagbago ang isip mo nung sinabi kong balang araw magkakaanak tayo ng kambal? Akala ko ba mahal mo ako? Anong problema?" Tanong niya sayo. "I love you, okay? And it's okay with me if we get married, we have our own house, pero mahal, I can't see myself getting pregnant and have children with you. But that's what you want, right? Pwede mo pa rin namang tuparin yung pangarap mong iyon. Pero.... Baka hindi na ako yung babaeng makakasama mong tuparin ang pangarap mong yun. Ayokong maging selfish at pigilan ka sa gusto mong mangyari. Mahal kita at gusto mo yun. Bakit kita pipigilan? Wala akong karapatang pigilan kang bumuo ng sarili mong pamilya. You can still be a father. But, don't expect that I'll be the mother of your children. We have different plans. Maybe it's time for me to say goodbye. Maybe it's time for us to part ways if that's the case. Wala naman nang ibang patutunguhan tong usapan natin." Sabi mo. "No. You're kidding, right?" Di makapaniwalang tanong niya. "No, I'm not. I'm serious. Sandro, you have already sacrificed a lot to protect this private relationship in the public eye and arena. This is the proof that you can't really keep and have a private relationship in a public arena. Where all eyes are on you. All people have something to say. Maybe it's better for us to end everything here." Sabi mo. Lumapit siya sayo at niyakap ka mula sa likod. "No, please....." Pakiusap niya. Sinubukan mong kumawala sa higpit ng pagkakayakap niya sayo pero ikaw'y bigo. Pilit mong tinatanggal ang kanyang mga kamay sa baywang mo pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sayo. "Sandro please let me go. Masyado nang mahigpit ang pagkakayakap mo sa akin." Sabi mo. "Papakawalan kita sa isang kondisyon." Sabi niya. "Ano?" Tanong mo. "Don't break up with me." Sabi niya. "No. We have to end this. For our own good. Sandro kailangan nating gawin to. Kasi kung hindi, pareho lang tayong mahihirapan. We can't keep our love story private from the public eye. Maraming mga kamera ang nakabantay sa bawat galaw natin. We can't live a normal life." Sabi mo. "Then we will do everything to make it work. Just please don't do this to me, my love. No... I can't. I don't like. I can't imagine my life without my "pahinga" and "tahanan". No. Ayoko." Sabi niya habang mahigpit na nakayap sayo mula sa likod. "Magkaiba tayo ng plano. Ayokong maging hadlang sa mga gusto mong mangyari sayo sa hinaharap." Sabi mo sa kanya. "Then let's collaborate. Let's talk about it properly. Wag lang hahantong sa break up. Ayoko." Sabi niya. Hindi ka nakapagsalita. Naubusan ka ng sasabihin. Bigla kang naluha. Si Sandro yung unang taong minahal mo na minahal ka pabalik ng higit pa sa pagmamahal mo sa kanya. Siya yung paulit ulit na nanatili sa tabi mo kahit maraming beses mo na siyang tinaboy palayo sayo. At dahil sa kanya, napatunayan mong may isang tao talagang hindi mapapagod intindihin ka. Sa lahat ng mga minahal mo, siya lang yung tumanggap sa buong pagkatao mo. Hindi siya bumitaw kahit alam mong maraming beses mo nang gustong tapusin ang namamagitan sa inyong dalawa. Natutunan mong ang mga taong kagaya niya ay ang mga taong dapat pinahahalagahan at hindi pinakakawalan. You hugged him back. "I'm sorry but I have to do this." Sabi mo. "No. Please....." Sabi niya habang nagmamakaawa at umiiyak. Hindi mo na napigilang maiyak. "I'm setting you free." Sabi mo. "No. Please don't. No mahal...." Sabi niya. You let him stand up and hugged him for the last time. "You're free now my moon. Go find your another star." Sabi mo. "I won't. I can't. You will always be my star. The star that shines the brightest. We shine brighter together. I love you. Walang magbe- break." Sabi niya. Napangiti ka nang marinig mo iyon mula sa kanya. "I'm sorry, love. Mahal kita pero nakakapagod na." Sabi mo. "E di magpahinga ka. Pero hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako papayag. Hindi." Sabi niya habang nakayakap sayo.
A man like him is really worth the wait. Wala ka nang makikitang lalaki na katulad niya na handang umintindi sa mga topak mo. You realized, you really are meant for each other. He really is the moon to your star, the lyrics to your songs, the harmony to your melody, and the soprano to your bass. Sinuyo ka niya hanggang sa tuluyan ka nang kumalma.
"So, makikipaghiwalay ka pa rin ba?" Tanong niya. "Oo para humaba yung pila." Biro mo. Bigla siyang sumimangot. "Just kidding. I love you." Sabi mo sa kanya. Kaya naman bigla ulit siyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
Punto De Bista Iti Maysa A Mangsupsuporta(A Supporter's Point Of View)
FanfictionA Point of View of a supporter from afar. P.S. This is all made out of the writer's imagination. This is not real. This is all in an alternative universe. These are some of my what if's. A Ferdinand Alexander Araneta Marcos III Fanfiction. HEXALOGY...