"Arch't!"
"Oh?"
Malapad na ngiti iyong binungad sakin ni Lisa habang lakad takbo na dala-dala ang isang may kalakihang paper bag.
"Umayos ka nga jan, mukha kang batang nakapulot ng piso!" Tudyo ko sa kanya kaya padabog nitong inilapag iyong bag sa mesa.
"Grabe ka naman sakin, Arch't!" Natatawa na lang akong nailing. "Kain muna po boss amo, gutom na ako- sobra!"
Yeah right! Umikot talaga mata ko sa inaasta nitong batang 'to. Pag talaga kain ang pag-uusapan... eyy! Napalayo nga ako kay Anne, eto naman at may damuho ding pumalit.
Tahimik ko na lang iniligpit iyong pen at librong hawak ko tsaka dumulog sa mesa.
"Oy, jabiii!" Di na rin masama!
"Hehe..." inilabas niya iyong bucket at pinagsalin ako ng manok. "Ito po, thigh part na spicy!" Mmmm...
"Salamat po!"
Andito kami ngayon sa Davao dahil sa isang project na hawak ko. Actually, hindi dapat kasama si Lisa sa trip na ito pero nong mapagtanto kong kakatapos lang ng semester nila ay inaya ko ito agad na sumama sakin. Beneficial din naman ito para sa kanya, kung ano iyong naranasan ko noong ako'y nag a- apprentice pa ay pinaparanas ko rin sa kanya. Kasi para sakin mas marami akong natutunan sa field kesa sa mga naririnig ko lang. It's a 100 percent better to experience it first hand.
"Jane..." it was barely a whisper.
Akala ko pinaglalaroan lang ako ng aking paningin-pero, kahit anong pikit ko ay di mawala-wala ang mukha ng babaeng nasa harap ko ngayon.
I almost thought of running away from the same girl who broke my heart 2 years ago. But what's funny is that it still hurt the most, dahil kahit dalawang taon na ang lumipas ay pilit paring bumabalik ang sakit na naging dulot ng pag-alis niya. The fact that she chose to leave made my heart go haywire.
"Hey."
Ramdam ko iyong panginginig ng tuhod ko pagkarinig sa kanyang boses.
We both stood there just looking at each other-in the middle of my office.
"How may i help you?" malamig na tanong ko sa kanya at napiling umupo na lang sa silya. Dahil sa totoo, malapit nang bumigay ang tuhod ko.
"I-I, uumm..."
I am doing my best trying to distract myself from the intensity of my feelings upon the thought that the girl i have ever loved was standing right in front of me-but i couldn't dare move a muscle nor engulf her on a hug.
Mahigpit kong naikuyom ang mga kamao sa ilalim ng mesa.
Sumisikip bigla iyong dibdib ko at para bang may kung anong bumabara saking lalamunan. The emptiness i felt for so long...
"Why are you here, Ms. Lazaro?" i asked without giving her a look.
Naging tahimik ang paligid ng panandalian na mas lalong ikinataas ng tension sa loob ng opisina ko.
"I came back."
Akma ko sanang pindotin iyong intercom ng matigilan ako sa naging tugon niya. Ramdam ko ang pagbilis ng paghinga ko habang pina-process iyong sinabi niya-but i choose to continue what i'm doing. Kumukulo ang dugo ko. Pakiramdam ko sasabog ako ng di oras. Bumabalik na parang bagyo ang mga alaala naming dalawa. At para akong paulit-ulit na sinusuntok ng maalala ang kanyang pag-alis.
"I came back for you."
This time ay marahas kong naibaba iyong hawak ko at kamuntikan na itong mabali. Nakita ko siyang napaiktad kaya matalas ko siyang tinitigan.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.