22...

51 3 0
                                    

Jane


Umaga na pero halos wala parin akong tulog.




Linggo ngayon at supposedly ay magkasama naming i-spend ang araw na ito ni Rain para bumawi sa oras na ginugugol namin sa trabaho na hindi nakikita ang isa't isa, pero iba ngayon.


There's no Rain.


No calls nor text.



Mukang nakalimutan na nga talaga nyang nag-aalala ako sa kanya. Nagawa nya talagang tiisin ako buong magdamag and i assume this is going continue for more days.


But i can't. Di ko na kaya...


Kagabi pa ako panay call at text sa kanya, I've been saying sorry, pero wala talagang response.


Rain, ano ba?! Magparamdam ka na sakin please?

The whole night ay di ako nakatulog, panay iyak lang ako habang ang parents ko naman ay katok ng katok kagabi pa. Kahit si kuya, he seemed calm na ng katokin nya ako, he was saying sorry. All of them we're feeling sorry, kahit ako i feel sorry for myself.

Ang tanga ko kasi!

Haay..

Napabuntong hininga ako ng muli na naman kumatok si dad, alas nuebe na rin pala. Mukang walang lakad ang lahat ngayon.

I wonder kung alam na ba ng lahat ang kinahinatnan ko? I'm sure pinag-uusapan na nila ako ngayon.


Napatakip ako ng unan ng marinig kong binubuksan na yung pinto ko, nagsawa na ata sila sa kakakatok. Naramdaman kong may kumuha ng unan sa muka ko kaya mariin ako napapikit.

"Jane, alam kong gising ka kaya bumangon ka na muna para makakain." It was dad.

Sinusubokan nyang maging masuyo ang approach nya pero, ang tigas lang talaga ng boses nya. Tsk!


"Wala po akong gana." Garalgal at paos pa ang boses ko, ikaw ba naman umiyak magdamag.



Actually, gutom na talaga ako pero... Ah basta, ayoko.

Napabuntong hinga na lang si dad sa sagot ko kaya napamulat ako at tinignan ko sya. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko at nakatungo, mukang malalim ang iniisip nya. Ang lungkot ng muka ni dad.

"Im sorry." Nagbabadya na naman ang luha ko, napalingon ito sakin.

"Para saan?" This time malumanay na talaga ang boses nya kaya pilit akong napangiti.


"Dahil sa kahihiyang dinala ko sa pamilya natin. I'm sorry if I'm such a disappointment to you dad."


Madali nya akong hinila patayo at inakap ako ng mahigpit kaya sa pagkakataong ito ay umiyak na ako ng umiyak sa bisig ng tatay ko. I've always longed for him to hold me like this ng maghiwalay kami ni Kevin, gustong-gusto ko umiyak sa bisig nya at magsumbong na parang bata cause i know kakampihan nya ako. I'm such a daddy's girl since then.

"Sshh, sweetheart... Wala kang dapat ipagpaumanhin sakin o kanino man. Wala kang masamang ginawa, sadyang nagkamali ka lang sa pagpili ng mamahalin and that's nothing to be sorry for. Hindi ka kahihiyan sa pamilyang 'to, okay? You are a wonderful daughter and of course our beautiful nurse, kaya wag ka na umiyak, please?..." Pinahid nya ang muka ko at malambing na ngumiti sakin.

And that only made me cry more, naalala ko na naman kasi si Rain and feeling dad's warm voice made me miss that jerkface! Kaya sumubsob na naman ako sa leeg nya at umiyak ng mas malakas.

My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon