Rain
Early in the morning ay mabilis akong naghanda for school kasi may due ako today and marami pa akong gagawin kasi nga graduating na and i need to make sure na i will pass my thesis defense on Wednesday. Inextend naman ni Mr. Chen yung project na pinapagawa nya, at least after my graduation daw ay i could start na kaya sobrang saya ko when he considered my request, kinausap siguro ni Arch't. Seb.
"Oy Rain, sabi ni Gretchen nagkamali ka daw sa calculations mo kaya pinasabi nya sakin para daw malaman mo dahil baka yun daw bagsakan mo sa defense natin." Si Gia
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, naloko na!
"Talaga? Sige sige rereview ko mamaya pagkatapos ko magpass ng plate ko. Salamat Gi ah!"
"Naku wala yun. Tsaka si Gretchen dapat mo pasalamatan, sige mauna na ako hah! Wala pa kasi akong tulog, hahaha!"
"Oh sige. Salamat ulit!"
Damn! Ito na nga bang sinasabi ko eh, masyado akong nagpabaya. Buti na lang napansin ni Gretch dahil kung hindi baka di pa ako makagraduate. Amputa naman! Dapat ireview ko na mga plates ko mamaya, lahat ng yun! Matapos kong asikasuhin ang ibang plates ko ay medyo nakahinga na ako, thesis ko na lang talaga ang kulang.
Nagmadali akong pumunta ng office ni Arch't. Seb para e present ko sa kanya yung thesis ko kasi nga sya yung napili kong adviser and consultant ko. Buti at nanjan sya kasi di ko naman makulit yung ate ko dahil masyado syang busy sa mga projects nya. Good thing tinutulongan din ako ni Ritchie.
Nagdrive na ako papuntang office since nagdala naman na ako ng sasakyan kasi dala-dala ko yung model ko.
Narinig ko ang palakpakan nilang lahat matapos kong mag present. Ang lapad ng ngiti ko nong makitang nagustohan naman nila yung ginawa ko pati mga sagot ko sa tanong nila. Hay naku, andami naman kasi ng andito sa conference room mukhang inimbitahan ata nila lahat ng staff sa opisina pati maintenance engineer namin andito tsaka electrician. Mababaliw ako sa boss ko kasi lahat sila ay binigyan nya ng rights to question me halos malanta nga ako sa mga tanong nila eh. Mahigit sampu kasi kaming andito. I really hope that this would pay off kasi ayokong mabaliwala ang effort ng mga taong nandito who was supporting me through this.
"Well, that was explicit. And i think you're ready for this, right people?" Arch't. Seb said at hinarap pa nya yung mga tao
"Yes sir!!!" Yan ang sabay na sagot nilang lahat
Naiiyak na talaga ako kasi ang alam ko ay i already did my very best just to get this presentation close to perfection.
They all said good luck to me at nagpasalamat naman ako sa kanilang lahat ng magsibalikan na sila sa trabaho nila. Shit! Pag ito pumalpak pa, ewan ko na lang talaga! Ayoko namang bigoin silang lahat lalo na ang Mom ko. She's really expecting for me to graduate this year. Hooo! Kaya ko to!
Nagpaalam na muna ako sa kanilang lahat dahil pahinga na muna kasi ako until my defense on Wednesday. Uuwi na muna ako sa bahay namin at don na lang muna ako to gain more strength and confidence. Ayoko muna mag-isip ng kahit ano maliban sa studies ko. Pagkatapos ng lahat ng ito ay tsaka ko muna poproblemahin ang mga naiwan kong unfinished businesses.
Defense day...
Ngayon na nga ang hinihintay ng lahat. I have received a lot of good lucks from everyone tsaka nagsimba at pinagtirik ko pa talaga ng kandila ang araw na ito.
Lahat kaming 5th year na may defense ngayon ay naka corporate attire. I am on my black suite habang ang panloob ko ay black polo then suspenders and leather shoes.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.