12...

79 5 0
                                    

Ang sakit ng ulo at mata ko. Siguro dahil sa kakaiyak ko kagabi. Tsk!



Babangon sana ako ng may marinig akong umungol. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nakita ko na lang ang isang Jane na mahimbing na natutulog habang nakayakap sakin. Hindi ko maalala kung bakit kami magkatabing natutulog. Pinagmasdan ko ang maamo nyang muka at wala sa oras akong napangiti ng nalukot yung kabilang side ng ilong nya. Ang cute.




Haaah! Bakit ba naaattract na naman ako sa alindog nya? Nakakainis ka na Rain!




Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin pero bigla nya akong hinila sa braso at napaharap ako sa kanya.



"San ka pupunta? You're not going anywhere." Maotoridad ang pagkasambit nya kaya napakunot ang noo ko.




Ano na naman ba 'to? Kung ginawa nya to dati baka naglupasay na ako sa kilig pero hindi ngayon.



"Magsi-cr ako kaya bitiwan mo 'ko Jane." Pinagmasdan nya ako ng maigi na para bang she's trying to confirm kung totoo ang sinabi ko.




Agad akong tumayo ng bitawan nya ang pagkakahawak sakin. Nagpunta ako ng banyo at ginawa ang dapat kong gawin trying to set aside what Jane was acting right now. Ang gulo nya kahit kailan! Paglabas ko ay nadatnan ko syang nakaupo sa gilid ng kama at tinatalian ang buhok. Hinayaan ko lang sya tsaka ako nagbihis ng top at akmang lalabas ng maramdaman ko na namang pinigilan nya ako sa braso.



"What now, Jane?" Nakakainis na hah! Kung di ko lang sya gusto sinuntok ko na talaga sya! Wala ako sa mood ngayon!


"San ka pupunta?" Kunot noong tanong nya.




"May pupuntahan lang ako."



"San? Sa Hannah na yun? Para san? Para mabugbog ka na naman ng boyfriend nya? Lorraine, ano bang naiisip mo at parati ka na lang naiinvolve sa mga babaeng may boyfriend na?" Asik pa nya, humihingal syang pumikit ng mariin.





"Wala akong ginagawang masama, okay!"




"Wala? Eh ano pala yung ginagawa mo? Just simply dating and flirting with them?" She laughed sarcastically kaya napikon ako.





"Hindi ako nakikipag flirt sa kanila! They are my friends okay!? I admit i met them from blind dates but that's just it, we became friends and that's all! Hindi ko naman alam na may mga karelasyon sila!" I feel so fired up from what she said na para bang nakikipaglandian ako sa mga may kalaguyo na. "Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko ang mang-agaw ng karelasyon dahil bata pa lang ako nakita ko ang epekto non sa isang taong naagawan! Do i really look so stupid for you to think na magagawa ko ang bagay na yun? For fuck's sake! Hindi mo pa ako kilala kaya wala kang karapatang pag-isipan at pagsabihan ako ng ganyan! Wala kang alam." Mariin ko syang dinuro sa gitna ng dibdib. Nag-iinit ang gilid ng mata ko and the last thing i know ay nag-uunahan na sa pag patak ang luha ko.





Hindi ko na kasi alam ang mararamdaman ko. Aminin ko, nasaktan ako sa sinabi nya sakin. Tsaka napufrustrate na din kasi ako sa kanya kasi ang gulo nya masyado. She keeps on ignoring and avoiding me at ngayon naman pinipigilan nya akong lumayo sa kanya. Ano ba talaga?! Di ko na alam kung san lulugar. Mas baliw pa ata sya sakin eh!





"Then stay."




Nabingi ata ako ng muli syang magsalita. Di ko alam kung nagpintig lang ang tenga ko o ilusyon ko lang yun. Kaya kunot noo akong nakatingin sa kanya.





"Stay... Right here. Dito sa tabi ko. Gusto ko sa tabi lang kita, wala kang ibang pupuntahan at hahanapin. I want you to only stay by my side and spend all your time with me." Nabigla pa ako ng makitang kunot ang noo nya pero nag-uunahan naman ang mga luha nya.





My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon