19...

54 3 0
                                    

Rain


Nakikipag-usap lang ako sa dalawa ng may kumalabit sakin at pagharap ko ay napangiti ako. Binati sya ng mga bata at nakangiti din nya itong binati. Mas natuwa pa ang mga pinsan ko ng binigay nya dito ang paper bags na dala nya. Nakangiti din syang bumati kay tita at nag-usap pa sila saglit.




"Tapos na ba duty mo?"



"Yeah, kakatapos lang. Dumaan lang talaga ako dito para makita ko rin sila."


Nakakatuwa kasi concern din sya sa welfare ng mga kamag-anak ko.



Pakasalan ko na kaya sya? Hahaha! Yun ay kung papayag sya!



"Kanina ka pa ba dito?"


"Hindi naman masyado."


Napapout syang tatango-tango.


Namiss ko sya.


Akala ko ay makikipag-usap pa sya sakin ng lumapit sya kay tita at mukang may itinanong pa sya dito kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa dalawa. Pero naiinip na ako at kating kati na talaga akong masolo sya kaya ng makita kong nakikipagkulitan sya kay Louie ay nilabas ko na ang psp at isang phone ko at pinaglaro muna ang dalawa. She was looking at me, confused of what i did. Nagpaalam na muna ako kay tita at hinila sya palabas ng kwarto.



"What are you doing?"


"Uhm, kinakaladkad ka po." Natatawang saad ko like it was the most obvious thing in the world.


"Sapakin kaya kita?" Eeiii, ayan na naman sya sa mga panakot nya!


"Hon naman ei, gusto lang po kitang masolo, okay?" Taas baba ang mga kilay ko na nakatingin sa kanya at natawa lang sya sakin.


Nagpunta kaming garden kung san may mga cottage kaya nagpunta kami sa walang taong cottage. Ngayon ko lang napansin na may dala pala syang backpack at ang buhok nya ay nakaponytail na rin, wala na yung cap nya.



Ganda talaga ng misis ko! Hahaha!



"Alam mo, ang kulit mo na naman." Nangigigil nyang pinisil ang pisngi ko kaya panay na naman ang reklamo ko.


"Hon naman eh! Wag ang pisngi ko...masakit." Ang sakit kasi talaga!


"Haha sorry." Ngiting-ngiti nyang hinalikan ang pisngi ko kaya nagpipigil na naman ako ng kilig.



She can be so sweet and clingy sometimes. And i really love it. Pero mas gusto ko pag kaming dalawa lang kasi she seem so comfortable to me na minsan pag magbabasa kami pareho ng libro ay nakakandong sya at nakasandal sakin. Gustong-gusto nyang nasa ibabaw ng puson nya ang kamay ko palagi. Aba syempre, okay na okay sakin...syempre free tsansing narin. Hahaha!



"Kumain ka na ba?" Haiss! Ayan na naman yang million dollar question nya. "Hindi pa noh?!"



Hindi ako nakasagot at napailing-iling lang sya. Hinubad nya yung backpack nya at may nilabas na paper bag.




"Here, i bought some snacks kanina dahil sigurado akong di ka na naman kakain pag pupunta ka dito. Tsk!" Nahihiya kong tinanggap ang food at nilapag ito sa mesa.



"Pasensya ka na hon hah? Nakalimutan ko lang talaga." Naramdaman ko na lang ang pagkurot nya sakin. "Aray naman!"



"Palalagpasin ko ito kasi alam ko namang marami kang inaalala! Pero pag inulit mo pa 'to, malilintikan ka talaga sakin!"




My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon