29...

69 5 0
                                    




Mabilis lumipas ang mga araw.





Heto ako't naghihintay sa paglabas ni Rain sa banyo, antagal kasing maligo dinaig pa akong masmahaba yung buhok. Kala mo ilang linggong hindi nakaligo.





It's weekend at plano naming bisitahin yung family nya, request na rin nina lolo at lola nya. Nakakahiya pa kasi sila pa talaga itong tumawag sakin para mangamusta, medyot nagulat ako at napangiti na rin ng sabihin nila ang pakay. Nagtatampo na pala ang mga ito kasi matagal na daw nilang sinabihan si Rain na bumisita kami sa kanila pero yung magaling nilang apo ay sadyang mas matanda pa sa kanila dahil nakalimutan pala nya ng sabihan ko sya. Nahampas ko talaga sya kahapon, kainis eh! The last weekends kasi ay nasa bahay lang kami at nagkukulitan lang dahil wala na kaming maisipang puntahan tsaka pareho din kaming tinatamad magpuntang mall.





"Hon! Ano bah!? Lalangawin na ako dito di ka parin lumalabas dyan!" Ang tagal!






Natatawa akong pinagmasdan sya pagbukas ng pinto ng banyo. Nagbibihis na pala sya sa loob, akala ko kasi ay naliligo parin sya, ang sama tuloy ng tingin nya sakin. Hahaha! Mukang minadali nya ang pagbibihis kasi halos gusot-gusot na yung polo nya dahil di pa nya ito naaayos sa pagkatuck-in. Tsaka, pinagpapawisan na din ito ng sobra.




"Don't look at me like that." Ngingiti-ngiting saad ko at lumapit sa kanya.



"Ikaw, di ako makapagbihis ng maayos dahil sa kakasigaw mo." Maktol nya kaya natawa ako.





"Tagal mo naman kasi tsaka akala ko di ka pa nakakapagbihis."





Inayos ko na lang yung pagkakatuck in ng polo nya, kinalas ko muna yung belt nya at inayusan sya. Para pa syang bata na nagmamaktol kaya sinasamaan ko sya ng tingin from time to time dahil ang likot nya. Habang inaayos ko yung kuwelyo nya ay nakapulupot na naman yung mga kamay nya sakin. Pinapalo ko sya minsan pag bumababa pa mga ito. Ang likot talaga! Pagkatapos ay bumaba na kami at nakita pa namin sina dad na nagkakape sa living.





"Going somewhere?" Nakangiti nitong tanong.



"Yes dad, punta po kami sa bahay ng grandparents ni Rain."



Napa-oh lang ito at tumango kaya nagpaalam na kami kina mommy at umalis na.





Nakangiti lang kami pareho habang nasabyahe. Pag nag-stop ay lilingon sakin si Rain only to smile at me at panay din ang pambobola, gandang-ganda daw sakin ang loko. San ka pa? She's just being her sweet self again that's why i couldn't stop giggling with her sweet remarks on me. Naaaliw din naman kasi ako at kinikilig din sa mga pinagsasabi nya. Baliw talaga sya. Kaya kinuha ko ang isang kamay nya at pinagsiklop ang mga palad namin at hinalikan ko ang likod nito, nakangiti kong nilapag ang magkahawak naming kamay sa lap ko. Pareho na kami ngayong ang lalapad ng ngiti. Muka kaming mga timang.




Rain and i have went through ups and downs now and here we are, we've been together for a year and a month. This is the best feeling that i have ever felt so far, her with me.




Ang daming nangyari sa isang taon na iyon, we fought, argued about stuffs, maraming selosan at tampohan, iyakan sampalan at syempre tawanan. Di ko maimagine kung pano namin na kayanan ang mga iyon, we were just too caught up of being on each other's arms. Maybe that constant making love really helped.






Di ko mapigilang mapangiti sa alaala na tumatakbo sa isipan ko. Those times na patago nya akong hinahaplos kung saan-saan sa katawan ko kahit na may ibang kasama kami tsaka nasa public, those quickies we had on a public cr, sa kitchen habang nasa sala lang yung friends namin, sa laundry, sa kotse nya at kung san pa pag tinotopak sya ng kamanyakan. Di ko naman kasi sya mahindian dahil sa totoo ay nag-iinit din ako pag inumpisahan nya. I couldn't deny the fact na sobrang init namin sa isa't isa, kaya siguro may nangyayari samin kung saan-saan na lang, good thing she's really good in timing. Di pa naman kami nabibisto, hahaha!





My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon