....
"Bata, sabay na tayong pumunta sa site. Meron din akong gustong e discuss on our way there."
"Sige po."
Sabay kaming pumasok sa kotse nya like he said ay seryoso kaming nag-usap tungkol sa development for a hospital. Meron kasing project si Arch't. Seb na ospital daw ng friend nya. May nabanggit lang syang mga complications and things to be changed daw na inatas nya sakin to check and see kung ano ang magagawa and needed gawin. Oha! Daig ko pa intern sa trabaho ko. Buti na lang talaga at katatapos lang ng semi-fi namin kaya free ako to help. Pagbaba namin ay saka ko lang narealize kung sang ospital kami pupunta, it was the one kung san nanganak si tita kaya ganun-ganun na lang bumilis ang takbo ng puso ko. Excited ako na kinakabahan by the anticipation of seeing Jane but then i remember malaki pala ang ospital na ito kaya maliit ang chances na makikita ko sya.
Sana naman!
Anyways, it's been a week na din nung huli ko syang makausap after what happened sa bahay nya. Hay! Nakakadissapoint yung ginawa ko, i lost my cool sa harap nya just because of that asshole! Hindi ko na nagawang ipaalam sa cousin ko about sa nangyari since di na rin naman nagpaparamdam ito sa kanila since that day. Buti naman dahil baka di ko mapigilan ang sarili kong ipaligpit ang tarantadong yun. Ang kapal lang talaga, ang ganda-ganda ng porma pag iba ang kasama eh ni hindi nga makatulong sa gawaing bahay. Wala pang trabaho ang lakas magdemand ng kung anu-ano sa parents ng cousin ko.
I wonder kung ano na nangyari kay Jane after that day. From everything na nakita at narinig nya, i hope she was coping up alright. Isa pa yun eh, mas nag-alab ang galit ko dahil pati sya naloko ng gagong yun.
Pagpasok namin sa ospital ay diretso agad kami sa isang conference room mula sa main building ng hospital. Sa loob ay may babaeng nakacorporate attire na nakatayo sa tabi ng mahabang table at sa gilid nito ay isang lalaki na mukhang on his 30's na busy sa kaharap nitong mga papers.
"Good morning miss beautiful." mabilis na niyakap ni Arch't. ang babae na mukhang naiinis na sa biglaang pag-aakap nya dito
One of this days magsisisi talaga ang taong to pag may isang taong maglalakas loob na bayagan sya. Hahaha
"Mr. Altamirano, nagkita na naman tayo." sabi pa nito with that disappointed tone
nagpag-pag pa ang babae ng makawala ito sa bahagyang tumatawa na lalaki.
"Oh com'on Rima."
"Arch't. Seb, pag ikaw hindi umayos jan baka paglalamayan ka na bukas dahil sa kakakulit mo jan sa sekretarya ko." iiling na ngayong nagsalita ang isa pang lalaki
Tumayo ito sa kinauupoan at napamangha ako sa taglay nyang presence. Mukha syang kagalang-galang na tao with the way he bring his clothes and ang mga galaw nya ay may kumpas na wari'y planado na ito simula't sapul.
"Hahaha! Sorry Mr. Chen. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Rima, you're just too irresistible at di ko mapigil ang hindi ka makausap o mahawakan man lamang." ang corny talaga ng boss kong 'to my god! Inirapan tuloy sya ng babae
"Ewan ko sayong bata ka. Anyways, we came here for business."
This time ay seryoso na ang aurang bumbalot sa aming lahat. Tsaka ko lang nalaman na si Mr. Chen pala ang CEO ng MaryLand Medical Hospital after sya ipakilala sakin ni boss and also his pinsan na nakakatanda.
"So as i was saying, i am recommending this kid for the project since di ko na masyadong mapagtutuonan ng pansin ito. As much as i want to handle this ay di ko na talaga kakayanin."
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.