8...

75 4 0
                                    

Rain




Nagdaan ang mga araw ay mas naging focus ako sa paggawa ng project ko. I was more determined right now kesa sa dati. Nagtatrabaho na ako ngayon hanggang gabi na minsan nga ay nakakauwi na ako ng alas dos ng madaling araw. I'm trying to keep my attention sa ginagawa kong trabaho ngayon kasi ayoko ng patagalin pa ito, gusto ko ng wala ng iba pang inaalala pa kundi ang pagrireview and my licensure. Gusto ko mang pagtuonan din ng pansin itong nararamdaman ko para kay Jane ay naiisip ko din parati yung mga sinabi nya.


Di ko alam kung yun ang way nya ng pagreject sakin indirectly. That really hurt a lot tho.

Kasi naman, ano bang tae ang nakain ko't sinabi ko sa kanya ang mga katagang iyon? I must have sounded so conceited. Baka kaya inakala nyang nagbibiro lang ako dahil sa pagkarandom ng sinabi ko out of whim.



Urrgghh! Ang laki ko naman talagang bobo!



Inayos ko na lang yung mga gamit ko at pinasok sa back pack ko. Titignan ko na lang muna ang lot and surrounding ulit para wala na akong makaligtaan pang factors. Three days from now ay kailangan ko nang magreport ng progress sa ginagawa ko kay Arch't. Seb. Ayokong isipin nyang simpleng bagay lang ay di ko magawa.


Dahil sa pagod at puyat ko di na ako nakaligo ngayong araw, hahaha! Kaya heto nag khaki shorts at lazy sweater lang ako habang naka back pack at panay cellphone.


Kasi may app din akong ginagamit para sa paggawa din ng plan. Kaya madali lang ang pagpa-plot ko kasi marami akong mga notes na nagagawa with just my gadgets. Buti na lang talaga kasi baka magmuka akong oa na nagdadala ng libro at notebook sa pagtetake notes ko. Buti na yun ganito para kahit nakatayo ako ay okay lang. Pag-uwi naman ay pini-print out ko ang mga nalakap kong notes para di na ako scroll ng scroll.


Andito lang ako sa bridge nakatayo where pinagdudugtong nito ang pedia ward at OB ward. Nasa third floor lang naman kaya di gaanong mataas and dito rin ay nakikita ko ang lote na pagtatayuan ng isa pang gusali.

Habang busy ako ay narinig ko na lang ang pagkalam ng sikmura ko kaya napahinga ako ng malalim at itinago muna ang phone ko. Ala una na pala, di ko man lang napansin dahil sa dami ng iniisip at ginagawa ko. Bigla naman nagring ang phone ko.




Julie Calling...


"Oh?"

"San ka?"

"Asa hospital, bakit?"


Antamlay ko talaga ngayon kasi parang gusto ko ng matulog pero di pwede kasi may due ako 3 days from now.


"Anong ward?"

"Hmm? Sa pedia ward ako ngayon-..."

Ang bruha bigla na lang akong pinatayan ng phone. Tsk! Ng makita ko ang nurse station nila ay nadismaya naman ako ng makitang wala si Jane kahit si Anne. Three days ko ng di siya nakikita o nakakausap. Kasi kong magtitext ako or tatawag iniisnob lang nya. Mukang iniiwasan na naman nya ako.


Nakakainis na nga eh.


Kapag talaga nakahinga ako sa project na 'to kakaladkarin ko sya't itatakbo kahit saan para masolo ko sya. Hihihi


"Mylabs!"


"Julie? Ano gawa mo dito?"

Lumapit sya sakin habang ngiting-ngiti at may dala din syang paper bag.


"Hahaha! Kaya di ka sineseryoso ng nililigawan mo eh, tignan mo nga yang itsura mo. Para ka na namang college cutie na nagpapacute. Daig mo pa koreano sa get-up mo." Tatawa tawa nyang nilait ang suot ko kaya sinakal ko sya



My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon