9...

64 4 0
                                    

Rain



Arrggh! Di na naman ako nakatulog kagabi! Ang sakit ng mata at ulo ko pero i feel so hyper today. Ngayon ang presentation ko with Arch't. Seb para e correct if meron akong namiss out. I'm really eager to finish this project para makidnap ko na ang babaeng sinasaktan ako ng ganito ngayon.


I can't deny the fact na nasaktan talaga ako when she dodge all my questions sa kanya kagabi. Ang sakit! Tangna! Pero di ko naman sya masisisi kasi wala naman syang kinalaman sa pagkakaroon ko ng feelings para sa kanya. Nababaliw na nga ata ako. Biroin nyo naman, di pa nga ako direktang nagconfess basted na agad ako. Ang saklap!




Dahil umaga ang sched namin ay maaga akong nagpunta sa ospital dala-dala ang tube ko kung san nakalagay ang mga plans na e-pri-present ko. Sa ngayon kasi ay pupunta kami sa site para daw malaman at makita din nya ang surrounding. Kaya ng makarating kami sa lote ay umpisa agad kami, walang kulitan, seryosong pag-uusap ang nangyari habang kinokwestyon nya ang nasa plano ko.




Nakahinga ako ng maluwag ng dinagukan nya ako matapos namin magdiscuss.



"Ayos ka bata ah! Akala ko kailangan na naman kitang pagalitan para sa poor performance mo!"



Dahil sa nahihiya pa ako sa nangyari nung una ay ngumiti na lang ako at di na nagsalita pa. At least for now ay nakuha ko din.



"Anyway, wag ka munang maging kampante. You still have to present that to the board members next week. You need to be more precise and consistent too. Pwes napagdaanan mo na naman ito like your final thesis, right?" Tumango ako at nag-umpisa na kaming maglakad. "Ganon lang naman. Relax ka lang pag nagpresent ka, okay? Kasi pag nakita ka nilang tensionado at kinakabahan lalo ka nilang pahihirapan. In this kind of industry, you need to learn how to set aside your emotions and pride kasi pagpasok mo sa kwartong iyon ay para ka lang magtuturo sa mga matandang walang muwang. They can be very manipulative sometimes but i think you'll be fine. And wala kang dapat ikabahala andun din naman ako eh, dahil ako naman ang magpipirma nyang design mo. Ngayon palang nai-stress na ako."



Pareho kaming natawa at pailing-iling naman akong sinundan sya papuntang parking lot. May lakad daw sya. Nagpa-iwan na lang ako kasi lunch na din tsaka pinabaunan ako ni Julie kanina ng lunch, para daw pampagood vibes. Pano, Japanese cuisine ang trip nya ngayon kaya eto ang baunan ko nakabalot sa isang satin cloth. Para akong tanga pagkapasok ko sa pantry.



Nasa harap ko ngayon ang dalawang baunan na puno ng pagkain. Natakam naman ako kasi andami tsaka iba't ibang klase ang nasa baunan. Ng biglang mag ring ang phone ko.



Jenny Calling...


"Hello?"

Ang lapad ng ngiti ko ng marinig kong may nagtatalo sa kabilang linya and nalaman kong magkakasama pala silang apat.


"Lorraine!" Alam kong si Luis yung sumigaw.


"Oy Lu!" Mukang nakaloud speaker ako ah.



"Wag mo nga akong inuunahan!" I think that was Julie


"Juls, ang oa mo! Binati lang eh!" -boses ni Clint


"Amputa nyo, umalis nga kayo jan!" Mukang pinagtutulongan na naman nila si bubwit.


"Rain, jan ka pa?"


"Oy Jen, mukang nagkakasiyahan kayo jan ah. Hahaha" rinig na rinig ko pa rin yung pagtatalo ng tatlo


"Ang gulo nga eh. Kanina pa tong mga to, nanggugulo na naman dito sa office." Tawa lang ako ng tawa



My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon