May mga bagay na di natin kayang palitan, at may mga pagkakataon na di natin kayang balikan.
Mahirap pala ang mawalan...
Minsan, nakakalungkot pag di natin ito kayang pagmasdang maglaho- pero mas masakit pag di natin ito matanggap. Walang makakapagsabi kung hanggang kailan ang itatagal ng bawat bagay at tao sa buhay natin. Kadalasan, anjan sila para tayo'y samahan pero mas madalas anjan sila para umalis at tayo'y tuloyang iwan.
There will be times where we will be left with no choice at nakakapanghina.
I wanted to fight -but how? Ano bang pwede kong gawin para hindi maiwan?
Medyo nakakahiya din kasing sumama.
"Arch't."
Nag angat ako ng tingin when i heard Lisa's voice, may dala itong folders at halata ding nag-aalangan itong lumapit sa table ko.
"Ah, Lis?" Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Pinapabigay lang po ni Ms. Yllana."
Inabot ko iyon at saglit na tinignan.
"Uh, sige Lis salamat." Pag dismiss ko sa kanya.
Pero mga ilang sandali pa ata ng maramdaman kong naiilang itong nakatayo parin sa gitna ng aking opisina. Kaya naman napakunot ako ng noo, napapakamot siya sa sentido so naisipan kong sumulyap sa relo ko only to laugh a little.
Kaya naman pala...
"You can go home Lis."
"Ngee, pano kayo?"
"Don't mind me, wala lang akong magawa sa bahay kaya magtatagal ako dito. Tsaka, dapat ay nauna ka nang umuwi kanina pa tapos duty mo oh." Naiiling na lang ako.
Kahit naman alam kong ako mikasalanan. Dahil kahit siguro ako ay mahihiyang gawin yun, ni isang beses nga ay di ko pa iyon nagawa nong ako iyong asa katayuan nya. Well, remembering Arch't. Seb that time ay di din naman talaga nangyaring tumagal ang taong yun sa opisina nya kaya di ako naoover work noong ako ay nag-aapprentice pa lang. He can be a handful sometimes pero i can't deny how efficient he is in his work kaya kahit papano ay andun parin ang bilib ko sa kanya -sa trabaho.
Dahil halatang nahihiya pa itong kasama ko ay kahit ako'y nag alsa balutan na din. Sabay na kaming lumabas ng building. Aalokin ko na nga sana syang sumabay sakin pero napangisi na lang ako ng makita iyong nobya nyang nag-aantay pala dito sa labas.
"Ehem!" Nasiko ko siya ng mahina kaya nahihiya itong napalingon sakin. Iyong kilay ko taas baba na bago ulit mag salita. "Sana all!" Sabay tawa palayo sa kanya.
Medyo nahiya naman daw ako sa batang iyon! Ganda kasi talaga ng nobya nya at ehem! Sexy din! Hahaha! Ang alam ko ay nagtuturo iyon sa unibersidad nila even before they met each other. Medyo nakakakilig pa nga nong malaman ko mismo estorya nila mula sa kanya eh... magkasama kami non para mag site viewing sa Norte mga 3 araw din yun kaya naman ay nagkaroon din kami ng time para magbonding dalawa.
Medyo nakakainggit nga eh, pero pilit kong pinapaniwala ang sarili kong okay lang. Masyado na nga ata akong naging in denial after what I've been through.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.