14...

77 4 0
                                    

Jane


Tinatapos ko lang ang rounds ko for today's shift ng makasalubong ko si Vince. After that fight with Rain sa resto ay nakapagdesisyon akong patigilin na si Vince sa panliligaw nya. Kasi from the first place ay di ko naman talaga sya gustong payagan but i wasn't able to say no. Pero when he lied to me about seeing Rain sa Mall ay ito ang nagpush sakin. Yung pinaka ayoko kasi sa lahat ay harap-harapan akong niloloko. I didn't like what he did dahil sa kanya ay nagalit ako kay Rain at napagbuhatan ko pa ito ng kamay na sobrang pinagsisihan ko. Buti na lang at nagawa pa nya akong patawarin.





"Jane, para sayo. I'm really sorry for what i did." Nilahad nya sakin ang isang bouquet ng flowers pero di ko tinanggap yun at cold syang tinignan.



"Vince, nasa duty ako- kung pwede lang. Tsaka tigilan mo na rin sana ako. Sige..." Nilagpasan ko sya at nagpatuloy sa ginagawa ko.





He's been trying to persuade me na ikinaiinis ko na ng sobra. Kasi ang kulit-kulit nya! Buti sana kung natutuwa ako sa pangungulit nya pero hindi eh. Dahil hindi naman sya si Rain. Si Rain lang ang gusto kong nangungulit sakin, kahit na napipikon ako dun minsan ay alam ko sa loob kong natutuwa ako dahil nasakin lang ang attention nya.



Nagmamadali akong lumabas ng ospital dahil susundoin daw kami ni Anne nina Clint at Jen. Diretso na kasi kami sa bahay nila para makaprepare na sa surprise celebration namin for Rain. Ngayon kasi lumabas ang result ng exam nya and I'm really happy and proud para sa kanya kasi nakapasa sya. At hindi pa nya alam. Hindi kasi namin sya pinagamit ng gadgets today and nasakin din yung phone nya, hehehe. Pinagbawal sya nina Jen na humawak sa mga computer or anything na makakakuha sya ng information about her exam. Nagmamaktol pa nga yun ng kunin ko rin ang cp nya eh, just to make sure lang naman. I'm sure matutuwa sya mamaya pagnalaman nyang nakapasa sya. Excited na nga ako eh, sa sobrang excitement ay iniwan ko na si Anne at naunang lumabas. Hahaha!





"Jane!"




Akala ko kung sinong tumawag sakin pero pagharap ko ay bumangon agad ang inis ko. Ano na naman ba? Hindi ba talaga nya naiintindihan yung sinabi ko kanina?




"Jane hatid na kita." Medyo nahihingal pa sya pagkalapit sa kinatatayoan ko.




"Hindi na Vince, salamat." I politely declined. Kahit papano naman ay he became a great friend parin sakin.




"Sige na Jane. Please, gusto ko lang talaga makabawi sa nagawa ko." Pamimilit pa nya.




"Vince wala na yun. Okay lang, nangyari na rin naman kaya di mo kailangang gawin to." Pero mukang di talaga sya titigil. "Tsaka may hinihintay pa ako kaya mauna ka na."




"Sinong hinihintay mo? Si Anne ba? Okay, let's wait for her." Urrghh!! Jusko, ano bang gagawin ko sa lalaking 'toh?




"Babe!"




Pareho kaming napalinga ni Vince sa sumigaw at napakunot ang noo ko ng makitang papalapit samin si Clint with that usual mayabang smile he have. Babe? Sino, ako ba? Adik ba sya? Siguradong mabubugbog sya ni Rain pag nalaman nyang tinawag nya akong babe. Kilala namin pareho ang dugyot na yun, magseselos na naman yun sigurado.





"Babe, sorry. Kanina ka pa bang naghihintay?" Tanong ni Clint. Nagugulohan ako sa pinagsasabi nya tsaka nagugulohan ding napatingin si Vince sakin.




I gave Clint a what-are-you-doing look and he just smiled at me tsaka bumeso at narinig ko pa syang bumulong ng 'Makisakay ka na lang'. Napabaling naman ang tingin ko ngayon sa isang banda at nakita ko pang nagthumbs up si Jenny sa direksyon ko.




My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon