18...

66 3 0
                                    


Jane




Urgh! Nakakabwesit talaga ang taong yun! Di nya sinasagot ang tawag ko, kainis! Kanina ko pa sya tinatawagan pero ni isa wala syang sinagot! Ni hindi nga nag-abalang magtext man lang sakin! Lagot talaga sya sakin mamaya!





(a/n: di ko talaga sure bakit laging gigil ang babaeng to sa jowa nya.😅)






"Bes! Nakasalubong na naman yang kilay mo!"




"Eh kasi, si Rain hindi sumasagot sa tawag ko! Kanina ko pa sya kinokontak! Malilintikan talaga sakin yung lokong yun."




"Ang oa mo! Baka naman busy lang yung tao?" I hissed at her tsaka inayos ang mga records.



"Busy!? Eh tinawagan ko ang opisina nya kanina ang sabi wala sya at walang nakakaalam kung nasan ang Rain na yun!" Halos ibagsak ko lahat ng mahawakan ko sa inis!



Halo-halo ang nararamdaman ko. Inis at pag-aalala. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya ngayon. Ni text wala syang sinend para man lang maibsan ang pag-aalala ko. Nakakabwesit na ewan!




"Oh, kalma lang friend! Baka may emergency or something!"




"Tsk! Nag-aalala lang naman ako bes. Wala akong kaalam-alam kung asan sya ngayon, okay lang ba sya, anong ginagawa nya? God! This is driving me crazy! Di man lang nya naisip na may taong nag-aalala sa kanya!" Parang gusto ko na lang maiyak sa inis sa kanya.





"Tsk! Yaan mo, magpaparamdam din yun maya-maya." Sabay tapik ng balikat ko. "Kumalma ka lang, okay?"





Ano pa nga bang magagawa ko?





Naglalakad na kami ni Anne palabas ng bigla namang mag ring ang phone ko.





Tita Alice Calling...




Ang mom ni Rain! Bakit kaya sya napatawag?





"Hello, tita?"




"Oh Jane, hija. Buti at sinagot mo, may balita ka na ba kay Rain?" Huh?





"Wala po eh. Tinatawagan ko po sya kanina pang umaga pero di naman sumasagot, bakit ano po bang nangyari?" Bigla akong kinabahan kasi bakas ang pag-aalala sa boses nya.




"Hindi nya sinabi sayo?! Naku, hindi ko rin alam eh! Tinawagan lang ako ng kapatid ko na nasa ospital daw sila Rain, sa emergency ata."




Nanlalamig ang katawan ko sa takot at kaba. Ano ang ginagawa ni Rain sa emergency? Bakit di nya sinabi sakin?




"T-tita, wala po syang nabanggit sakin. Ni hindi ko nga po sya nakausap ngayon." Hindi ako mapakali at nag-aalala na rin si Anne na pinagmamasdan ako.




"Ganun ba? Pasaway talaga ang batang yun, kanina pa ako nag-aalala kung ano na ang nangyayari. Akala ko nagsabi sayo kaya kita tinawagan."



"Uhm tita, sa pinagtatrabahoan ko naman po sila nagpunta diba?"



"Oo, hija."




"Sige po, pupuntahan ko po para malaman kung ano ang nangyari. Tawagan ko na lang po kayo pag nakita ko sya."



Hinila ko si Anne with me sa ibang direksyon papuntang emergency.




My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon