JaneHapong hapo akong nag-ayos ng mga gamit sa mesa ko kasi malapit na ang out ko.
Matapos ang lunch namin kanina ay hindi na ako kinausap ulit ni Rain at nauna na itong magpaalam sakin tsaka kay Anne. Ni hindi nya pinansin si Vince at harap-harapan itong dinedma.
Ang bigat ng pakiramdam kong pumasok sa ospital habang sinusubokan na naman akong kulitin ni Vince. Iritang-irita na ako sa kanya kaya nag walk out talaga ako sa pagkainis.
"Bes, tama na yang drama mo at umuwi na tayo." Isang malamyang tango lang ang sinagot ko sa kanya.
Anne has been trying to cheer me up kanina pa pero di talaga tumatalab. My mind is still wondering about Rain. Sya lang ang nasa isip ko maghapon.
"Bes! Yaan mo na muna yun, let her have some time para makapag-isip at makapagrelax. She'll come around I'm sure."
Tipid akong ngumiti.
"Siguradong pag-aawayan na naman namin 'toh." Napahilamos ako sa muka ko.
"Sos! Madali lang yan friend."
I curiously looked at her at ang lapad ng ngiti nya sakin.
"Friend ang madaling gawin para mapaamo ang asawa, dinadaan yan sa kama."
"Aray!" Nakakainis din 'tong babaeng 'to eh!
"Alam mo, ke babae mong tao napakabastos nyang nasa utak mo."
"Ano ka, totoo kaya yan. Yan kaya sinabi ni mama sakin." Nakabusangot ngayon ang muka nya kaya natawa ako.
Kahit papano ay nawala saglit ang inaalala ko.
"Buti naman at ngumiti ka rin! Kaloka, halatang halata ka na patay na patay ka sa kamandag ni Rain."
"Tsk! Di kaya! Di mo naman kasi alam kung pano nya ako inaaway pag nagtatampo yun."
"Oh problema ba yan, edi awayin mo rin!"
"Tongek!" Sabay kutos ko sa kanya. Tinawanan lang naman nya ako.
"Oh... Ayan na naman ang masugid mong suitor." Tatawa-tawa nyang sabi kaya napayingin ako sa tinitignan nya.
"Urgh! Bes, makakasapak talaga ako ng lalaki ngayon." Palapit na naman kasi samin si Vince.
Hinila ko na si Anne papuntang waiting shed kasi ayoko talaga muna ng gulo ngayon. Damn! Andaming sasakay!
"Anne! Jane!"
Sinamaan ko si Anne ng tingin kasi tawang-tawa pa ito.
"Girls, pauwi na ba kayo?" Hindi ko talaga sya pinansin. "Sabay na kayo sakin."
"Ahh hindi na Vince. Salamat na lang." Tanggi pa ni Anne. Buti naman at may maganda syang ginawa sa araw na ito.
"Com'on madadaanan ko lang din naman ang mga bahay nyo eh, para tipid narin pamasahe." Pamimilit pa nito.
Tumirik talaga ang mata ko sa pagka irita sa kanya. Buti na lang at hindi ako nakaharap sa kanya.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita sa sasakyan ni Rain na huminto sa harap ko.
She came...
Pero naalala ko baka andito sya para sa mga pinsan nya kaya nawala din agad ang ngiti sa labi ko.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Novela JuvenilWe met perfectly ... But ended painfully.