Rain
"Rain, musta yong lakad mo kanina?" si tita
"Ayun, napasabak na naman ako sa kakulitan ng boss ko. Hayy! naloloka ako sa kanya." tinawanan nya lang ako
Kaya umupo ako sa monoblock katabi ng kama nya at ipinatong ang mga paa ko sa paahan ng bed nya.
Nagpapadede kasi sya kay baby at ako lang din ang bantay nya ngayon kasi may nilakad sandali si tito.
"Bilhan mo nga ako ng coke Rain at parang gusto kong magpalamig ng lalamunan."
tumayo naman ako agad at nagtungo sa baba, andun kasi ang vending machine ng ospital.
Pagod na pagod ang labas ko right after kong magreport kay Arch't. Seb kanina. Kasi naman panay ang tanong nya sakin pero di naman related sa pinag-uusapan namin! Pinaparusahan ata ako ng Dios dahil sa pagpapakatomboy ko...naiisip ko na tuloy magbalik loob. Hahaha! Ano ba yan!
Malapit na ako sa hagdan ng mapatigil ako sa paglalakad. Nagcross lang naman kasi ang landas namin ng babae kagabi, tumango na lang ako dito at sinuot ang headset ko. Pababa ako ng hagdan ng makita ko ang familiar lady in white na paakyat ng hagdan. Nakakayuko lang sya paakyat kaya hindi nya ako agad nakita and when she did, nagliparan na ata lahat ng buhok ko sa katawan at automatik akong napangiti ng ngitian nya ako ng pagkasweet.
Bweshiiit! Nawala pagod ko! Parang nangangatog pa ang tuhod at kalamnan ko. Oh my god! Naaadik na ata ako!
Ni hindi ko nagawang lumingon pa para makita sya ulit kasi hindi pa ako nakakamove on sa ngiti nya.
Excited tuloy akong kumuha ng coke at iced milo naman ang sakin. shyet! Halata tuloy excited akong makarating sa OB Ward dahil sa kamamadali ko. Di pa ako nakontento inayos ko pa ang buhok ko kahit nahihirapan akong dalhin ang dalawang cups! Hoooo! Basta crush talaga eh noh? Buwis buhay!
Ng nasa entrance na ako ng ward ay syempre binigatan ko ang paglalakad at mabagal din. Hahaha! Pantawag pansin lang mga tropa! Kunwari ay mabagal akong maglakad kuno at nakita ko syang nakayuko na sa desk nya. Shyet puso ko mahuhulog na ata! Di ko masapo!
And when nakita kong tumaas ang tingin nya ay binaling ko sa dala ko ang mga mata ko tsaka nag-angat kuno ng tingin. Nahuli ko pa syang naglihis ng tingin at yung ngiti nya ay ang lapad na parang makakalaglag na ata ng lahat ng akin. Yuck! Kahiya if ever!
Malapit na akong lumampas sa booth nila and nakita ko pa sa peripheral vision kong napalingo-lingo ang kasama nyang nurse na napapangiti din. Nakita nya siguro yung patagong sulyap namin ni nurse ganda. Hehe
"Napano ka at ganyan ang pagmumukha mo?"
"Hmm? Wala, nagrecharge lang." at binigay ko sa kanya yung coke nya
Matapos ko inumin yung sakin ay umupo lang ako sa monoblock at kumain ng kumain. Wala naman akong gagawin pa. Si tita ay nagpapadede na naman.
"Uhm, Alonzo?"
Napatigil ako when i heard that voice at pasimple kong binaba sa desk ang kinakain ko at uminom ng tubig. Si nurse ganda kukuhanan na ng bp si tita.
"Kuhanan ko lang po kayo ng bp ma'am ah." nakasmile nyang sabi at lumapit sa gawi ko
Nakatitig lang ako sa mukha nya habang papalapit napatayo ako sa pwesto ko at pumwesto sa dingding talaga dahil maliit lang yung space. Kinakabahan ako ng gumalaw na sya at ginawa ang trabaho.
Oh my gesh! Napainom pa ako ng tubig ng wala sa oras dahil nagkadikit saglit ang katawan namin. Pagkaalis nya ay para akong nabunotan ng tinik! Kaya ng huminahon na ako ay nagpatuloy ako sa pagkain.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.