10...

84 4 0
                                        

Rain


"Rain!"




Akala ko pinaglalaroan lang ako ng tenga ko pero andito sya ngayon. Di sya guni-guni lang. She even looked so worried about me. Nakakahiya man lahat ng sinapit ko ay natutuwa ako kasi andito sya sa tabi ko, to the rescue agad. Binuksan nya ang pinto ng kotse ko at pinaupo ako habang nakaharap sa kanya.



"You okay? Dumudugo ang labi mo."



Pinagmamasdan ko lang sya habang kinakalkal ang loob ng bag nya. Naglabas sya ng alcohol at nilagyan nya ang kamay nya saka naglabas ng bulak at nilagyan ito at humarap sakin.


"Let me."


Just like the first time i saw her. Her gracefulness, that face she has, her glasses. Kulang na lang ay ang mga ngiti nyang kinababaliwan ko.



"Aasshh-.. Masakit."



Magrereklamo pa sana ako kaso ang sama ng tingin nya sakin kaya bumaling muna ako sa loob at kinuha ang tumbler ko.



"Wait..."


Nagmumug ako kasi nakakadiri yung lasa ng dugo sa bibig ko.


"Akin na."



Nagpatuloy lang sya sa paglinis sa labi ko, ako naman ay gusto sanang magreklamo kaso baka sya naman bumugbog sakin. Ng masanay ako sa hapdi ay tinitigan ko na lang sya. Ngayon ko lang kasi sya matititigan ng ganito kalapit, gusto ko sana titigan ang maypagka chokolate na mata nya kaso nakakaduling kasi yung glasses nya kaya ang cute at matangos nyang ilong na lang. Ang pisngi nya tsaka ang namumulang labi nya. Ang lambot nitong tignan, sarap siguro nyang halikan.



Napansin kong medyo pinapawisan na sya at natatamaan sya ng init. Kaya ang ginawa ko ay binuka ko ang legs ko at hinapit sya sa bewang palapit pa sakin tsaka bahagyang sinarado ang pinto. Yan di na sya gaanong naiinitan.





"Continue."

Tumigil kasi sya at nakatukod ngayon ang mga kamay sa balikat ko. Nag-iwas sya saglit ng tingin tsaka nya pinagpatuloy.


"Wag kang malikot."


Kinukuha ko kasi yung panyo ko.



Habang nililinisan nya ang sugat ko ay pinupunasan ko naman ang mga pawis nya. Di ako makapaniwala, pinagpapawisan nga sya pero imbes na magmukang haggard ay mas tumitingkad pa sya sa paningin ko. Bumaba ang kamay ko sa leegan nya at marahan itong pinunasan. Yung isang kamay ko na nasa bewang nya ay parang nanigas ng mapagmasdan ko ang maputi at sexy nyang leeg. Urgh! Nakakaturn on talaga yung mga babaeng maputi at sexy ang leeg. Gusto ko sanang lumunok ng sunod-sunod kaso baka mahalata nyang pinagnanasahan ko na ang leeg nya. Tsk! Sarap kagatin! Kagigil!





Ang manyak ko na. Tsk! Konti na lang talaga at mahahalikan ko sya. Ayoko naman syang takutin kaya pumikit na lang ako at hinawakan ang kamay nyang naglilinis sa labi ko. Isinubsub ko ang muka ko sa leeg nya. Para akong masisiraan ng bait dahil sa kanya.



In fairness ang bango parin nya kahit pawisan sya.



"Let's be like this for awhile, please."



Sinusubokan nya kasing kumawala kaya pinulupot ko ang dalawang kamay sa katawan nya ng mahigpit.


Namiss ko sya. Sa mga araw ba namang di nya ako pinansin, muka akong tangang tinititigan sya sa malayo tsaka bantayan ang kwarto nya sa labas ng bahay nya. Haaayyy...




My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon