Rain
"Do you really want me to believe you?! God, Jane! Sa haba ng panahong naging tayo, kung hindi pa maghiheld ng event ang pamilya mo ay baka nga hanggang ngayon nagmumuka parin akong tanga! Buong akala ko ay alam na ng parents mo ang sinapit ng relasyon mo sa gagong yun! May plano ka pa ba talagang sabihin sa kanila ang tungkol satin?!" Ang lakas na ng boses ko pero nawalan na ako ng paki. Para ng puputok ang litid sa leeg ko.
"May plano naman talaga akong sabihin sa kanila ang lahat, pero-"
"Pero ano?! Naduwag ka? Nag-alinlangan kang sabihin sa kanila ang totoo?!"
"Hindi sa ganun." She was about to touch me pero lumayo ako sa kanya.
Hindi ngayon! Di nya ako madadaan sa mga paglalambing nya.
"Eh ano?" Bumagsak na lang bigla ang luha ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Yung totoo... Mahal mo parin ba ang Kevin na yun?" Garalgal na pagkakasabi ko kaya napalunok ako at napakuyom. Ang saklap lang.
Yun lang naman ang naiisip kong dahilan eh.
Kaya hindi nya masabi-sabi sa parents nya dahil maaaring umaasa parin sya na magkakabalikan sila. Tangina lang! O baka naman kinakahiya niyang tibo ang jowa nya? Damn!
Ano pala ako para sa kanya?!
"No, of course not! Rain, ikaw na ang mahal ko- at ikaw lang ang mamahalin ko. Pakiusap, maniwala ka naman sakin oh." Pumiyok pa ito ng sabihin nya iyon.
Hindi ko makuhang maniwala sa kanya. Bakit ganun?
Nagdadalawang isip na ako ngayon kung alin ang totoo sa mga sinasabi nya. Damn!
Hindi ko gudto ito. Pero ang sakit masyado, parang pinipiga ang dibdib ko, ang sakit ng bawat pintig nito at umaabot pa ito sa batok ko kaya hindi ako makapag-isip mg maayos.
Naging tahimik kami ng ilang sandali hanggang sa putolin ko ang katahimikan.
"Tawagan mo sya." Parang biniyak ang puso ko ng sabihin ko ang mga katagang iyon.
Marahas syang napatingala sakin at nakita kong nagugulohan ito.
Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko kaya pinahid ko ito at tumalikod sa kanya. Kumuha ako ng damit at pantalon, nagbibihis ako ng magsalita ito.
"Ano ang ginagawa mo? Bakit ka nagbibihis- san ka pupunta?" Sunod-sunod na tanong nya. Patuloy akong nagbibihis ng hawakan nya ng mahigpit ang shirt na dapat ay isusuot ko.
Lalong lumakas ang hikbi nya na mas ikinasikip ng dibdib ko. Mas lalo lang akong nasasaktan sa paghikbi nya.
"Call him, tell him about the dinner." Malamig na tugon ko at pilit na inaagaw ang shirt sa kanya.
Marahas syang napailing.
"No! Bakit ko naman gagawin yun? He's a no one to me! Hindi ako pupunta sa dinner na iyon ng iba ang kasama, ikaw lang ang gusto kong makasama!" Pagmamatigas nya kaya napuno na ako at marahas na binitawan ang shirt at galit na galit akong humarap sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.