Jane
Papunta ako ngayon sa bahay nina Rain, kakagaling ko lang sa bahay namin kasi gusto daw akong kausapin ni dad. He just told me about my flight sa susunod na buwan which is less than a month from now. Pero nakakalungkot isipin dahil hanggang ngayon ay hindi parin kami okay ni Rain, mas malala nga ngayon eh. Di na sya nakikinig samin o sakin, she's ignoring us for a few days na rin. Naging mas mailap lang naman siya ng hindi ko magawang sagotin iyong itinanong niya sakin nong nakaraang araw.
Pinanghinaan ako ng loob.
Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay nakita ko agad ang mga kaibigan niya na tila aligaga at halatang nag-aalala na. Mag aalas nuwebe na rin kasi ako nakarating.
"Guys?"
Parang nabigla pa ang mga 'to ng makita ako kaya di ko napigilang mangunot ng noo.
"Jane..." mahinang saad ni Clint at agad din namang napaiwas ng tingin.
Malungkot akong tinitigan nila kaya biglang may takot na humangon mula sa loob ko. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
"Jane," mahinahong lumapit si Julie sakin na malungkot ang tingin.
"Anong nangyayari dito? Tsaka, nasan si Rain?"
Hindi ito nakasagot at napayuko na lang.
"She's been out for hours now. Di namin sya makontak and di rin namin alam kung san sya nagsususuot." Saad pa ni Clint at talaga namang nag-aalala na.
Nanghihina tuloy ang tuhod kong napaupo sa sofa. Hindi ko napigilan iyong luha ko na pumatak kaya dali-dali ko itong pinunasan.
Mababaliw na yata ako kakaisip tungkol sa kanya.
Rain was never like this. She've never done something like this before.
"Ano ba talaga nangyayari sa taong iyon? Di na sya nakakatuwa!" Inis na bulyaw pa ni Jen.
Napahingan naman ako ng malalim at ipinaliwanag ang lahat sa kanila. I just can't let them be clueless about what's happening. May karapatan din kasi silang malaman iyong totoo. They're still her family at nag-aalala na sila sa kalagayan nito.
--------
Hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ngayon habang nakatitig ako sa tulog na Rain. Nakatulog na ito sa kalasingan. Ni hindi na nga ito nakapag-ayos ng sarili nya.
She look so wasted.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi at mariing napapikit. I just wanted to stop myself from crying infront of everyone now. They just gave me a sympathetic smile at isa-isang lumabas ng kwarto, leaving me alone and still looking at Rain.
Pakiramdam ko nanghihina ang buong kalamnan ko. Pain is a bitch, really.
I walked helplessly towards her bed at parang batang nagsumiksik sa kanya. Para akong paslit na takot sa lahat at tanging natitirang para sakin ay ang bisig niya. I wanted to feel her warmth to sooth me out and calm my nerves. I needed this, and i need her.
Naalimpungatan na lang ako ng makaramdam ako ng mahinang paghaplos sa pisngi ko. I opened up my eyes slowly and was met with one pair of warm hazel eyes. I wasn't able to move for a while ng magkatitigan kami.
Emotions were building up in my chest as i tried to reach her cold face. I thought na iwawaksi niya ito but i was happy when she even closed her eyes, as if she was trying to feel my hand more. Di ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Umiiyak ako sa tuwa dulot ng pagkakataong ito na nahahawakan ko siya at tila ba ay bumalik sa dati ang lahat.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Fiksi RemajaWe met perfectly ... But ended painfully.