Jane
Isang linggo narin matapos ang encounter namin nina Anne at Rain sa hospital. Mula non ay di ko na ulit sya nakita pa. I know a part of me was sad pero i think its for the best kasi hanggang ngayon wala parin akong mukang maihaharap sa kanya. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Sa sarili ko ako galit, kasi i saw how she got broken ng mga oras na yun. Umiyak pa nga sya sa harap ko eh. Mas dumoble pa tuloy ang sakit na nararamdaman ko.
That day ng tawagan nya ako and treated her cold, hindi ko talaga inaasahan na tatawag pa sya sakin and kakamustahin ako. A part of me was happy kasi i assumed na hindi sya galit sakin. But i was shocked ng makita ko syang naglakad palayo when she ended the call.
Again, parang piniga ang dibdib ko ng makita syang mag walk out right after sabihin nyang she was hoping to see me smile. Bakit ba ang lakas ng epekto nya sakin? Everything that she would do.
Papunta nga pala ako ngayon sa opisina ng sekretarya ng boss namin. Nakisuyo kasi sakin yung head nurse namin na maghatid ng documents dito. Kumatok ako three times then pag bukas ko ng pinto ay nakita kong nakangiting tinignan ako ni ma'am Rima.
"Good afternoon po, I'm here po pala para e bigay sa inyo tong mga documents from nurse Zamora."
"Pasok ka."
"Ito po pala..."
Ibinigay ko sa kanya yung tatlong envelope.
"Thank you!"
Napansin ko ang isang mesa na puno ng stack of pack lunch, hmm. Baka may nagbi-birthday.
"Ah, sige po." Aalis na sana ako ng pigilan nya ako
"Ay, wait nurse...Jane. Yes! Ahm, since lunch naman na ay dito ka na lang maglunch."
"Po?"
"Ako na bahala magpaalam sayo sa head mo."
"Err salamat po pero, nakakahiya po kasi."
"Sos! Wag ka mahiya, actually binibigay na ngayon sa buong hospital yung mga pack lunch na para sa lahat ng staffs and patients. So since andito ka na din naman ay sumabay ka na lang samin."
"Ahh, eh ano po bang meron?"
"Birthday ko kasi kaya naisip kong magpakain. Hahaha"
"Ay happy birthday po pala kung ganun."
"Hahaha! Salamat, tara naghihintay na sila sa conference room."
Dahil napasubo na din naman ako ay sumunod na lang ako. Kahiya naman kasing tumanggi, birthday pa nya.
Pagkapasok ay naririnig ko na ang mga taong nag-uusap sa loob kaya ninerbyos ako kasi wala naman akong kilala dito eh. Malas!
Nakita kong nagsisiyahan ang mga andito at ng makita nila kami ni ma'am Rima ay sunod-sunod na bati naman ang natanggap nya kaya nailang ako kasi ako lang naiwan mag isa.
"Nurse Jane!"
Napalingon ako dun sa tumawag sakin at gulat itong nilapitan.
"Anne, anong ginagawa mo dito?"
"Hahaha! Obvious ba, edi makikikain." Binatukan ko nga.
"Sira! I mean pano ka napunta dito eh parang mga big boss at mga doctor lang ang andito eh."
"Ah, may nag-invite sakin dito. Eh ikaw, pano ka napunta dito?"
"Ehh, si ma'am Rima kasi...di ako naka hindi ng yayain nya akong maglunch kasi birthday pala nya. Supposedly maghahatid lang ako ng documents." Nakasimangot kong sabi, kasi naman naiilang akong umupo kasama ang mga taong andito.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.