32

49 1 0
                                    


Ilang araw din akong naging busy sa pag lakad ng mga papeles ko. I had to ready quite a lot of things para sa pag alis ko lalo na at di ako masasamahan nina dad.

Mag iisang buwan na din akong asa bahay lang dahil nga pormal na akong nakapagpaalam sa pinagtatrabahoan ko. Kaya eto ako ngayon at nakabaluktot sa gitna ng kama habang nakatutok sa kalendaryo. Been a week na din magmula nong huling kita ko kay Rain. Kagat ang labing napahigpit iyong hawak ko sa phone ko na kanina ko pa pinagmamasdan tila ba may inaantay.

I miss her.

Bakit ba ayaw parin nya akong kausapin? Hanggang ngayon kasi ay hindi parin namin napapag-usapan iyong tungkol sa pag alis ko. I'm hopeless. Nawawalan na ako ng pag-asa na makapagpaliwanag sa kanya. Magmula noong masuntok siya ni Clint ay tuloyan na nga niya akong ipinagtabuyan. Kahit anong gawing pagmamatigas ko ay halos malunod naman ako sa sakit ng pagtataboy nya sakin.

Hanggang dito na lang ba talaga? Wala na ba talagang pag-asang mapakinggan niya ako? Ang sakit dahil sa isang iglap lang, ang pinagsamahan namin ay tila ba naging balewala na lang. Why is it so hard for her to understand my point? Sometimes nakaka disappoint lang pag naiisip kong ni katiting ay wala akong natanggap na suporta galing sa kanya. It has always been my dream to pack and go. Kahit saglit lang, gusto kong maexperience iyong magtrabaho sa ibang bansa. Kaso, i got a little distracted ng dumating si Rain sa buhay ko that i almost forgot about that plan. Kaya naman nagulat ako sa naging balita ni dad nong araw na yun dahil alam ko kung gaano ka supportive sila sakin. Alam ko parang ang nonsense lang.

Andaming tao siguro ang pagsasabihan akong napakababaw kong tao. Siguro maiisip nilang ang selfish ko kasi mas gugustohin ko pang mangibang bansa at iwan iyong taong mahal ko just so i could satisfy my desire. But, can't a girl dream of doing something for herself? Di ba pwedeng mangarap na sana maintindihan niya ako at suportahan sa kung ano iyong gusto ko? Di naman ako aalis just so i could replace her eh. Alam kong masyado pang maaga para magsalita ng patapos. Pero di ba pwedeng exempted ako sa mga stereotypes? Haaaay, i know it's wrong to justify pero... ay ewan!

Nakakatampo na!

Kaso para ano pa ang pagtatampo ko kung di din naman ako pinapansin ng gagong yun? Bwesit!

Napaiyak tuloy ako. Gusto kong manumbat! Pero wala naman sya dito.

Ni hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako, naalimpungatan lang ako ng makaramdam ako ng marahang paghaplos saking buhok.

Di ko alam bakit pero parang naiiyak ako dala ng dahan-dahang paghaplos nito. Siguro dahil sa simula't sapul ay wala akong napagsabihan ng mga pangyayari sa relasyon namin ni Rain. Wala akong mapagbuntonan ng nararamdaman ko, kaya siguro ganito kasi sobrang tagal ko nang iniinda iyong sakit.

"Sshh... tahan na." Narinig kong bulong nito.

"Dad..."

"Yes, sweetheart?"

"Napakasama ko ba masyado kung mas pipiliin kong umalis?"

Napapikit ako habang inaantay iyong sagot niya. Narinig siyang napabuntong hininga bago tumigil ang paghaplos nito sa buhok ko.

"Bakit sweetheart, hindi ka na ba babalik?" Napadilat ako.

"Babalik po."

"Are you leaving because you wanted to leave someone?"

"No dad... I'm leaving cause i wanted to be with someone. I want her to be the one."

"Then, are you planning to look for someone else dun sa pupuntahan mo?"

"That's ridiculous dad..."

"Bakit, akala mo ba ganun-ganon na lang maniniwala si Rain sa sasabihin mo just because you think it's ridiculous?"

My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon