26...

60 4 0
                                    



I was talking to Anne ng maramdaman ko siyang nagising kaya agad akong nagpaalam dito at itinoon ang atensyon ko sa kakagising lang na Rain.




Kinakabahan at natatakot ako habang pinagmamasdan sya. Gusto kong maliwanagan sa lahat and i'm scared sa kung anong kahihinatnan ng usapang ito.



Ah basta! Mahal ko siya and there is no chance na mapapayagan kong mawala sya sakin, kahit na anong mangyari. Pipilitin kong ayosin itong tampohan namin.





"Ja-Jane..."





Gulat itong napasulyap sakin at mabilis na tumayo at inayos ang sarili.




Blangko lang ang muka ko syang tinitigan.




Ngayon ko lang napansin na suot pala niya iyong oversized shirt at pj's na binili ko para sa kanya.




Ang hilig nya kasi sa ganun pag nasa bahay. Kahit ata pag lumalabas kami naka pj's din siya. Pihikan si Rain pagdating sa mga sinusuot nya, paghindi komportable ang tela kahit anong mahal o ganda pa nito ay talagang di nya ito isusuot. Kaya sa ilang buwan na pinagsamahan namin ay natoto na akong maghagilap ng impormasyon tungkol sa kanya mula mismo sa mom nya.



Bahagya tuloy akong napangiti sa alaalang iyon.




Pero agad naman akong napako sa kinatatayoan ko.






"Rain!"




May kalakasang kalabog ang narinig ko ng bigla na lang syang natumba at mas lalo akong nag-alala ng mauntog ang ulo nya sa pader.



"Uggh!"

"Oh god, hon?" Dulog ko sa kanya at giniya paupo. "A-are you okay?"


"Ah! Aray hon, masakit!"



"Sorry."



Iniwasan kong mahawakan iyong bandang ulo nya at pinagmasdan siya ng mabuti.



"Shit! Ang sakit nun."



Naawa ako sa kanya ng makita kong naiiyak ito sa sakit.



"Com'on, dun tayo sa kama."



Marahan ko siyang pinatayo pero bigla naman syang na-out balance, buti na lang at naging maagap ako.



"Ugh, sorry."


"It's okay. Tara."



Ng mai-upo ko na sya sa kama ay tinanong ko siya kung saan ang masakit at bakit bigla na lang syang natumba.



Sobrang kaba ako kanina.



Nahilo pala sya sa biglaan nyang pagtayo. Buti at bukol lang ang natamo nya kaya kinunan ko ito ng ice pack.


Pinagmamasdan ko lang sya habang iniinda ang sakit ng ulo. Minsan namang napapahigpit ang hawak nya sa kamay ko kaya lubos akong nawo-worry.



"Sorry hon."



Basag niya sa katahimikan. Ilang minuto din kasi kaming tahimik lang habang ini-aid nya ang bukol nya.


"You did nothing wrong, clumsy ka lang talaga." I bluntly said.



Naghihintay ako ng reaksyon mula sa kanya pero naging tahimik lang siya kaya napatingin ako dito. Hawak-hawak nya lang ngayon ang ice pack habang matiim na nakatitig dito, kaya kinuha ko na ito sa kanya at itinapat sa kanyang bukol.




My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon