Rain
Nagloloading na kami ng mga gamit namin sa van para pagdating ng iba ay ready to go na. Ngayon nga pala kami mag-a-outing kaya we invited Anne and Jane. Tinapos ko lang yung pinapagawa ni Jen sakin tsaka ako nagpaalam sa kanya na susundoin ko muna yung dalawa. Madaling araw pa kasi and ayaw ko namang magcommute sila, it's not safe at this hour.
Habang nagda-drive ay tinawagan ko muna si Jane, sya kasi ang una kong susundoin.
Di ko na naman mapigilan ang ngiti ko tsaka tong puso ko parang pumapalakpak sa excitement! Haaay! Ambaliw ko na.
"Hello?"
Ngiting-ngiti ako kasi ang cute ng morning voice nya, halatang inaantok pa.
"Ready ka na? I'm on my way there na." Narinig ko pa syang himikab.
Aaaahh... Bakit ba kinikilig ako? Amputik mo Rain!
"Hmm, do i need to take a shower?" Di ko na napigilang matawa. Sakin pa talaga nya tinanong eh, noh?
"Wag na, wala ka naman sigurong putok diba? Hahaha"
Tsk! Naiiling na lang ako ng patayan nya ako ng call. Napaka talaga, walang manners na bata!
Huminto ako sa tapat ng gate nila at bumaba ng kotse ng makita ko syang papalabas ng gate. Lalapit na sana ako kaso ang sama ng tingin nya sakin kaya napakagat labi na lang ako at pinagbuksan sya ng pinto. Ang suplada! Agang-aga umuusok na ang ilong.
"Smile honey, you're beautiful kaya stop scowling na."
Naningkit ang mata nya sabay irap sakin at kusang isinara nya ang pinto. Beast mode na naman po sya.
Habang nagda-drive ay tahimik lang sya at sa labas lang ng bintana nakatingin kaya panay ang sulyap ko sa kanya.
She's only wearing a black baggy shirt with ripped jeans at pinaresan ng gray toms habang yung buhok nya ay prenteng nakaponytail lang tsaka ngayon ko lang napansin na wala pala syang suot na glasses. Oh boy!
"Honey! Hey..."
Kinukulit ko syang humarap sakin. Di ko kasi masyadong nakita ang muka nya without her glasses. Gusto kong makita sya ng malapitan na ganto lang.
"Rain, tigilan mo nga ako! Baka di kita matantya at mahampas ko yang muka mo sa manibela." Napasimangot ako sa sinabi nya. Tsk! Ang sungit! Napakabrutal pa!
Hindi na ako nagsalita pa. Narinig kong kausap nya si Anne sa phone at patango-tangong nakipag-usap dito. Haaays! Pakiramdam ko talaga na scam ako eh! Di pala talaga totoo iyong first impressions mo sa tao eh ganun na talaga sila. Tulad na lang ng babaeng to. Haaaaay...
May sinabi pa sya sakin pero di ko narinig. Tsaka ayoko talaga syang pakinggan. Naiinis ako! Bwesit na bwesit! Kasi naman naalala ko kung paano sya tumatawa at nakikipag-usap sa Vince na yun, ni minsan di ko sya nakitang nagsungit dito. Eh sakin? Hay naku! Di ko mabilang kung ilang beses na nya akong sinungitan ng bongga! Mas gusto pa talaga ata nya sa manliligaw nyang hambog! Tsk! Mas gwapo naman ako dun noh!
"Lumampas na tayo."
"I know." Tipid kong sagot at nag u-turn.
Bumaba parin ako ng sasakyan at sinalubong si Anne na may dalang bag. Tatlong araw kasi ang outing namin dahil holiday ngayon and tamang-tama weekend na. It will be our breather na rin mula sa work, tsaka i needed to relax myself na rin kasi sa wakas ay naapproved na rin ang project ko and ang susunod ko na lang gagawin ay mag apply then review para sa board exam.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.