Di nagtagal ay narinig ko si Jane na bumalik sa gilid ng kama.
"Para kang sira jan!" Alam kong natatawa ito sa inaasal ko kaya napaupo ako at lumabi. Kaya tuloyan na nga syang natawa.
"You're mean." Ugh! Inirapan ko nga sya.
"Bakla mo!" -Jane
Di ko na sya pinansin pa at kinuha ang phone ko.
"Magsi-cr lang ako." Walang ganang paalam ko sa kanya.
"Ops! Honey, you're not going back in there." Pagharang pa nito sakin kaya maslalong nagsalubong ang kilay ko.
"Im not on the mood now, Jane." Banta ko sa kanya kase ang lapad ng ngiti nya sakin.
"Pero may pinadeliver ang parents natin ngayon lang, and you need to see what they are." She was pleading.
"I'll look at it later." At dadaan na sana sa kabila pero mabilis ito.
"Pero matagal ka pang lalabas, at lalamig na yun pagkatapos mo!" Nakanguso nyang saad.
"Hon please, not now. I promise bibilisan ko."
Pero siniil lang nya ako ng halik at biglang sinabunotan ang buhok ko.
Ang sakit!!
"I said no." Ngayon ay may diin ang tono ng boses nya at hinalikan ulit ako.
Nagpatianod na lang ako ng hilahin nya ako papunta sa mini couch namin. Kinuha nya yung trolley na may kung anong tinatakpan sa ibabaw nito tapos isang wine.
Napataas ang kilay ko ng tanggalin na ni Jane yung cloth na nakatakip and only to see a brown basket. Si Jane parang clown na ang lapad ng ngiti tas napapakagat sa labi nya, she's trying to stop her laugh. Binaba nya yung basket sa table at sinenyasan akong tignan, tumirik tuloy ang mata ko. She's acting childish now.
Nagsalubong ang noo ko ng mailabas ang nasa loob ng basket. Mainit pa ito at ewan ko kung ano dapat kong isipin ng magsink in sakin yung hawak kong itlog.
Balot???
Seriously?? Our parents got this for us??
Naiiling tuloy ako hanggang sa hindi ko na napigilang mapatawa.
Ano toh?! Pampalakas ng tuhod??
Hinila ko na lang si Jane paupo sa kandongan ko. Nakatalikod naman sya sakin eh.
"Nakakain ka na neto?" Tanong ko sa kanya at tumango naman ito. "Okay, tara kain tayo... Nakakatakam na kumain neto eh."
Habang nilalantakan yung balot ay nag-uusap lang kami ng kung anu-ano. Minsan napag-usapan din namin si Jen. Nadulas kasi sya ng sabihin nyang pinopormahan umano ni Architect Seb si Jenny, nagulat ako syempre at naningkit din ang mata ko kasi walang nababanggit si Jen samin.
Nakailan na rin ako ng mabusog talaga ako sa dami ng nakain ko. Si Jane kumakain parin at ang konti pa ng naubos nya, ang bagal kasi kumain, chiks na chiks.
Hinayaan ko lang sya at nagsalin ng wine sa baso, sumandal ako sa sofa pero hawak ko parin yung bewang nya, baka kasi mahulog sya. Nakaindian ba naman kung umupo sa lap ko.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.