13...

75 5 0
                                    

.....


"Aww!" Shit ang init!




Naglagay na ako ng soup sa isang bowl at nilagay ito sa isang tray na may isang baso ng tubig tsaka hot compress. Nagtungo na ako ng kwarto ko and nakita kong nakahiga sya sa sofa habang natatakpan ng unan ang muka nya. Tsk!  Pagbaba ko ng tray ay inalo ko sya ng konti.



"Hon, kain ka muna."



Dahan dahan kong tinanggal ang unan and i felt pity ng makita ang muka nya. She looked like in so much pain.



Lumuhod ako at marahan kong hinaplos ang muka nya unti unti naman nyang minulat ang mga mata at pilit na ngumiti sakin. Ito ang isa sa mga araw na gustong gusto ko na lang saluhin ang sakit na dinaramdam nya ngayon. Mas nahihirapan kasi ako para sa kanya.


I asked her to sit tsaka ko sya sinuboan. Nakalahati na nya yung niluto ko ng bigla syang sumubsob sa leeg ko at mahigpit na kumapit sa shirt ko. Konti na lang at mapupunit na nya ang suot ko, grabe.


"Shiit..." Mahinang daing nya kaya pinahiga ko na sya ulit matapos nya uminom ng tubig.


Bahagya kong binaba ang pajama na suot nya at tinaas ng konti yung kanyang shirt tsaka ko nilapat ang hot compress sa puson nya. Mahihinang ungol at halinghing ang naririnig ko sa kanya kaya hinawakan ko ang kamay nya.


"Shhh... It's okay. You'll be fine." Hinalikan ko sya sa noo and she just hugged me sa leeg.

"Ang sakiiit." Parang batang sumbong pa nya kaya naawa ako ng sobra.



Hawak-hawak ko ang kamay nya habang pinapahupa ang sakit sa puson nya. Haaay! Nakakastress talaga pag sya na ang nagkaperiod. Grabeng pawis ang nalalabas ko kasi pati ako nasasaktan habang pinapanuod syang namimilipit sa sakit. She would just cry on my shoulder minsan then hihikbi na pag mas lumala. Awang-awa na nga ako sa kanya eh.





I really don't understand kung bakit ganito sya pag nagkakaperiod. Para kasing di na to normal. Although every month na syang ganito, di parin ako sanay.



Almost five months na rin mula nong nagsimula akong manligaw sa kanya. And with those months, we became closer. We spend more time for as much as possible para kilalanin ang isa't-isa. And along those times ay mas naging open na rin sya sa mga iniisip at nararamdaman nya sakin na sobra kong ikinatuwa. Naging clingy na nga rin sya sakin eh. Hahaha! Alam na rin pala ng mga kaibigan namin tungkol sa panliligaw ko and every weekend ay its either we spend it together or with our friends. Napakarami ng nangyari sa limang buwang iyon. Masaya, makulit, awayan at iyakan ang madalas na nangyayari. Pili na lang din ang araw na nag-aaway kami at madalang na rin syang magsungit sakin. Huling away din ata namin ay halos a month ago na. It was because of her having a date with Vince one day. Sabi kasi nya one Saturday na may lakad daw sya kaya di na ako nagtanong pa. I was strolling down the mall that time with my cousin and sister ng makita ko syang nakikipagtawanan kay Vince. Inis galit tampo at selos ang naramdaman ko that time kaya di na ako nagparamdam sa kanya for a week. But Sunday came and my friends invited her and Anne sa bahay. And dahil sa nagtatampo pa ako sa kanya that time ay hindi ko sya pinansin the whole day at napansin yun ng mga kaibigan namin. Kahit na she would try to talk to me ay dinededma ko lang sya. Pero nagawa nya akong e corner ng umakyat ako sa silid ko. She was ranting on me, halos mabiyak ang leeg nya sa kakasigaw sakin but one thing really made me forgot about what i feel. Umiiyak sya habang ako'y hinahampas. Hindi ko naman maatim na umiyak sya ng ganun saking harapan just because i stopped the things i used to do with her. Pero imbes na patahanin sya ay nagtatatalon ako sa saya ng sabihin nyang gusto nya rin ako at hindi umano sya papayag na mawala na lang ako ng ganun-ganun. Walang katumbas ang kasiyahan ko that day dahil nalaman kong sa panliligaw ko sa kanya ay di ako nagpapakahangal na hintayin na mahalin nya rin ako dahil simula pa lang ay may nararamdaman na rin pala sya sakin. Dahil sa sinabi nya ay sinabi ko na rin ang saloobin ko about Vince. Nasabi ko sa kanya kung bakit ako biglang hindi nagparamdam at ang loka pinaghahampas ulit ako dahil ang tanga-tanga ko raw. Eh sa nagselos ako, ano magagawa ko?



My Lady In White (gxg - girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon