Rain
Nauna ng pumasok si Anne at nagpaiwan naman si Jane. Dito kami sa kotse ko nagpapalipas ng oras. Tahimik lang kami pareho at nakatunganga. Not until hinawakan nya ang kamay ko.
"Anong iniisip mo?"
"Huh? W-wala naman." Pagmamaang-maangan ko pa.
Ang totoo ay andami kong iniisip. Siya, ang nangungilit ding Vince na yun tsaka ang family nya.
Kailan kaya nya ako balak ipakilala sa mga magulang nya? Is she planning to get this relationship legal to her parents? Ang problema ay kung matatanggap kaya nila ako para sa anak nila...
"Hon..." Hmm?? "Oh, anong nginingiti-ngiti mo jan?"
Nakagat ko ang labi ko kasi pinipigilan ko ang ngiti ko. Ahh kilig ata to eh!
"Rain... Ano ba, yang ngiti mo nga..." Haha problema nya?!
"Whatt??" Inipit nya bigla ang pisngi ko.
"Wag kang ngingiti ng ganyan, naiinis ako!" Pagsusungit nya sakin pero, ewan! Tuwang-tuwa talaga ako.
Inalis ko na yung mga kamay nya at ang sama ng tingin nya sakin.
"Hahaha bakit ba? Natutuwa lang naman ako ah."
"At san naman aber?" Sungit!
"That was the first time tinawag mo kong hon." Kagat ko ang labi ko na ngiting-ngiti.
Ang taray, pinagtawanan nya talaga ako. Hmp!
"Ang kulit mo."
Hahaha
"Anong makulit dun?"
"Hmp! Di mo pa nasasabi sakin ang reason kung bakit naospital si Abby." Biglang lumapad pa ang ngiti ko sa tanong nya at nakakunot naman ngayon ang noo nya.
"So, nalaman namin kanina na...buntis si Abby." Hindi ko na talaga napigilan ang ngiti ko at halos tili na ako sa harap nya. Tuwang-tuwa lang. "She's 2 months pregnant!"
"What??? Yung totoo..." Hindi din sya makapaniwala kaya natawa ako.
"Yes baby, and I'm gonna be an aunt!" Excited kong bulalas.
This time ay natawa na ito sa inasta ko.
"Well that's a good news! Congrats sayo, makareact ka parang ikaw yung magkakaanak ah." Puna nya.
"Excited lang po."
And we talked a little more hanggang sa may naitanong sya sakin na ikinatahimik ko, taimtim ko syang pinagmasdan at kalaunay napangiti sa mga naiisip ko habang tinititigan sya. I was imagining her with a baby bump then being a mother of our children, weird pero nakakatuwa.
She was asking me if i was planning of having a baby. Kaya hinawakan ko ang mga kamay nya at hinalikan ito tsaka idinampi sa magkabilang pisngi ko.
"Hon, I'm too young para sa mga ganyang bagay, wala pa akong napapatunayan at wala pa din po akong naipundar para sa magiging pamilya ko. But who knows, having a child seems so exciting... Pero di pa ngayon." Sagot ko, di ko na lang sinabi sa kanya tungkol sa naisip ko.
I don't want to creep her out, syempre! Kabago-bago pa nga lang namin ay yan na agad ang nasa isip ko, ni hindi ko pa nga napapatunayan sa kanya na I'm worth it.
BINABASA MO ANG
My Lady In White (gxg - girlxgirl)
Teen FictionWe met perfectly ... But ended painfully.