01

107K 1.7K 62
                                    




Pangasinan..


"I'm sorry misis pero kung hindi masasalinan ng dugo ang anak niyo ay maaari siyang mamatay." Sabi ng lalaking doktor bago umalis mula sa loob ng silid.

Naiwang nakatulala si Brielle habang nakatingin sa walang malay na anak na si Thalia. May tubo na nakakabit sa maliit na katawan nito. Paano na ito? Anong gagawin ko? My 7 years old daughter had an accident, at wala ako ng mangyari ang aksidente kanina dahil nasa trabaho ako. Tanging si nana Cora lang ang nagbabantay dito kapag pumapasok ako sa trabaho. Nagba-bike daw ang anak ko sa labas ng bahay ng mabangga ng isang sasakyan. Nagkaroon ng bali sa binti ang anak ko pero naagapan ito ng doktor kanina at hindi na lumala pa. Ang tanging problema ko ngayon ay kung saan kukuha ng dugo para sa aking anak, buti na nga lang daw at hindi nagkaroon internal hemorrhage si Thalia. Pero walang stock ng dugo sa ospital na pinagdalhan dito maging sa mga kalapit na ospital ay wala din. Tinawagan ko na maging ang lahat ng numero sa cellphone ko para tanungin kung may kaparehong dugo ang anak ko pero ganon din ang sagot nila, wala. But one person can help my daughter for sure, her father.

Agad akong lumabas sa kuwarto ng aking anak, wala akong dapat sayangin na oras mabilis kong nilapitan si nana Cora ang nag-aalaga kay Thalia. Kanina pa ito iyak ng iyak at sinisisi ang sarili sa nangyari sa anak ko pero napanuod ko naman ang CCTV na nakalagay sa labas ng bahay kaya malinaw ang lahat, aksidente talaga ang nangyari at wala talaga itong kasalanan.

"Nana, ikaw muna magbantay kay Thalia, may pupuntahan lang ako na makakatulong sa atin." Sabi ko sa may edad na matanda, naupo pa ako sa bakante upuan sa tabi nito.

Ginagap ni Nana Cora ang mga kamay ni Brielle. "Kung kapareho ko lang sana ng dugo si Thalia ay kahit ubusin na nila ang lahat ng dugo ko mailigtas lang ang bata." malungkot nitong sabi.

"Wag kayo mag-alala nana, pagbalik ko magiging ayos na si Thalia. Basta tawagan niyo ako kapag may emergency." Bilin ko pa.

"Sige anak, ako ng bahala kay Thalia." Sagot ni nana Cora.

Siya din ang nag-alaga sa akin noong maliit pa ako. Pero nung umalis ako sa aming bahay dahil nga nabuntis ako ng wala sa oras ay sumama ito sa akin, para ko na itong pangalawang ina. Si nana Cora ang katuwang ko ng magbuntis ako kay Thalia at lalo na ng makapanganak ako. Mahirap pero kinaya ko lahat at kahit maaga ako naging isang ina ay hindi ko ito pinag-sisisihan.

Mula Panggasinan ay sumakay ako ng bus pa Maynila. Apat na oras ang biyahe papunta doon pero isa lang ang panalangin ko, sana maabutan ko ang taong kailangan ko na makakatulong kay Thalia, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa anak ko, hindi ko kaya. Mag-aalas tres na ng hapon ng makarating ako sa isang building sa may Roxas boulevard, ilang beses na din ako nakarating dito at hindi ko na din mabilang. Marami na talagang pinagbago dito sa Maynila, mas dumami ang sasakyan at ang mga tao ay mas marami na din. Tiningala ko muna ang mataas na gusali bago pumasok sa loob, kailangan ko na siyang makausap at sana ay narito siya.

"Ayun! Habulin niyo ang babae!" Sigaw ng Receptionist ng makarating sila ng 8th floor kung nasaan ang opisina ng may-ari ng kompanya. Mabilis hinabol ng tatlong security guard si Brielle.

Lakad takbo ang ginawa ko, ayaw ako kanina papasukin dahil kailangan pa daw ng appointment bago ko makausap ang taong sinadya ko dito. Hindi ko na mahihintay pa na magpa-appointment at isa pa buhay ang nakasalalay sa pagpunta ko dito. Hinihingal na ako ng makarating sa harapan ng isang pintuan, nakaukit doon ang pangalan ng taong kailangan ko. Si Samuel Dawson.

"Miss! Bawal ka nga sinabi pumasok dito, lalo na sa floor na ito." Agad nahawakan si Brielle ng isang security guard.

"No please bitiwan niyo ako, kailangan ko makausap si Samuel." Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak ng babaeng guwardiya sa akin. Hindi ako basta papayag na walang mangyayari sa pinunta ko dito, ngayon pa ba na nandito na ako at buhay ng anak ko ang nakasalalay dito.

"Hindi po talaga puwede Ma'am, masisisante po kami kapag hinayaan ka naming makapasok sa office ni Sir Samuel." Sabi naman ng babaeng receptionist.

"So Samuel is here? Right?" Napangiti ako bigla, so he's here then? Kailangan ko talaga siya makausap. "This is important, life and death Miss so please pakawalan niyo na ako." Sabi ko pa.

"Hindi po talaga Ma'am puwede.." sabi ulit ng receptionist.

Akmang bibitbitin na ako ng mga guwardiya ng maisipan kong sumigaw, this will be my last straw. "Samuel! Samuel! Lumabas ko diyan!" I don't care if my voice can hear now on the entire floor. Ang importante ay makita ko si Samuel at makausap ito.

"Naku Ma'am wag po kayo mag-eskandalo dito." Nag-aalala na sabi ng receptionist ng magsisigaw si Brielle.

Pero para akong nabuhayan ng loob ng bumukas ang pinto at lumabas mula doon ang taong kanina ko pa hinahanap. "Samuel!"

"B-Brielle?"

#maribelatentastories

M.A Series #3 Samuel Dawson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon