09

51.9K 1.3K 106
                                    


"Hey.." tawag ni Samuel sa atensyon ni Brielle, lumipat na talaga sila sa bagong bahay niya ngayong umaga. And seeing his daughter's happy made him happy as well. Pero ang dating kasintahan ay hindi siya pinapansin.

"Ano?" Mataray kong tanong dito. Nasaan na ba kase Thalia? Sumunod pa yata sa kasambahay ni Samuel. Sabi kong hintayin ako eh.

"Bakit ang tahimik mo? Parang hindi ka masaya."

"W-wala naman ako sasabihin kaya bakit ako magsasalita?" Tanong ko naman, tsaka ang laki pala talaga ng biniling bahay niya. Kanina may dumating na mga appliances at lahat ay bago, nag-iinstall din ngayon ng mga aircon narito din kase ang secretary ni Samuel na si Andrea. And he's right hindi ko talaga siya pinapansin, I just remembered what happened last night. Samuel kissed me, torridly! At kung hindi ko siguro ito napigilan ay baka may nangyari na sa aming dalawa kagabi.

"Is it about the kiss that we shared last night? I will not say sorry." Sabi ni Samuel.

Aba't! Ang kapal talaga. "H-hindi no! Bakit ko naman iisipin yon? Lasing ka lang kagabi." Sagot ko naman.

"I told you I'm not drunk last night." Lumapit pa si Samuel kay Brielle at kinorner ito sa dingding, akala yata nito nakalimutan niya na ang mga pinagsasabi kagabi. Nasa may kusina silang dalawa ngayon at ang anak nilang si Thalia ay lumabas ng bahay kasama ang kasambahay niya sa kanyang penthouse. His daughter can walk now and doesn't need her wheelchair anymore. "Don't deny it, yun ang iniisip mo diba?"

Napahawak ako sa dibdib nito, bakit ang tigas? "L-lumayo ka nga! B-baka makita tayo ng anak ko!" Taboy ko sa kanya.

"Anak natin Brielle, natin." Ulit na naman ni Samuel.  "Kung sa tingin mo lasing ako kagabi kaya kita nahalikan ay puwede naman nating ulitin ngayon para makasigurado ka." He's teasing her, he like to see Brielle having a red cheeks because of him.

"Tatamaan ka talaga sa akin Samuel kapag hindi ka pa lumayo." Naiilang na talaga ako sa posisyon namin at baka mamaya may biglang pumasok dito sa kusina at isipin na may ginagawa kaming kababalaghan.

"Tamaan na kung tamaan." Balewalang sabi ni Samuel at siniil ng halik si Brielle, he keep thinking about the kiss that they shared last night since he woke up earlier. That's why he want to kiss her again, so he did.

Hindi ko alam pero imbes na itulak ko palayo si Samuel ay tinugon ko pa ang halik na ginawad niya sa akin. If only Abigail will knew about us being together again with our daughter she will tease me for sure. Sasabihan na naman ako ng kaibigan kong yun na marupok ako pagdating sa pinsan niya.

"Daddy!!"

Mabilis na bumitaw si Samuel sa pagkakahalik kay Brielle ng marinig ang tinig ng anak. Nasa bandang kanan pala nila ito ng tingnan niya.

"Nakita ko po yun!" Natutuwang sabi ni Thalia. "Nag-kiss kayo ni mommy."

Agad akong umalis sa harap ni Samuel at nilapitan si Thalia. I know my daughter mangungulit at mag-uurirat ito sa nakita niya. "Halika na anak ayusin natin ang gamit mo." Pag-iiba ko ng usapan, nakita ko naman si Samuel na lumakad palapit sa amin habang ang mga kamay ay nasa bulsa.

"Magkakaroon na po ako ng kapatid?" Tanong pa ni Thalia na nagpalipat-palipat ng tingin kila Brielle at Samuel.

"Malapit na Thalia." Pilyong sagot ni Samuel, nakita niyang inirapan siya ni Brielle na mas kinangiti niya pa. Ganitong-ganito ito kapag napipikon sa kanya. "Gusto mo ba ng kapatid?" Tanong niya pa sa anak na namimilog ang mga mata.

"Opo, para may kalaro na ako."

"Wag ka makinig sa daddy mo Thalia, nagbibiro lang yan." Singit ko naman. Mamaya lang talaga itong Samuel na ito sa akin kung and-and pinapasok sa isip ng anak ko.

"Hayaan mo Thalia bibilisan namin ng mommy mo gumawa ng kapatid mo." Panggagatong pa ni Samuel alam niyang gusto na siyang sapukin ni Brielle base sa mga tingin nito sa kanya. "Pero ayaw yata ni mommy mo eh."
Kunwari pa siyang naglungkot-lungkutan mg mukha.

"Hala mommy! Gumawa na po kayo ng kapatid ko ni daddy. Sige na po please.." sabi ni Thalia sa ina na akala mo ay nanghihingi lang ng laruan.

Naloko na.. siguradong mangungulit sa akin si Thalia. "Tara na anak ayusin na natin ang gamit mo." Sabi ko ulit.

"Pero mag-promise po muna kayo na gagawa kayo ni daddy ng kapatid ko?" Hindi din papaawat na tanong ng anak nila. Samantalang pigil-pigil naman ni Samuel ang matawa.

"Mamyang gabi kami anak gagawa ni mommy mo ng kapatid mo kaya dapat sa kuwarto ko siya matutulog para makagawa kami." Sulsol pa ni Samuel.

"Sige po daddy sa inyo po matutulog si mommy mamaya." Nakangiti pang sagot ni Thalia sa ama.

"Punta ka muna kay yaya Minda at may sasabihin lang ako kay mommy mo okay?"

"Sige po!" At naglakad na palabas ng kusina si Thalia.

Kinuha naman ni Samuel ang isang card mula sa kanyang bulsa. "Here take this kayo na lang ang mag-grocery para may stock tayo dito."

Tiningnan ko ang inaabot ni Samuel na card, hindi ito katulad ng atm card or debit card. Kasing laki ito ng ordinaryong card sa banking pero kulay gold ito at may initial lang na nakasulat at S.D ang nakalagay. "Para saan ito? Bakit ganito?"

"This card is exclusive for me, isa lang ang ganyan sa buong mundo Brielle, sa D.M mall kayo mag-grocery. This card is only valid on my Marcus mall." He's referring on his friend, the owner of D.M mall.

"Totoo ba ito? Baka hindi ito gumana ah." Sabi ko naman habang sinusuri ang card na inabot niya.

"That's real Brielle ipapakita mo lang yan doon at hindi mo na kailangang magbayad, automatic mababawas sa bank account ko ang halaga ng mga kinuha mo." Paliwanag ni Samuel, silang magkakaibigan ay nagpagawa ng tig-iisang ganitong card.

"Sige, hanggang ilan ang limit?" Tanong ko pa, naaalala ko dati may binigay din sa akin na atm card si Samuel noong magkasintahan pa kami pero madalang ko gamitin dahil nahihiya ako pero ngayon hindi na. Lalo pa at nakaka-kalma ang paggo-grocery para sa akin.

"No limit for you, you can buy whatever you want, so Thalia bilhan mo din ng gusto niya."

"Sige salamat."

"Buy some lingerie, you know I like it everytime you wear like that." Dagdag pa ni Samuel.

Akma ko itong hahampasin pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"Isang hampas, kurot at pag-irap ng mga mata mo sa akin ay equivalent ng isang halik ha." Nakangising sabi ni Brielle.

"Ewan ko sayo! Hindi uubra yang ganyan mo sa akin." Loko ito ah! Puro pabor sa kanya.

"I'll leave now Brielle, tatawagan na lang kita mamaya." Paalam ni Samuel, kailangan kase siya ngayon sa kompanya niya. "Mamayang gabi pa pala ang dating ni nana Cora dito, na delay ang pilot ko dahil may lakad." Ipapasundo niya kase talaga ang nana Cora na sinasabi ni Brielle na naiwan sa Panggasinan gaya ng usapan nila kagabi.

"Matutuwa niyan si Thalia mamaya." Sagot ko naman.

"I have to go now, magpapaalam lang din ako sa anak natin."

"S-sige.." at sabay na kaming lumakad palabas ng kusina.

Hinintay ko matapos ang pagkakabit ng mga aircon sa bahay ni Samuel bago kami umalis ng bahay, pagkatapos namin mag-tanghalian ay binihisan ko na si Thalia para makaalis na kami. Bale ang tao dito sa bahay ni Samuel ay kaming mag-ina,  kasambahay niya sa penthouse, driver at ang apat na bodyguards niya. Lahat naman sila ay mabait sa akin lalong-lalo na kay Thalia.

"Ma'am may bisita po si Sir Samuel sa ibaba." Sabi ng kasambahay na si Minda na pumasok sa kuwarto ni Thalia.

"Sino?" Takang tanong ko, wala naman sinabing may darating na bisita si Samuel kanina.

"Basta po yung kamag-anak niyang maingay."

"Sige, sige susunod na ako." Inayos ko muna ang pagkakatali ng buhok ni Thalia bago ko ito inakay na lumabas ng kuwarto.

"Brielle!!"

Napatingin agad ako sa babae na nakatayo sa baba ng hagdan at tumawag ng pangalan ko. "A-abby? Abigail Christine?"

Wala ba talagang manlilibre diyan kahit lomi lang?
#maribelatentastories


M.A Series #3 Samuel Dawson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon