zathara2308 thank you sa ☕☕! 😍😍
"Wag na kaya tayong umalis?" Tanong ni Samuel ng makita ang ayos ni Brielle, she's wearing a black knee length dress and a pair of two inches shoes. Parang mas gusto niyang hilahin ito sa kama.
"Ewan ko sayo, halika na." Sabi ko naman sa kanya matapos maglagay ng pulang lipstick. Isasama niya ako sa binyag ng anak ng kaibigan niya ngayon.
"But you make me horny because of your outfit." At hinila pa ni Samuel si Brielle palapit sa kanya. "Damn! You look so fuckable baby.." naglandas agad ang isa niyang kamay sa pang upo nito at nagulat pa siya ng malamang nakasuot ito ng t-back! "Tangina bakit ganyan ang suot mo?"
Agad akong lumayo kay Samuel siraulo talaga. "Halika na at umalis na tayo bago pa magbago ang isip ko na wag sumama sayo."
Bumuntong hininga muna si Samuel bago tingnan si Brielle na nakapameywang sa kanya. "Mamaya ka lang talaga sa sasakyan, yari ka sa akin." Sabi niya at sumunod na dito palabas ng kuwarto nila.
"Binilhan daw si Thalia ng lolo niya ng bike.." sabi ko kay Samuel ng matapos kong tawagan ang anak namin. Hiniram ito ng tita Anastasia nito kanina at ipinasyal sa lolo nito, mag aalas sais pa lang ng umaga ng pumunta si Anastasia sa kanila at hiniram nga ang anak nila.
"Hayaan mo na, natutuwa lang yun si dad sa apo niya." Sagot naman ni Samuel, siya ang nagmaneho ngayon at sila lang ni Brielle ang magkasama. Hindi na siya nag-abala pa na magsama ng bodyguards o magpa-drive sa driver niya. Sa Laguna sila pupunta ngayon, alas onse ang binyag at mag-aalas dyis pa lang naman ng umaga kaya maaga pa sila. Kinuha siya ng kaibigan na si Bullet para mag ninong sa anak nito syempre pati na din ang iba pa nilang barkada, naroon din tiyak si Marcus at asawa nitong si Amara.
"Naiispoiled na si Thalia kung anu-ano na nga ang binibili mo pati na din ang tita at lolo niya." Sita ko sa kanya, lagi na lang may bagong laruan ang anak namin hindi naman sa ayaw ko pero kase ang dami-dami na nito talagang laruan.
"Hayaan mo na beside she's our daughter so she deserve it." At hinawakan ni Samuel ang kamay ni Brielle. Pinag-salikop niya pa ang kanilang mga kamay.
Yan, yan lagi ang dahilan niya kaya lang bilang ina ayoko naman na lumaki na sunod sa luho si Thalia. Ako madalas ko siyang tinatanggihan pero hetong si Samuel panay oo lang oo sa anak namin.
Mag aalas onse na ng umaga nakarating sila Brielle at Samuel sa Laguna and to their surprise Abigail is also there!
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ni Samuel ng makita ang pinsan niya, kasama nito ang asawang si Gerald.
"Hi kuya Samuel, hi Brielle. Magni-ninang ako, Bullet is my friend too!" Sagot ni Abigail.
"Tsk, buti hindi ka nasunog pagpasok mo dito sa simbahan." Sabi pa ni Samuel na kinatawa ni Gerald.
"Grabe ka! Bakit naman ako masusunog aber?" Inis na tanong ni Abigail.
"May kasalanan ka sa amin baka nakakalimutan mo. Lalo na sa akin Abigail christine." Sagot ko naman, kahit mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng mainom ko ang lintek na kape na bigay niya ay hindi ko pa din yun nakakalimutan hanggang ngayon!
"Wala akong maalala." Kunwaring palusot ni Abigail. "Mamaya na tayo mag-usap sa reception nandiyan na ang pari." Pag-iiba niya ng usapan alam niya kaseng masasabubutan talaga siya ng kaibigang si Brielle mamaya.
"It's good to be back.." naglingunan sina Marcus, Bullet at Samuel sa pinang-galingan ng boses.
"Rios!" Napatayo pa si Marcus at nakipag-kamay sa kaibigan.
"Tangina buhay ka pa pala!" Dagdag pa niya."Siraulo!" Sagot ni Rios na siyang nakipag-kamay din kina Bullet at Samuel. Matagal-tagal din silang hindi nagkita.
"Akala ko hindi ka makakarating.." sabi ni Bullet at inabutan ng alak ang kaibigan.
"Pinilit ko talaga, hindi na nga ako nakahabol sa simbahan eh. Congrats nga pala pare!" Sabi ni Rios.
"Kamusta na ba tinyente? Saan ka ba na-aasign?" Tanong ni Samuel.
"Alam mo na sa gilid-gilid." Sagot ni Rios.
"Gago! Ano? Kailan ka mag-aasawa? Ikaw na lang ang wala sa amin." Sabi ni Marcus.
"Masaya na akong maging ninong ng anak niyo. Tsaka alam niyo namang busy ako sa trabaho." Sagot ulit ni Rios, that's true busy talaga siya sa trabaho at NPA pa no permanent address. Nagpakita lang talaga siya ngayon sa mga kaibigan dahil hindi niya mahindian si Bullet. Magkababata kase sila nito.
"Wag mong sabihing bata ka pa Rios dahil magkaka-edad lang tayo." Sabi pa ni Samuel.
"Hindi ko naman kailangan ng asawa."
"Sinasabi mo lang yan kase wala pa pero tingnan mo ako masaya kami ni Elaine." May pagmamalaki sa boses na kuwento ni Bullet. Anim na buwan na ang anak nila ni Elaine ng pabinyagan nila ngayon.
"Wag nga ako ang pag-usapan niyo, let's just drink and celebrate." Tinaas pa ni Rios ang kanyang baso para makipag-cheers sa mga kaibigan.
Short update lang, goodnight😴
#maribelatentastories
BINABASA MO ANG
M.A Series #3 Samuel Dawson
RomanceSamuel Dawson and Brielle story🖤 ⚠️ R18 story Available on self pub book, already completed but I deleted some chapter to avoid the soft copying of my story.